53RD ROSE || Unidentified Feelings

20.4K 603 173
                                    

53RD ROSE || Unidentified Feelings


- THE ROSE WHO LOVES TO STORYTELL -

"I can't handle this anymore!" isang nagtatakang tingin ang ipinukol nina Stacey, Sia at Fiona kay Myrtle nung bigla nitong hinampas ang kanilang mesa. Mabuti na lamang at kokonti lang ang mga tao sa refectory kaya hindi sila masyadong nakakakuha ng atensyon.

"Calm down and sit, Gail. It's embarrassing that there are sets of eyes looking at us," agad namang hinila ni Stacey paupo si Myrtle.

"What happened to you, Myrtle? Is there something bothering you?" tanong ni Sia.

"Yes! That b*tch keeps on bothering our lives!" untag ni Myrtle.

"Who?" tanong ulit ni Sia.

"Sia, seriously? You shouldn't ask that nonsense question because in the first place, you already know who," inirapan naman s'ya ni Fiona.

"Ah, Michelle Sumastre? Yeah right, she's such a big bother to us," komento ni Sia.

"Yeah right. First, when she slapped Tric in front of the school population and he even kissed her in surprise! At ang nakakainis pa, sa harap pa natin!" untag ni Fiona.

"Second, nung maging class president natin s'ya! Imagine, first time in the history sa class natin na mag-elect ng class president dahil alam naman nating lahat na ayaw nating pinangungunahan tayo and here, naging class president s'ya," dagdag naman ni Stacey.

"Third, nung matalo n'ya sa Power 20 si Nathaniel. Forth, nung gawin n'yang escort sa 18th birthday n'ya ang mga heartthrobs na pinapangarap nating lahat!" Sia groaned.

"And now, ang mga kaklase natin ay tanggap na tanggap s'ya and worst, sinusunod pa nila 'yung nonsense, lame rule n'ya na cussing jar! What the hell?" bahagya namang nagtaas ng boses si Stacey.

"How dare she stole the spotlight?! How dare she done those things?! How dare she stole everyone's attention?!" ikinuyom naman ni Myrtle ang kanyang mga kamao na nasa ibabaw ng mesa. "I will not just sit here and do nothing – letting her pull strings to us. I will dig her weakness and deepest secrets and I will ruin her until she can't get up and give up because of shame!"

Nagkatinginan naman sina Stacey, Sia at Fiona. "What do you mean? What's your plan?"

Myrtle flaunts an evil smirk to them.


Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Michelle nung makalabas na s'ya ng Empire Academy. Dahil gamit ni Beyoncè ang scooter ni Mama Rona ay wala s'yang magagawa kundi ang maglakad papunta sa sakayan ng jeep para sumakay pauwi. Wala naman kasi talagang masyadong dumadaang pampasaherong sasakyan sa eskwelahan nila dahil halos lahat ng mga schoolmates n'ya ay may kanya-kanyang sundo at sasakyan. Rich kids.

Habang tahimik s'yang naglalakad at binabaybay ang daan papunta sa sakayan ng jeep ay naramdaman n'yang may sumusunod sa kanya. Bahagya s'yang sumilip sa kanyang likuran at bumungad sa kanya ang pulang kotse na dahan-dahan lang sa pag-andar.

Bumuntong-hininga si Michelle kasabay ng kanyang pagbuntong-hininga. "Napaparanoid ka lang, Michelle. As if naman sinusundan ka ng isang mamahaling kotse eh wala naman s'yang mapapala sa'yo. Kumalma ka lang at maglakad ka ulit."

Ipinilig n'ya ang kanyang ulo at nagpatuloy sa paglalakad pero tila'y sinusundan parin s'ya ng pulang kotse. Nagsimula na s'yang gapangan ng kaba at takot habang naglalakad s'ya. Panay parin ang sunod sa kanya ng pulang kotse.

Hindi kaya... hindi kaya mga kidnapper ang lulan ng sasakyan? Mga sindikato na dumudukot ng tao para ibenta o kunin ang mga lamang-loob at ibenta?! Ginoo ko Lord tabang! Nahadlok na dyud ko!

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon