Chapter-13 (BASANG BASA SA ULAN)

588 30 0
                                    

(SAM)

Bago kami matulog ay nag usap muna kaming dalawa ni ian kung saan ba siya matutulog kung gusto ba niya sa sofa o sa kwarto ni papa o ililipat nalang yung higaan ni papa sa kwarto ko.

"Ilipat mo nalang yung higaan ng papa mo sa kwarto mo baka kasi kung sa kwarto ako ng papa mo matulog ay pagalitan ako"

"Oh sige" sabi ko sa kanya at kinuha ko na ang higaan ni papa at inilagay sa kwarto ko.

"Ayos lang ba na dito ka sa sahig?" tanong ko sa kanya.

"Oo hindi ako maarte no" sabi niya sa akin.

Hindi daw maarte.

Ng maayos na ang kanyang higaan ay natulog na ako.

walang good night hindi kami close no!.

--------

Kinabukasan.

Nagising ako sa amoy ng mabangong ulam hmmmmm...... ang bayo.

SAGLIT NGA LANG sino ang nag luluto

si ......

si ......

mama ba?

Agad ako bumaba at pumunta sa kusina ay lintek si Ian lang pala aba aba maalam mag luto ang mokong saglit nga lang saan naman siya nakakuha ng lulutuin.

"Uy ian saan ka kumuha niyang niluluto mo?" tanong ko sa kanya, Na kanyang ikinagulat

"Langya naman oh biglabigla nalang nag sasalita" pag rereklamo niya.

"Sensya. saan ka kumuha niyang niluluto mo?" ulit na tanong ko sa kanya.

"Bumili ako"

ahhhhhh....

"Kumuha ka na nga ng pinggan at kutchara" utos niya sa akin kaya kumuha ako hinugasan ko muna ito at saka inilagay sa lamesa.

"Tabi!" utos ni ian kaya tumabi ako.

hmmmmm......

"Mukhang masarap yang niluto mo ah" sabi ko sa kanya.

"Masarap talaga iyan, ako pa" pag mamayabang niya.

Sana nga masarap.

Kumuha ako at inilagay sa pingan ko.
Tinikman ko na ito at oo ang sarap nga aba aba ang mokong maalam mag luto.

"Bakla ka no" dahil sa sinabi ko ay bigla siya nasamid ng kinakain niya.

"Ha !!!! Ako bakla porket maalam na mag luto bakla agad" galit na sabi niya sa akin.

"Hahhahaha nag loloko lang naman ako ang mukha mo hahahha nakakatawa ka ay" sabi ko sa kanya.

"Kumain kana nga lang pupunta pa tayo sa school mo"

Ah oo nga pala mag tratransfer nga  pala si ian sa school namin.

Mukha makikita niya kung ano ang posisyon ko sa school ko este sa school namin.

Pag katapos namin kumain at konting lokohan habang nakain.

Masaya palang kausap to ah.

Ay pumunta na kami sa school nag lakad nalang kami dahil sayang ang pamasahe kahit gusto sumakay ni ian eh hindi naman niya alam kung saan iyon kaya napilitan siya mag lakad nalang.

"Busog tayo tas mag lalakad ano yon" pag rereklamo niya.

"Pwede ba manahimik kana reklamo ka ng reklamo eh malapit na tayo sa school ko"

Story ni Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon