09

335 8 8
                                    


November 5 7:30 PM

"Here we are." Sabi ni Javis at binuksan ang pinto para sa akin. Common na yang bukas-pinto na yan eh. Walang bago. "Thanks." Sabi ko. Napamangha ako sa laki at sa kagandahan ng lugar. The place is so elegant and it reminds me of Beauty and The Beast.

Nakita ko ang mga schoolmates kong nakakalat sa iba't ibang lugar, ang ilan nasa bar stand ang iba naman nasa barbecue stand at nasa kani-kanilang buhay. Bigla akong natauhan nung tinapik ni Javis ang balikat ko. "Kanina ka pa nila tinitignan. Hali ka na nga." Sabi niya kaya't napatingin ako sa paligid at napatantong nagbubulongan ang mga tao.

Umupo kami sa isang table, it was occupied by us only kasi table for two lang naman iyon. Ngunit, Biglang tumunog ang speaker na nasa entablado na malapit sa amin.

"Good evening ladies and gentlemen. I hope you enjoyed staying here as of the moment. But now, let us call on Miss Andrea Sanchez and Mr. Daze Delafuente for their first dance." Biglang dumilim ang paligid at tanging spotlight na nasa stage at mga ilaw ang tanging liwanag sa lugar.

Lumabas si Daze habang bitbit ang isang rosas at sumunod naman si Andrea. They look so cute together, couple goals rather. Nakangiti ako ng mapait sa hindi man lang alam ang dahilan.

No Desiree, stop.

They danced. Magaling silang sumayaw and that made them perfect for each other. Pero, syempre, walang perpekto sa relasyon. Perfect lang sa una, parang bubble gum lang, una malasa sa huli ay magsasawa.

Bumulong si Javis sa akin. "Fate, laway mo tumutulo na." Sabi niya kaya't natauhan ako at umupo ng maayos. "Hindi kaya! Imaginasyon mo lang yan, Javis." Sabi ko kahit alam kong basa yung gilid ng labi ko. Nabigla ako kasi may tumapat sa gilid ng labi ko, at yun ay isang tissue.

Javis wiped my saliva. "Nyemas ka, Javz." Bulong ko ngunit tumawa lang siya. Napatingin ako sa stage at nakitang nakatingin sa amin si Daze ngunit umiwas siya.

Can someone explain this kind of sorcery to me? I need an acceptable reason asap.

Kitang-kita ko sa mukha ni Andrea na ang saya niya ngunit si Daze mukhang natatae sa kanyang ipinalabs na ngiti, at malalaman mo ding pilit lang ito. Natapos ang sayawan at lumiwanag ang kapaligiran. "That was perfect! Now let's give the stage for the parents of Ms. Sanchez and Mr. Delafuente."

Naiihi ako kaya nag-paalam ako kay Javis. "Samahan na kita," sabi niya. "Alam mo ba ang daan?" Tanong ko kaya tumango lang siya. Nagsimula na kaming mag-lakad. "Grabe, laway mo fate. Hinuhubad mo na ba si Daze doon sa stage?" Natatawa niyang tugon kaya't binatukan ko siya, "Aray! Eh totoo naman ah!" Sabi niya, "Anong totoo? Bwisit ka ah. Ang ganda lang talaga nilang sumayaw." Sabi ko.

"Deny pa more," pag-loko pa niya sa kin kaya't nakatanggap na naman siya ng malutong kong pagbatok sa kanya, "Aba't- sumosobra ka na ha!" Sabi niya at kiniliti ako dahilan upang matawa ako. "Naiihi na ako ano ba!" Sabi ko.

Konting konti nalang Javis, punong-puno na ako sayo

Nasa tapat na kami ng palikuran kaya't pumasok na ako ngunit tinignan ko muna siya ng masama. "May white lady diyan, lagot ka." Pananankot niya sa akin.

Am i that stupid? Who even believes in that kind of stuff? Well yeah, Javis of course.

Pagkatapos kong umihi lumabas ako ng palikuran at nakitang wala ng tao doon. Aba'y anak ng pusa- iniwan na naman ako.

Palagi lang naman, i'm used to it.

Nakarinig ako ng ring sa phone ko kaya kinuha ko ito. "Hello! Fate! May emergency sa bahay! Babalik ako diyan para iuwi ka! Aa-ray! Wait ok , mag ingat ka ah?! Ba bye!" Sabi niya and turned off the call,

wow

Mukhang nag-mamarathon na siya ngayon. I just shrugged. So, saan na pala ako? Damn, paano na to! Kasalanan to ni Javis! Kinikiliti ako habang kami'y papunta rito.

Naglalakad lang ako, nakaririnig ako ng mga boses pero teka, parang nawala na yata ako? Pahina ng pahina ang mga boses na galing sa venue eh.

Bigla akong nakarinig na kaluskos sa likod.

Nagkatotoo pa ang sinabi ni Javis? Syempre hindi di ba?

Ghosts? Pft. Matagal na akong na ghost.

Okay, but wait, inhale-exhale

Tumalikod ako ngunit biglang may nagtakip sa bibig ko at pinunta ako sa isang madilim na sulok.

"H-hoy! Ano ba ang kailangan mo? Please, wag ako!" Sabi ko. "Desiree," narinig kong sabi niya ngunit parang napaos yata ang masamang tao nato ah. "Aba! Bakit mo alam ang pangalan ko?! Please! Gusto ko ng umuwi! May pangarap pa ako sa buhay! Dapat akong grumaduate! Kuya please!" Pagmamakaawa ko. Ngunit nabigla ako kais niyakap niya ako, nanginig ako dahil sa kanyang mainit na hininga sa leeg ko.

"Desiree," sabi niya uli. Ano? Desiree lang ang alam niya? Aba, desiree lang ba ang salitang alam niya since birth? Aba'y kung sinuswerte naman but well, I appreciate it.

Pero teka lang, parang dito na yata matatapos buhay ko (?)

"Gusto kita." Bulong niya, "Sana lahat crush kahit bago palang nagkakita." I scoffed. "Sinong niloloko mo kuya ha?" Sabi ko sakanya. "Why do you make me feel this way," sabi niya.

Teka lang ha, ponyeta. Wag mong sabihin na may crush sakin tong kidnapper na to. May tao ngang gusto ako pero ba't ito pa?

Charot choosy ka pa e, papatol ba ako?

Teka lang Desiree, you should be shouting for help pero lumalamang ang karupokan mo.

"Nagseselos ako, Desiree." Nagpapaos niyang sabi. "Gusto kita, Desiree Fate Cruz. Matagal na." Sabi niya ulit dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko, puso, masamang tao to, ano ba! Malamang mabilis ang tibok ng puso ko kasi kaharap ko ngayon ay isang masamang tao diba?! Diba? Diba.

Nabigla ako kasi may malambot na bagay ang dumampi sa bibig ko.

God, hindi ko naman sinabi na sa masamang tao mo ibibigay first kiss ko, hindi naman ako choosy eh pero bakit?

Inilayo ko ang mukha ko. So my heart is beating rapidly now. First Kiss ko yun eh. At sa masamang tao pa nanggaling?! Tumakbo ako ng malakas hanggang nakarating ako sa parking lot. 

Malapit na pala yun sa parking lot? Aba mas okay pa palang tumakbo ako na nakapikit kanina edi sana hindi ko natagpuan ang lalaking yon at di niya kinuha ang first kiss ko. Nakita ko si Javis na tumatakbo palapit sa akin, "Okay ka lang ba?" Sabi niya, biglang tumulo ang luha ko at niyakap siya. "J-javis, uwi na tayo," sabi ko sakanya.

Ba't ako naiiyak? Because am i close on getting raped by someone who said he likes me?

He tightly held my hand and went inside his car, "Kasalanan ko kasi eh." Sabi niya at kinuha ang panyo at inilahad iyon sa akin. "Wag ka ng umiyak," sabi niya, "sa mundong pabago-bago, pag-ibig ko ay totoo." Pagkanta niya, wow. Ganda pala ng boses niya. (Note the sarcasm)

Napangiti nalang ako. "Yun oh, nakangiti na siya, eeh." Sabi niya. "Desiree, kain muma tayo Mc'do." Sabi niya at nag-pout. Tumango lang naman ako. Hindi parin mawala sa isipan ko ang nangyari kanina, pero lilipas din to.

Pero, why is that person familiar?

- - - -

HI GWYNETH!

The Campus Nerd is HugoteraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon