Prologue

4.5K 65 23
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.





"Goodmorning po sainyong lahat! Ako po si Jinni Kim! Payb yers old napo ako! Hihihihi!" Tumawa si jennie kaya naman natawa din ang kanyang mga kaklase.

"Hellow jinni!" Sabay sabay na tawag sakanya ng kanyang mga kaklase.

"Hellow! Kakaibiganin ko kayong lahat!" Ngumiti siya sakanilang lahat.

Hindi niya alam sa pag ngiti niyang iyon ay may isang bata nabighani sakanya.

"Okay jennie. You're so cute!" Natutuwang sabi sakanya ng kanyang teacher.

"Tenkyu po teacher!" Lalong natuwa sakanya ang kanyang guro kaya naman kinurot niya ang pisngi nito.

"Saan mo gustong umupo?" Tanong sakanya ng kanyang guro.

Inilibot naman ni jennie ang kanyang paningin sa buong kwarto.

"Dito ka nalang jennie!" Tawag sakanya ng isang batang babae na chubby.

Nacutetan siya dito kaya itinuro niya ang batang babae.

"Doon po teacher!" Tinuro niya ang bakanteng upuan sa tabi nung batang babae na chubby.

"Sige." Tapos inalalayan siya ng kanyang guro papunta dun sa kanyang upuan.

Pagkaupo niya nakita niya ang isa pang katabi nung batang babae na chubby.

"Hellow! Anong name mo?" Tanong ni jennie dun sa isang batang lalake.

"Jinni! Wag mong bati yan hindi nga din ako pinapansin niyan eh! Hmp!" Sabi sakanya nung batang babae.

"Baka kasi nahihiya lang siya satin! Wag mo siya awayin!" Tapos bigla namang niyakap ni jennie ang batang lalake na para bang prinoprotektahan niya ito.

"Ganun ba? Sori." Sabi naman nung batang babae.

"Okay na ah! Prinotektahan na kita sakanya so friends na tayo hah!" Masiglang sabi sakanya ni jennie kaya lang umiwas agad siya ng tingin kay jennie kaya nalungkot ito.

"Tignan mo jinni! Bad siya!" Naaasar na sabi nung batang babae.

Umiling naman si jennie sakanya.

"Wag tayong susuko na kaibiganin siya okey? Ano nga pala pangalan mo chingching?" nagtaka naman ang batang babae kung sino ang tawag ni jennie na chingching.

"Sino si chingching?" tanong niya.

"Ikaw! Hihihihi! Chubby ka kaya chingching tawag ko sayo! Hihihihi ang cute mo chingching!" Niyakap naman ni jennie si chingching at pinisil ang pisngi nito.

"Ayaw mo na din ba sakin kasi mataba ako?" Malungkot na tanong ni chingching sakanya.

"Hala! Hindi ah!" Umiling iling si jennie.

• HOLD ME TIGHT (Jnk × Kth × Jjk) [ ON - GOING ] •Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon