[7]♕ New Friend

2.6K 59 0

Hana's Pov

Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala na may ganitong lugar ang isang paaralan. Ang isang sikat na paaralan may tamabayan?!

“Hana, kamusta kayong dalawa sa iisang kwarto?”  bigla akong nabilaukan dahil sa tanong ni Harley.

Mabilis naman niyang inabot yung tubig.

“Hana right?” taning ng isang babae. Kaming dalawa lang ang babae sa tambayan nila kaya medyo naiilang ako.

Tumango nalang ako sakanya. Pansin ko parang malapit siya sa lahat ng LIONS. Pero infairness ang gwapo nilang lahat. Parang lahat sila galing showbiz.

“I'm Angel Maurine Jade Santiago.’’ pakilala niya saakin. Mukhang mabait naman siya. I smiled at her.

“Ang ganda mo pala kapag ngumingiti” sabi ni King.

“By the way, Hana brokenhearted ba yung kaibigan mo?” tanong naman ni Van.

Aish. Si Alexa tinutukoy niya. Naawa tuloy ako bigla. Minsan lang kasi siya maging masaya at yun ay noong dumating si Russel.

“Yeah. She is, why?” tanong ko.

“Wala lang. Napansin ko” sagot niya saakin.

“Ang hihilig niyo kasing mga lalaking mangako di nyo naman tinutupad. Kung ako sainyo hindi puro salita kasi mas kailangan naming ang gawa kaysa salita” sabi ni Angel. Sus! May pinagdadaanan siguro siya kaya ganoon siya makapagsalita.

“Prinsesa ko, may pinagdadaanan ka? Sabi ko na kasi sayong nandito lang ako” sabi naman ni  Zane Caleb. Parang siya lang ang 'medyo' matino.

“15 minutes nalang para magtime” singit ni Terrence. Kaya naman tumahimik na ang lahat. Inayos na naming yung mga gamit namin.

Bakit na ang dami ng nakatingin saamin kapag may isa kaming kasama sa Lions. Ito kasing si Zane sumama saamin. Gusto daw  niyang mgakasabay si Angel. Kaya ito kami ngayon ni Angel parang mamamatay sa nakakatakot nilang tingin saamin.

“Sige, alis na ako. Sunduin kita mamaya Angel.” sabi niya at umalis na.

“Ayiiieee! Kinikilig ka no?” tanong ko sakanya. Namumula kasi yung pisngi niya at nakangiti pa siya kahit wala na si Zane.

“Hindi kaya! Pumasok na nga tayo! Dami no pang alam”

“Teka, Angel diba sabi nila kaklase natin sila? Bakit wala pa sila?”

“May meeting sila, tungkol sa basketball. Malapit na kaai laban nila” paliwanag niya. Tumango nalang ako.

“Hana!” napatingin ako sa nagsalita. Si Gavin lang pala. Pero bakit parang na-shock si Angel?

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sakanya.

“Ano pa ba? Edi mag-aaral. Pareho pala tayo ng schedule”

“Bakit mo naman ginawa yun?”

“Wala lang trip ko lang. Teka, ANGEL?”

“Gavin? Nandito ka na pala” pagkasabi ni Angel, umalis siya agad. Parang umiiyak pa siya. Ano kaya relasyon nilang dalawa?

“Sundan ko lang” sabi ni Gavin at biglang tumakbo.

Umupo nalang ako sa upuan ko. Di nagtagal bumalik na ang Lions. Siguro napansun nilang wala si Angel. Nilapitan ako ni Tyler.

“Where is Angel?” tanong niya. Kinakabahan talaga ako sakanya pero sabi naman ni Angel mabait siya.

“Ah-eh----”

Casanova's  WifeRead this story for FREE!