Chapter 9

70 6 2
                                    

CHAPTER 9

Dedicated kay pinkypairishiii . Salamat sa pagbabasa at pagvote ng TH! :**

**

"Letse! May saltik ka ba ha?!" sigaw ko kay Tofer habang pinapagpagan ko ang buhok ko. Pilit kong tinatanggal yung mga pinagtasahan nila ng lapis ni Jeremy. Bwiset! Ang hirap kayang tanggalin, di bale sana kung tutulungan nila akong tanggalin lahat ng to.

"Hoy! Ano? Tutunganga ka lang dyan? Hindi mo man lang ako tutulungan? Pasarap buhay, ganon?" sigaw ko pa din dito ng hindi niya pinansin ang sinabi ko kanina.

"Ba't naman kita tutulungan? Ikaw nga tong nakabangga ng braso ko." sagot niya. Ibang klase din ang isang to eh! Walang awa! Nakakainis.

"So kasalanan ko pa ngayon? Sinasabi mong intensyon kong lagyan ng pinagtasahan ng lapis tong buhok ko? Letse, sinong tangang tao ang papahirapan ang sarili niya?" asik kong sabi sa kanya habang pinipilit ko ang sarili kong kumalma.

"Ikaw. Nangyari na nga sayo diba? Nagtatanong pa, halata naman. Nagmamaang-maangan pa, totoo naman. Tss. Mga babae talaga." naiirita niyang sabi. Siya pa ngayon ang naiirita! Nakakaletse! Siya ba tong hirap na hirap tanggalin yung mga pinagtasahan NILA sa buhok ko? Hindi naman ah. Arte. Kainis.

"Hoy! Lalakeng kakambal ng walis tingting! Tutulungan mo lang ako di mo pa magawa! Isa kang tamad na tao!"

"Tell me, Why should I help you?"

Urgh! Kaya ko pa. Kaya pa. Damn! May ikakalma pa ba ako? Hindi ko na kaya. Naiinis na talaga ako. Kanina ko pa talaga siyang gustong upukan sa totoo lang. May mga nakikiusyoso nadin na mga kaklase ko pero wala akong pakialam. Alam ko namang hindi sila magsusumbong, yari lang talaga sila saakin pag ginawa nila yon. Aba! Nanahimik ako dito, wala akong ginagawa sa kanila tapos papakielaman nila ako at ipapahamak. Hindi naman ata tama yon.

"It's not my fault,if your too clumsy.Hindi ko din kasalanan na paharang-harang ka." dagdag pa niya.

"Nahiya naman ako sayo. Ako pa tong lampa samantalang ikaw tong hindi tumutingin sa dinadaanan mo. Letse! Ang laki ng daan oh! Pwedeng dumaan sa kabila, kung hindi ka ba naman tanga."

Konti pa, masasapak ko na siya. Inaayos ko kasi yung mga nalaglag kong gamit, eh malay ko bang bulag siya kaya natisod siya sa nakakalat kong libro at sa kasamaang palad nalaglag sakin yung mga pinagtasahan nila ng lapis. Tss.

"Alis diyan. Dadaan ako. Laki mong harang." naiinis niyang sabi.

"Bwiset! Anong tingin mo dito sa kabilang to?" sabi ko sabay turo sa kabilang daanan. "Hindi ba to daanan? Dumaan ka dito kung gusto mong umalis dyan sa kinatatayuan mo. Daming paraan. Laki laki ng mata mo, di mo gamitin. Tanga na nga, bulag pa." naiirita kong sabi.

"Daming sat'sat. Alis diyan" sabi niya at bigla niyang sinipa ang libro ko kaya tumama sa dibdib ko. Letse to! Punong puno na ako.

"Gago ka ba ha?! Ikaw ba nagpapaaral sa akin?! Makasipa at Utos ka ha!Pag nasira tong libro ko, ipapakain ko to sayo ng buong buo!  Gago! Parehas lang tayong estudyante dito hoi. Makaasta akala mo kung sino!" bulyaw ko sakanya saka tinapunan ng masamang tingin.

"Tss. Ingay." walang ganang sabi nito at saka naglakad palayo.

Aba gago to ha! Paulit-ulit ko na pala siyang sinasabiha ng gago. Anong magagawa ko? Eh gago siya eh. Wala talagang modo. Gago talaga.

Sa inis ko kinuha ko yung librong sinapa niya kanina at tumakbo palapit sa kanya. Tinulak ko siya kaya muntik na siyang masubsob pero buti na lang nabalanse niya agad ang katawan niya. Tss. Mabilis tong lalakeng to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Help Me, Im DyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon