Chapter 45: Traitors

821 20 0
                                    

[ KEN's P.O.V. ]

Nandito parin kami sa jungle. Malapit ng maggabi at hindi namin alam ang daan. Or more like takot kaming maglakad-lakad sa gubat tapos makasalubong namin bigla yung limang impostor. Naku!

Oo nga nama't mga gangsters kami. Pero even though we are, especially that we are the top gangs ay takot din kami sa ganito.
Orrr...kami lang talaga. Hehehe...

Ghad! This is Mafia territory. And we are given a mission to do this Mafia job! Mas mabuti pa sigurong ang mga Mafia assassins at reapers ang makakagawa ng ganitong trabaho. Dahil ang mga gangsters ay rambol at basagan lang ang alam at ginagawa.

Mafia does underground businesses and gangsters does fights para lang makuha ang mga ipinusta. In Mafia is very dangerous, dahil wala pa lang sampung segundo eh langit o impyerno ka na. Sa gangsters ay may tsansa ka pang mabuhay kahit bugbog sarado ka na.

Pero heck! Again this is Mafia territory. Eh malamang sa malamang baka wala pa ngang ilang segundong nagkakamali ka patay ka na! And this is much worst than being a gangster. I'd rather fight than kill.

kru...kru...kru...kru....

I already hear crickets. Pagabi na at naisipan nalang naming magstay dito just for this day at bukas na bukas ay aalis na kami.

Blrrughgjsgsajahsjakk!!!

⊙﹏⊙ Juice kong malagket!

Kakahiya! Tumunog pa yung tiyan ko. Eh kasi gutom na gutom na ako eh!

Nabigla nalang ako nang may naglagay ng Fudgee Bar sa lap ko. Napatingin agad ako kay Arjohn na may halong pagtataka. Saan nanaman kaya niya ito napulot?!!!

"Oh? Anong tinitingin-tingin mo diyan? Kain na!"

"At saan mo naman ito nakuhang lalaki ka?!"

"Baon ko yan, binigay ko lang sayo dahil kumulo na yang tiyan mo. Pero huwag kang mag-alala. May baon pa ako." sabi niya at pinakita pa sakin ang Cream O biscuit.

Soshal tung tukmol nato ah? May Cream O pang dala. Samantalang sakin eh fudgee bar lang plus, flat na! Baka naman inipit niya ito sa kili-kili niya?!

Kinain ko nalang ito. Well, at least may laman ang tiyan ko. Ngayon ko lang rin nalaman na binigyan ni Arjohn yung iba ng tig-iisang Sky Flakes. Grabeh..masasabe ko na talagang isang refrigerator tung si Arjohn eh sa puro pagkain lang ang dala-dala niya.

"Waaaah! Salamat Arjohn! May silbi ka rin naman pala." wika ni Junhoe.

"Aba-aba. May silbi kaya ako!" sabi naman nito.

Well...knowing these iKON members ay masaya naman. After all ay mag-batch kami. Nakasanayan narin namin ang magkasama at hindi na kami na-aawkwardan sa kanila...and I think sila din.

I Fell In Love To A Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon