Second Option

146 5 1
                                        

Ang sabi nila kapag nagmahal ka masarap sa pakiramdam kahit na minsan nasasaktan ka, pero para sakin kapag nagmahal ka puro pasakit lang ang dala bakit? Kasi yun ang nangyayari sakin, ang nararamdaman ko.

"Baby." Tawag sa akin ni daryl.

Hindi baby ang pangalan ko kundi Frances Monasque ayun lang talaga ang tawag niya sakin.

Hindi ko ito pinansin kaya naman kinuha niya ang notebook kong sinusulatan.

"Baby naman bakit hindi mo ako pinapansin?hindi mo na ako mahal.?"tanong niya.

At kung iniisip nyong boyfriend ko sya, well. Hindi. Magkaklase lang kami pero tama sya, mahal ko sya At sya? Option niya Lang ako kapag magkaAway sila ng gf niya nalapit sya sakin.

"Akin na ang notebook ko may sinusulat ako."walang emosyon kong sabi sakanya.

"Iloveyou baby." Sabi niya ng may malapad na ngiti.

Nagiwas ako ng tingin sakanya para hindi niya mapansin ang pamumula ng mukha ko. Nakakainis.

"Nagbablush ang baby ko.! Nagbablush."sigaw nito kaya nakaAgaw kami ng atensyon sa mga kaklase ko.

Tumayo ako at tinulak sya ng mahina para makadaAn ako at bago pa ako makalabas ng room nakita ko ang masamang tingin sakin ng gf niya.

Masama ba ako? Dahil nagmamahal akong may gf na? Siguro nga. Oo pero ito na eh, nafall na ako.

Kinabukasan hindi ako pinapansin o kinukulit ni daryl, syempre ayos na sila ng gf niya eh. Hays. Bakit nga ba hindi pa ako nasanay?.

Values time namin ng magtawag ang teacher at tinatanong kung sino ang mahalaga sakanyang tao.

"Maliban sa pamilya ko, panginoon at kaibigan ko mahalaga din sakin ang nagpapatibok ng puso ko." Sagot ni daryl ng matawag siya.

Oo assuming na ako, dahil nararamdaman ko ito na pakiramdam ko ako ang tinutukoy niya na kahit naman gf niya iyon.

Bago sumapit ang hapon pumunta muna ako sa bahay ni jenny na isa sa kaklase ko dahil gagawa kami ng group project na hindi ko alam kung malas ba ako o hindi dahil kagroup ko si daryl kaya kasama ko sya ngayon.

Si daryl lang ang nagawa ng project habang kami ay pinapanood lamang sya. Siya lamang kasi ang nakakaAlam ng gagawin kapag kelangan niya ng tulong ako na ang tumutulong.

"Baby. Namimiss agad kita." Biglang sabi nito at naghiyawan naman ang mga kagroup namin.

"Daryl. Isusumbong ka namin kay audrey." Biro ng isa sa kagroup namin.

"Madali lang naman suyuin yon. Haha. Pero mahal ko yon." Sabi ni daryl habang nakatingin sakin.

Ang sakit. Gusto kong itanong sakanya na kung mahal niya din ba ako? Pero ano ba ang karapatan ko? Option niya lang ako na dapat tanggapin ko.

Tahimik lang ako habang sila ay nag iingay na napansin naman ni daryl.

"Si baby nagseselos sa gf ko?" Pang aasar nito.

"Manahimik ka nga. Hindi ako nagseselos." Inis na tanggi ko sakanya.

Pilit naman niya akong niyayakap hanggang sa masiksik na ang mukha ko sa dibdib niya.

"Iloveyou baby." Bulong nito.

Gusto kong tanungin ang sarili ko? Bakit nga ba minahal ko sya? Alam kong gwapo at matalino sya pero sa ugali? Sya yung lalaking deretsahan. Kapag ayaw niya sayo sasabihin niya yun, bossy sya At palamura. Pero aa ganyang ugali talaga ako nafall hindi sa gwapo at matalino sya.

Second Option Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin