King Archer's Tower (JeMik) Chapter 44

2.3K 19 1
                                    

Nagulat naman si Jeron sa natanggap niyang text galing kay Kristian. Di niya alam kung anong meron at kung bakit gusto nito makipagkita sa kanya. Balisa ito na nagpunta sa unang klase hanggang ngayon kasi himdi ito mawala sa isipin niya.....


Jeron's POV

From: +639xxxxxxxxxx

Bro, Kristian to can we meet later? after ng class mo.

(Ang weird talaga naguguluhan ako na ewan -__- hanggang ngayon di mawala sa isip ko yung text nung Kristian nayun pano banaman di naman kami close pero gusto niya makipagkita? anong dahilan? may kinalaman kaya to kay Mika? hayyy... Hanggang ngayon diko padin siya nirereplyan.....

*Napansin naman ng Professor niya na wala siya sakanyang sarili kaya naman agad siyang tinawag nito na ikinagulat naman niya.

Professor Diaz: Mr. Teng are you with us?

Jeron: Huh? Y-Yes sir (tumayo)

Professor Diaz: Now tell me what's our topic all about?

Jeron: (napakamot sa ulo) Ah-.......

Professor Diaz: See, sa susunod na papasok kayo sa klase ko you must be attentive okay? and for you Mr. Teng hindi exemption ang pagiging athlete mo dito you should also be responsible in this class student kadin katulad nila. Now take your seat.

Jeron: Sorry sir (napayuko sa hiya)

(Uggggggh! badtrip! napagalitan pako ng prof ko -___- bat ko ba kasi pinoproblema tong mokong nato eh, pero ano nga makikipagkita nga kaya ko mamaya? hmmm, Sige na nga nakakaawa naman to tsaka baka importante naman yung sasabihin..)

To: Kristian Ahorro

Alright bro, just text me when and where

From: Kristian Ahorro

Sa malapit na coffee shop dito sa DLSU and please promise me wag mo sasabihin kay Mika na magkikita tayo.

(Huh? weird -__- ano ba talagang meron? nahihiwagaan nako dito sa Kristian na to ah.)

To: Kristian Ahorro

Sige sige

*Pagkatapos muling binaling ni Jeron ang atensyon niya sa kanyang professor. Nagdaan ang dalawang klase niya ng maisipan niyang itext si Mika at pagkatapos nito pumunta na siya agad sa pinakamalapit na coffee shop sa DLSU kung san sila magkikita ni Kristian. Samantalang nandun na si Kristian na nagaantay sakanya sa loob ng coffee shop...


Kristian's POV

(Kahapon di ako mapakali diko alam kung bakit. Para bang may bumabagabag sa isipan ko na diko din alam kung ano. Siguro ito nadin yung diko pagpansin kay Mikang nung class namin. Napakahirap sa side ko yun pero syempre to help myself nadin mas pinili kong tiisin yun. Pero may isa pa talagang dahilan kung bakit ako nababagabag, tumawag ang daddy ko from Dubai. He called us through skype at eto nanga napagusapan nila ni Mommy na dun muna ko magstay for a couple of months. Hayyy Tignan mo nga naman ang panahon gagawa at gagawa talaga ng paraan para lang mapadali tong pinagdaraanan ko. *smiles* Pumayag nadin ako syempre naman alam kong makakatulong din sakin yun at para naman kahit papano mawala sa isip ko si Mikang. Kaso di ko alam kung pano konsasabihin sa kanya na aalis nanaman ako. Kelan nalang ulit kami nagkita tapos eto nanaman....

..... Nagisip ako ng nagisip hanggang sa naisip ko kung makipagkita kaya ko kay Jeron. Una hello Kristian okay ka lang? bat si Jeron? Hayyy pero gusto kona din kasi siya kausapin. At lalaki sa lalaki pinapaubaya ko sakanya si Mikang mukha namang hinding hindi niya sasaktan ang bestfriend ko pero gusto ko makasigurado at sabihin niya mismo yun sa harap ko. Gusto ko na din kasi sabihin itong nararamdaman ko na sana hindi niya masamain. Kaya naman nung maisip ko yun pumunta agad ako sa Sports Development Office kung san nandun si Coach Juno. Kinuha ko ang number ni Jeron sakanya at eto nanga tinext ko siya at napagkasunduan namin na magkita dito sa Coffee shop na pinaroroonan ko ngayon.)

King Archer's Tower (JeMik)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon