Ang Sentimento ni Heaven

9 0 0

“Hi Heaven!”

“Good Morning Heaven!”

“Heaven…”

Marami pa silang bumati sa akin pagdating na pagdating ko sa school. Pero di ko sila binigyan ng pansin dahil wala naman akong mapapala sa kanila. Masyado akong busy sa practice ko. Malapit na kase ang tournament na gusto kong salihan sa susunod na buwan. Kailangan ko pang hasain ang mga combinations ko.

At para maisakatuparan ko iyon, kailangan kong humingi ng pabor kay Principal Diaz na i-excuse ako sa last subject para mas mahaba ang practice time ko.Wala naman akong problema sa academics ko. I’m at the top of my class.  

Agad akong dumiretso sa opisina nito. Malapit lang iyon sa regular class kaya inasahan ko nang magsasalubong ang landas namin ng---tsss…speaking of the devil.

“Napadpad ka dito,wonder boy. May kailangan ka sa’kin?” nakangising salubong ni Sir Fajardo.

May ilang estudyanteng nakapansin sa pagsasalubong naming dalawa. Lahat nakatutok ang tingin sa akin.

Gusto kong magtirik ng mata pero hangga’t maaari ayokong may masabing hindi maganda ang kapwa ko estudyante. Kahit gaano pa kahinayupak tong kaharap ko, wala ako sa posisyon para tumbasan ang pang-aasar nito sa akin.

“Pupunta ako sa Principal’s Office”

Nagtaas sa akin ng kilay ang teacher namin sa Geometry and at the same time adviser ng regular class ng Grade 9. Nakakaasar talaga. Kung bakit kase sa araw-araw na ginawa ng diyos kailangan ko pang makita ang pagmumukha ng tao’ng ‘to.

“Mamayang hapon mo na kausapin si ser, kausap niya iyong transferee”

Pinagtakhan ko iyon. May magtatransfer pa gayong nangangalahati na ang class days.

“Sino?”

Napangisi na parang gago ang kaharap ko.

“Si Mavis Trinidad”

Lalong kumunot ang noo ko.

“Hehehe..sounds familiar tama ba?” tuya ni Fajardo.

Ganito na talaga ito simula nung pumasok ito bilang guro sa Voltaire. Mag-dadalawang taong pa lang itong maestro pagkatapos nitong magretiro bilang professional basketball player sae dad na 26. Forced retirement dahil sa matinding injury na natamo nito sa finals match. Minsan gusto kong maawa dito pero natutunaw ang awang iyon ng mga pang-aasar niya sa akin.

Teka.

Mavis Trinidad?

Napatingala ako sa kapreng nasa harap ko. Matangkad na ako sa height na 5’11 pero mas matangkad pa rin sa akin ang damulag na kaharap ko. 6’2 ito.

“You mean…”hindi ko matapos tapos ang sasabihin ko.

Ewan.

Bigla akong kinabahan sa kung anumang maririnig ko.

Tumango-tango ito.

“The undefeated jack-of-all-trades, Mavis Trinidad”

Nagpanting ang tenga ko sa narinig.

Kilala ko ang tao’ng yun base na rin sa mga naririnig ko mula sa kapwa ko athletes. Pagmumura at paninira ang kadalasang naririnig kong karugtong sa pangalang iyon sa tuwing nag-uusap kami ng mga nakakalaban nitong babae.

Hindi ko pa ‘to nakikita sa personal pero sa tingin ko, malaking bulas itong babae.

Mas lalaki pa sigurong tingnan kesa sa akin.

I am Heaven's Rival!Basahin ang storyang ito ng LIBRE!