Chapter 49: Break

892 21 3

Chapter 49: Break


Pagkalabas ko sa kwarto ko kinabukasan lahat sila napatingin sakin. Napatigil sila sa lahat ng ginagawa nila.


"Goodmorning." bati ko sakanila na nakatingin pa din sakin.


"Ok ka na ba?" tanong ni Daddy.


"Opo." ngumiti ako sakanila para malaman nilang ok na ko pero sa totoo niyan. Hindi pa ako okay. Nasasaktan pa din ako hanggang ngayon. Pero kailangan kong ipakita sakanila na ayos na ako para hindi sila mag-alala.

Nakita ko naman na naniwala sila dahil masaya silang nakatingin sakin habang nagwawave ako sakanila para magpalam.

"Don't pretend that you're actually ok even you're not." napatingin ako kay Yosef na seryosong nakakatitig sakin. Papunta na kaming school.

"I'm ok." pagtatama ko.


"Stop fooling around." napairap ako at tumingin na lang sa labas. Paano niya nalaman na hindi pa ako ok? Ewan ko sa diyan sa kapatid kong napaka weird.

Natahimik ang classroom namin ng makita ako ng mga classmates ko. Nakita kong tahimik na nakaupo sila Lenzie at Shane. Narinig kong nagbulungan sila habang nakatingin sakin.


"Sana magbati bati na kayo Yahnie." sabi ng isa kong classmate.


"Oo nga." sang-ayon naman ng mga  classmates ko. Napangiti ako, kahit pala hindi ko sila nakakausap at hindi ko naman sila close kahit papano pala may care pa din sila.

Tinawagan ako ni Daniel na nasa Canada siya. Biglaan daw at hindi niya alam kung kailan ang balik niya. Napabuntong hininga ako at napagdedisyong lumabas muna. Tutal may 30 mins. pa bago mag time.

Kamusta na kaya si Monggi? Masaya na ba siya? Masaya ba sila ni Shane?

Napatigil ako sa paglalakad ng narealize ko nasa harap na ako ng Green House. Pumasok ako at nakita agad ang ang nagiisang Rose.

Napangiti ako ng malungkot. Alam ko na kung bakit hindi mabigay-bigay sakin ni Monggi yung Rose. Dahil hindi naman talaga sakin mapupunta yun, kay Shane.

Naramdaman kong tumulo na naman ang luha ko. Araw-araw na lang ba ako iiyak? Hindi pa ba pagod ang mga mata ko? Ayoko na, e. Ang sakit sakit na.

"Why are you crying?" naestatwa ako. Yung boses niya na ilang araw kong hindi narinig.

"N-none of your business." aalis na sana ako kaso nahawakan niya ang braso ko at hinarap niya ako sakanya.

"Are we ok?" nag-aalalang tanong niya. Nakikita ko sa mata niya ang lungkot. "Reign answer me.." napapikit ako. Gusto ko ng bumigay, gusto ko na lang ipaglaban siya kay Shane.

"Sorry Zuriel. L-let's broke up." pumiyok ako at bumuhos na naman ang mga luha ko. Nabitawan niya ang braso ko at napanganga.

"What?" mahinahon na sinabi niya.

"You heard me." Aamba na akong aalis sa harap niya pero hinawakan niya na naman ang braso ko.

"Why?" nanginginig na tanong niya. Napapikit ako ng marinig kong pumiyok siya. "Why Reign? Tell me." Ayokong makita siya kasi alam ko hindi naman talaga niya ako mahal. Masakit. Pero bakit nasasaktan ako dahil nararamdaman kong nasasaktan siya? Ang gulo ko. Ang gulo ng buhay.

"Mahal ko pa din si Royce." Sorry, Royce kung  nadamay ka pa.

"N-no. " halos pabulong na sabi niya. Mas humigpit ang hawak niya sa braso ko. "You're liar!" inalis ko ang pagkahawak niya sa braso ko. Pride na lang Yahnie. Pride mo na lang ang meron ka ngayon.

"You know what, ikaw ang lalaking kilala ko na hindi mahilig sa basketball. Pero ikaw? Ano? At alam mo, ikaw lang ang lalaking nakilala ko na hindi nakikipagkaibigan sa classmates niya. Isa lang ang kaibigan mo. Sa tingin mo ba gusto ko yun? Ayoko sayo Zuriel! Gusto ko yung friendly at palangiti. Tapos gentlemen! At si Royce yun. Ngayon sabihin mo nga sakin kung ikaw ang lahat nun?!" Bumuhos ang luha. Mahal kita Zuriel kahit ganyan ka. Mahal na mahal kita na gagawin ko to para lang maging masaya kayo. Sorry kung nasaktan kita pero tama si Shane. Pride na lang meron ako.

Tinalikuran ko na siya kaso yinakap niya ako mula sa likod. Please Monggi, tama na.

"I'll change myself. I will be friendly, gentlemen and be a basketball player.. Please.. " napakagat ako sa ibabang labi ko. Bumuhos ang luha ko ng malaman ko na umiiyak na siya.

Shit. Zuriel tama na ang arte. Wag mo akong paasahin. Ang sakit na, e. Hindi ko na kaya. Tanggap ko naman na, e. Oo mahal mo ko alam ko yun ramdam ko yun  pero MAS mahal mo si Shane.

"Pinagtabuyan na kita. Dapat galit kana sakin Zuriel. Naapakan ko na ang ego mo." naramdaman kong mas humigpit ang yakap niya sakin.

"I don't care." sinubukan kong alisin niya ang pagkayakap niya sakin pero masyado 'tong mahigpit.

"L-let me go, Zuriel."

"Please.." naramdaman kong lumawang ang pagkayakap niya sakin kaya nakawala ako at tumakbo palabas sa Green House.

Nakita kong si Shane na nasa labas at nakikinig ata. Tinatakpan niya ang bibig niya habang umiiyak.

"Ok na. S-san maging masaya kayo."

Bumuhos ang luha ko sa pagtalikod ko sakanya at patakbong umalis.

--

A/N: Sorry for typo. Nagmamadali na talaga ako. Ieedit ko na lang :) Thank you. Happy 12k~

She's Accidentally Inlove With A HeartthrobBasahin ang storyang ito ng LIBRE!