ALYANNA'S POV:

Habang naka upo ako dito sa may kama biglang may kumatok sa may pinto nitong kwarto ko.

"Ma'am Ysa pinapatawag na po kayo ni sir Kyle. Nasa may sala po sya" sabi nung maid habang nasa labas ng kwarto
"Sige po! Patawag na rin po pala si Yvon" sagot ko nalang
"Opo ma'am" sagot nung maid tsaka na ako tumayo sa may kama ko para ayusin yung gamit ko

Sa totoo lang kanina pa ako naka bihis siguro mga 30 minutes na akong naka upo dito sa kama ko kakaantay sa kanya. Mga 2 days nga lang syang pumunta dito ng maaga at after nun palagi na syang late.

Kung pwede nga lang sana na mag pahatid na ako sa personal driver ko kaso baka mamaya magalit na naman sya. One time kasi sobrang tagal nya dumating dito sa bahay kaya wala na akong choice kundi ang magpahatid nalang sa presonal driver ko baka malate pa ako ng dahil sa kanya.

At pag dating naman nya sa classroom sobrang umuusok yung ilong nya sa sobrang galit. Pagka upo nya sa tabi ko agad agad nya akong kinompronta dahil sa hindi ko daw sya inantay.

Buong araw nya akong inaaway noon dahil lang sa pang iiwan na ginawa ko sa kanya, ako pa talaga mukhang may kasalanan.

Actually its been a week since nung nag simula syang ihatid sundo ako. And I decide na isabay na rin si Yvon sa pag sundo nya para maiwasan na rin mapag usapan ng mga tao. Mas magandang isabay ko na rin yung kapatid ko para maiwasan ng mapag usapan sa school.

Everyone in school are curious about us! They think that I'm Kyle's secret girlfriend. As if naman na girlfriend nya ako, over my dead body!

YVON'S POV:

"I said stop following me!" galit na sigaw ko dito sa lalaking kanina pa naka sunod sakin tsaka na ulit ako nag lakad papunta sa room pero naka sunod pa rin sya sakin
"What the hell is wrong with you?" asar na sabi ko ulit sa kanya tapos ngumiti lang sya
"Why are you always angry at me? Did I do something wrong? I only want to court you but you always push me away" seryosong sabi nya
"I wont be this angry, if you just listening to me from the start! I already told you that I don't want to be in a relationship" asar na sabi ko tapos umiling lang sya
"Kahit na paulit ulit mo akong tanggihan, hinding hindi ako titigil sa panliligaw sayo. Kahit hindi ka pumayag na ligawan kita, I will still continue to court you" seryosong sabi nya ulit sakin
"Tristan!" asar na tawag ko sa kanya pero ngumiti lang sya
"That tone wont work with me darling" sabi nya sabay hawak sa balikat ko kaya inirapan ko nalang sya tsaka ko tinabig yung kamay nya

He's Tristan De Guzman.

Hindi naman sa pag mamayabang pero admirer ko daw sya. Gusto nya daw manligaw sakin, paulit ulit ko na nga syang tinatanggihan pero patuloy pa rin sya sa pangungulit sakin.

He's handsome naman pero ayaw ko lang talaga tumanggap ng manliligaw ngayon. Pero matigas pa rin ulo nya kasing tigas ng ulo ng pinsan nya.

"Hey!" tawag sakin ni Andrey habang busy akong itinataboy itong lalaki na kanina pa naka sunod sakin
"Hi Tristan!" bati ni Andrey dito sa kasama kung lalaki
"Miss, pwede po ba pag sabihan nyo itong lalaking to na tumigil na sa kakasunod sakin" asar na sabi ko kay Andrey tapos tumawa lang sya
"My dear cousin, you shoud stop following her. Dahil pag pinag patuloy mo yung pambwibwisit sa kanya baka hindi mo sya maging girlfriend" natatawang sabi ni Andrey kaya hinampas ko lang sya sa braso nya na syang dahilan kung bakit sya mas lalong natawa
"Bahala na nga kayong mag pinsan. Pareho kayong mukhang tanga" asar na sabi ko tsaka na ako nag lakad paalis sa harapan nila

Sila talaga yung mag pinsan at hindi ko alam kung ano ba talagang nakain ni Tristan at biglang gusto akong ligawan. Sa totoo lang hindi naman kasi kami nagkakausap ni Tristan, baka kasi kung ano ano na naman pinagsasabi ni Andrey tungkol sakin. Sariling bestfriend ko pa talaga yung mambubugaw sakin.

YVAN'S POV:

Pag dating ko dito sa rooftop bumungad sa harapan ko si Ernest na naka upo dun sa may sofa.

"Hey!" bati ko sa kanya pero di sya sumagot kundi naka tunganga lang sya kaya agad akong lumapit sa kanya tsaka ko sya hinampas ng malakas sa balikat nya
"Oh, Yvan!" shock na sabi nya ng makita nya akong naka tayo sa harapan nya
"What brings you here?" curious na tanong nya kaya natawa lang ako
"I should be the one asking you that question" sabi habang tumatawa
"What do you mean?" nag tatakang tanong nya sakin
"Nahalata kasi naming minsan ka nalang pumunta dito sa tambayan" sabi ko kaya di na sya nag salita pa
"Himala nga andito ka ngayon kaso wala kasi yung dalawa" sabi ko ulit sa kanya tapos tumango lang sya

Habang inaantay ko sya mag salita kumuha muna ako ng maiinom dun sa may refrigerator dito sa rooftop.

"Pero bakit ka ba talaga andito? Di mo man lang kami tinawag para may kasama ka dito" sabi ko sa kanya sabay abot sa kanya nung can drinks na kinuha ko
"Well, the truth is I just want to be alone because I need to think about something" seryosong sabi nya sakin
"Do you want me to leave?" tanong ko sa kanya tapos umiling lang sya tsaka sya tumawa
"Why are you laughing?" curious na tanong ko sa kanya
"Halos tatlong oras na akong naka upo dito" natatawang sabi nya
"Ano ba kasi talaga yung iniisip mo? Is there something bothering you? Do you have any problem?" curious na tanong ko sa kanya tapos ngumiti lang sya
"I don't have any problem! But there is one thing that keeps on bothering me" sabi nya sakin tsaka naman ako umupo sa may tabi nya
"Then what is that?" tanong ko tapos seryoso nya lang akong tinitigan

What hell is wrong with this man!!

"It's funny because your the first one who will know about this" natatawang sabi nya kaya binatukan ko lang sya
"Pwede bang tama na yung pa suspense suspense mo? Kung sabihin mo nalang kaya" asar na sabi ko sa kanya kaya tumigil na sya sa kakatawa

To be honest, matagal na talaga naming napapansin na iba ang inaasta ni Ernest and nag simula yun nung nag start itong school year.

Hindi na sya halos sumasama saming tatlo during break time. Ni hindi nga namin alam kung san ba sya tumatambay during our break time dahil sa palagi syang nawawala.

He is hiding something from us. There is something going on about him that we must know.

"Sitting here for three hours makes me realize something" seryosong sabi nya sakin
"What is it?" tanong ko sa kanya
"And its funny because I didn't expect this will actually happen" sabi nya ulit
"Is this about a girl or your grade?" curious na tanong ko sa kanya tapos ngumiti lang sya

I know Ernest. Dalawang bagay lang ang magiging sanhi ng stress nya; girl or his grades.

"I think I like someone" seryosong sabi nya na syang kinagulat ko
"Who? Are you dating someone?" curious na tanong ko sa kanya pero umiling lang sya
"I don't really know at first. But I met her by accident during our first day of class and I didn't expect that she will open up about her past to me" seryosong sabi nya tapos ako ito naka titig lang sa kanya
"After that incident palagi na syang pumupunta sa may tinutulagan ko para makipag usap sakin at ngayon ko lang na realize na nafall na pala ako sa kanya" seryosong sabi nya at di ko namalayang naka ngiti na pala ako dun sa sinabi nya

Actually bibihira lang magka gusto sa babae si Ernest dahil sa mataas ang standard nya sa babae. Masyado syang strict pag usapang girlfriend na. Hindi nga tumatalab sa kanya yung mga effort ng mga linta girls. Siguro simula pagkabata nakaka dalawang girlfriend palang sya in total.

"Can I ask who is this lucky girl?" curious na tanong ko sa kanya tapos ngumiti lang sya
"You know her very well because she's your sister" sagot nya sakin
"Sister? Don't tell me its Yvon!" natatawang tanong ko tapos seryoso lang syang umiling
"No, its not Yvon but its your ate Ysa" seryosong sabi nya na syang kinagulat ko

OH MY GOD!!!

THIS IS NOT GOOD!!

May gusto si Ernest kay ate!!

Pano nalang pag nalaman nya yung about sa kasal na magaganap sa pagitan ni Kyle at ate Ysa?

OH MY GOD!!

THIS IS UNEXPECTED!!

Si Ernest nalang ang hindi nakaka alam tungkol sa kasal na magaganap. Ayaw ipaalam sa kanya ni Kyle dahil sa nahihiya si Kyle.

Ernest knows all of our secret except this one because Kyle doesn't want him to know about that thing.

Secretly Married To The Campus Prince (ON GOING)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!