Chapter 14

3.8K 239 37

Nagising ako sa lakas ng alarm at nakita ko'ng 6AM na ng umaga kaya agad akong napabangon.

Nakarinig ako ng ungol mula sa katabi ko kaya agad ako'ng napabaling sa gilid kung saan siya mahimbing na natutulog. Linagay ko muna sakanyang ulo ang kamay ko at pinaglalaruan ang itim niyang buhok pababa sa labi niya. Napansin ko na parang unti-unting tumatagal 'ay nawawala na ang mga tigyawat niya sa muka, kulang nalang din ang pag-aayos niya sakanyang sarili. Naalala ko noon, nung nakita ko siya sa library kasama niya si Felly halos busangot lagi ang muka niya at seryosong nakabaling sa libro habang yung katabi niya 'ay daldal ng daldal.

Hindi ko din talaga malaman sa sarili ko kung bakit ngayon ko lang siya napansin sa ilang taon ko nag-aaral sa Geinford valley school. Hindi mapagkailang na siya nga talaga yung lalaking mahal na mahal ko.

Mahal niya din kaya ako?

Kung sakaling iba ang nag t-tutor saakin ganun din ba ang mararamdaman ko katulad ng nararamdaman ko sakanya?

Umiling ako. Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga kami para sa isa't isa. No commitment. especially, not in a relationship. Sana matapos nalang to, ayoko ng mas lumala pa lalo itong nararamdaman ko para sakanya dahil sa huli, baka ako lang ang masaktan.

I brought my knees closer to my chest and head down on them. Damn, I felt stupid for allowing him to touch me, to.. have sex with me. He took my virginity so bluntly, pero bakit hindi man lang ako nakaramdaman ng pag-sisise?

Hibang na ako dahil sa dami ng tanong sa utak ko. Mahina akong natawa kahit pa puno ng pait ang nararamdaman ko.. Katulad lang ng dati.

Alam ko una palang hindi na kami pwede.. Kahit ayaw ko, kailangan ko na talagang makalayo. Nandidiri ako sa sarili ko hindi dahil sakanya, kundi sa ginawa ko noon. Siguro.. kapag nalaman niya 'ay lalayuan niya na ako. Hindi ko man siya kayang abutin pero masaya akong nakilala siya kahit papaano at kung lalayo man ako sakanya, gusto ko ng aminin sakanya ang nararamdaman ko dahil ayoko ng itago 'ito.

"Hey..." Napaangat ako ng tingin sa katabi ko. Nakangiti siya saakin habang kinukusot ang mata at nakita ko kung paano bumaba ang kumot sa hubad niyang katawan samantalang naka white long-sleeve lang ako at panty.

Fuck! Abs!

Bumaling nalang ako sa taas at nagkasalubong ang mga mata namin na kanina pa pala nakatitig saakin.

Hindi ako makaimik. Parang hindi siya yung nerd at kengkong na nakilala ko noon. Parang wala lang sakanya na parang bold star na siya sa harapan ko. God!

"Ok ka lang?" Nag-aalala ang boses niya bago lumapit sakin at sinalubong ako ng yakap.

Nalanghap ko ang sariwang pabango niya kahit pa naiilang ako sa hubad niyang katawan. Goodness!

Tumingin ako sakanya at pilit na ngumiti. "Tara, kain na tayo."

Hihilahin ko na sana siya patayo ng marahas niya akong hiniga at pumaibabaw sakanya.

"A-anong—"

"Stop lying, damn it! wag mo akong gawing tanga dahil hindi mo man sinasabi alam ko kung ano ang kakaibang kislap dyan sa mata mo." Aniya habang matamaan akong tinitignan.

Umiwas ako ng tingin. I almost blushed when my fucking boobs are showing!

Aayusin ko na sana ng pinigilan niya ako at marahas na hinawakan ang kabilang pulsuhan ko at linagay sa taas ng aking ulohan.

"S-seid malalate na tayo-"

"Tell me then," Nahihirapan na sabi niya habang nakaigting ang panga.

Hindi ako nakaimik at nakaiwas lang ang tingin ko pero ramdam ko ang mainit niyang titig sa dibdib ko.

"Lalayuan mo ba ako?" Malamig at wala sa sariling aniya kaya agad akong napabaling sakanya. Mahina nguni't bakas doon ang sakit sakanyang mata.

"Hindi." Liar.

Hindi siya umimik at walang sabi sabi na umalis na sa pang-ibabaw ko habang tinitignan lang ang bawat kilos niya na nagsisimula ng magbihis.

"Seid-"

"Uuwe na ako. Salamat nalang pero dun na ako kakain sa condo." Walang buhay na pagkasabi niya at padabog na lumabas sa kwarto ko.

Tulala lang akong nakatingin sa pinto na linabasan niya habang nakahawak sa aking dibdib.

..

"My gosh! malapit na exam, nganga nanaman dahil hindi alam ang isasagot." Aniya ni Fate halatang iritang irita na. Nandito kami sa dating pinagtatambayan namin sa canteen malapit sa wall glass kung saan tanaw ko ang field.

"Malapit na din ang graduation natin. College na tayo-"

"Duh, publema mo lagi ang graduation hindi mo pa nga alam kung pasado ka o hindi e,"

"Excuse me? Wag mo akong itulad sayo dahil mas matalino ako!?" Mataray na pagkasabi ni Xyren.

Wala akong imik at tahimik lang na nakatanaw sa field kung saan nag p-practice ang mga varsity basketball player at mga grade 8. Mukang mag-aaway nanaman yung dalawa kaya mariin akong napapikit at naisip ang nangyare kanina.

Nag walkout lang siya kaagad na nakaramdam ako ng kirot. Paano pa kaya kapag tuluyan ko na siyang iwasan kapag natapos na ang araw ng tutor namin?

"HOY!"

Muntik na ako'ng mapabalikwas ng sumigaw si Fate malapit sa tenga ko kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Bitch, mukang matamlay ka ata ngayon ah?"

Hindi ako umimik at pinagpatuloy ang pagkain ko kahit pa hindi tinatanggap ng sikmura ko. Akala ko 'ay titigilan ako ng dalawa nguni't ako na ata ang magiging topic nila ngayon.

"What happened?"

"Ok ka lang?" Sunod-sunod nilang tanong. Umirap ako sa hangin at sarkastiko silang binalingan habang nakangising aso.

"Wala-" Natigilan ako at linagpasan ng tingin ang dalawa sa unahan at bigla nalang kumalabog ang puso ko.. Sa sakit ng makita siya.

Si Seid may kasamang babae?

I wanted to ask him, pero alam ko'ng lumagpas na ako kapag ginawa ko pa yon. I don't have the rights to be jealous. To ask him. kung sino man yon alam kong sakanya na yon at hindi na dapat ako nakekeelam.

"Mmm?" Sabi ni Fate at hinihintay ang sasabihin ko.

Nasa kanila pa din ang tingin ko habang nakatalikod pa din yung babae at masayang kausap si Seid na nakapamulsa at sobrang lamig ng awra.

Mapait akong napangiti.

Paulit-ulit akong umiling. Baliktarin ko man ang mundo, para sakin mukang hindi ko na talaga siya maaabot. Baliktarin na lahat pero hindi ko na mababawi ang kabalastugan na ginawan ko noon.

It's me and him between the line. I want to reach him. I want to feel him. But I know it's too much. He's too much for me.

Tumayo na ako at walang buhay na tinignan ang dalawa. ganun nalang ang gulat ko ng bumaling sakin ang seryosong muka ni Seid.

Umiwas na ako ng tingin.

"Tara na." Sabi ko sa dalawa habang nakakunot ang noo at tuluyan ng umalis sa canteen.

The Nerd's Obsession Basahin ang storyang ito ng LIBRE!