Simula

704K 10.8K 626
                                    

Warning: SPG

Sunod-sunod ang pagtipa ko sa mga letra na nasa keyboard habang tutok na tutok ang aking mga mata sa computer. Ang tanging nasa aking isip lamang ngayon ay kailangan kong matapos ang mga report ko dahil deadline na nito bukas.

Kailangan kong maipasa agad ito dahil kung hindi tiyak na mapapagalitan ako ng aking Boss. Kilala siya rito sa kumpanya namin na masungit at arogante pero mas kilala siya rito dahil sa taglay nitong kagwapuhan.

Siya lagi ang bukam-bibig ng mga babaeng employee rito sa kumpanya niya. Kulang na lang magkaroon na siya ng fan page sa facebook, sa twitter or maybe sa instagram. Parang daig pa niya ang artista sa dami nang nagkakagusto sa kanya.

Bakit kaya ang hilig ng ibang mga babae sa mga lalaking arogante at masungit? Kahit babae ako, hindi ako mahilig sa mga lalaking gano'n.

“Ali, hindi ka pa uuwi?” someone's asked me from behind.

Napatigil ako sa pagtatype at tinignan si Hailey, my bestfriend. Bahagya ko munang inayos ang aking suot na salamin bago magsalita.

“Hindi muna, tatapusin ko pa 'to.”

Nandito pa rin ako sa opisina namin at kahit alas otso na ng gabi ay mas pinili kong h'wag munang umuwi. Gusto ko... bago ako umuwi ay tapos na ang aking mga report, para bukas, ay magpapasa na lang ako.

“Sure ka? Baka mamaya makasabay mo pa si Sir Ken pag-pauwi ka na.” may sumilay na kakaibang ngiti sa labi ni Hailey.

“Wala akong pakialam. Sige na, umuwi ka na. Baka hinahanap ka na ng asawa mo.” pagtataboy ko rito.

Nagkibit-balikat muna 'to bago siya nagpaalam muli at iniwan na ako rito. Bumalik muli ako sa aking ginagawa nang hindi inaasahang mapatingin ako sa kalendaryo na nakasabit sa ulunan ng computer. Napatigil muli ako habang ang aking mga mata ay nakatutok sa numerong nakakapanindig ng balahibo ko, walang iba kung 'di ang numerong uno ng Oktubre.

Napalunok ako ng laway at dahan-dahan akong tumayo. Dahan-dahan din akong tumitingin sa paligid ko. Sabi nila, tuwing sasapit ang gabi at kada-uno sa bawat buwan ay nagpapakita rito ang lalaking itim. Hindi ko lang sure kung totoo 'yon.  Basta kalat na kalat iyon sa buong kumpanya na may nagpapakitang lalaking itim dito.

Nagsisisi ako bigla ngayon kung bakit 'di ako sumabay kay Hailey.

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at mula sa pinto ng opisinang 'to ay nakaaninag ako ng anino ro'n. Napacross-sign ako ng wala sa oras.

“Jusko, Lord. Please come and save me.” I whispered. Palapit na palapit ang anino sa pinto at kada paglapit nito ang siyang pagputol ko sa'king hininga. Ang puso sa'king rib cage ngayon ay mabilis na ang pagtibok at malakas! Baka atakihin pa ako ng wala sa oras!

Sayang kasi ang pera, sayang ang sahod na malapit ko nang makuha muli at sayang ang magandang trabaho ko pati ang pamilya ko! Sayang din ang edad ko, achievement ito para sa'kin dahil trenta na ang aking edad tapos mamamatay lang ako dahil sa lalaking itim na 'yan? No way!

Nang biglang bumukas ang pinto ay napasigaw na ako.

“Damn! What the hell?!”

Napatigil lamang ako sa pagtili nang marinig ko ang boses na 'yon. Dali-dali akong umayos ng tayo at mabilis kong inayos ang aking buhok at tinanggal ang salamin na suot ko kanina pa. Nahihiya akong ngumiti kay Mr. Ken Liew Del Valle— ang aking Boss.

pregnant by my boss (Completed) (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon