S2.4 come and go

___________________________

msp.S2.4a Rose

Sa buhay di maiiwasan ang "aging", pero sa pagkakaibigan "time" makes the bond tighter. Minsan pagtumatanda na, nagkakahiwahiwalay ang magkakaibigan dahil sa mga napipiling career nito, separate ways kung baga. Nagbabago ang hilig pati pananaw sa buhay. Ang dating laro laro lang ay career na, ang bahay bahayhan at kotse-kotshehan ay bahay at kotse na talaga.

Totoo na maaring magkahiwahiwalay nag magkakibigan, akala ko nga noon, na hindi ko na sila makakasama sa landas kong tinahak pero ngayon masaya akong kapiling sila. Kahit iba-iba pa yung napili naming landas, nagtatagpo-tagpo pa rin kami sa intersection, sa aming tambayan.

At ngayon, ang dating tinda-tindahan lang ay negosyong totoo na talaga, syempre kasa-kasama pa rin namin ang isat-isa.

Opening na ng Cafe de Chruischel kasabay na rin nito ang blessing ng shop. Ang saya-saya dahil maraming nagpunta, mga friends and family namin.

This is it!

nag-HUg kaming apat bago lumabas sa may feast area.

thank you po sa pagdalo

thank you po sa support

thanks

Salamat Po.

Thank you at pasasalamat lang ang masasabi namin sa lahat dahil na-overwhelm kami sa mga taong dumating. Isa-isa kaming nakipagsalamuha sa kanila.

Palingon lingon ako habang binabati ang lahat ng panauhin, alam nyo na kung sino hinahanap ko. wait... balik balik balik sa tingin sa bandang pintuan...

kinalabit ko si ian...

"nu ba." [ian]

"si Lightto o, may kausap na chick."

"oo, parang pamilyar sya." [missy]

O_O "nandyan karin sa likuran namin missy?"

"para naman tayong tuod sa position natin dito." [ian]

"Kailan pa naging chick boy si Lightto? ayan o. may pahalik-halik pa sa kamay"

"tumahimik ka nga." binatukan ako ni ian.

"sadist!"

"ian, Isaw, chel! rose here!"

O_O "ROSE!"

Nagulat kami, at nagsi-ayos sa pagkakatayo. Tapos lumapit na rin kami sa kanila.

Ang ganda-ganda parin ni Rose, at mas lalo pa syang gumanda. Maganda, makinis, matangkad. Nakakahiya mang sabihin, ako pinakamaliit sa grupo. Akala ko noon, maliit lang ako kasi mas matanda sila sa akin ng isang taon, pero di na ako tumangkad e, kaya ayun.

"hi guys!" hug kami lahat ni rose.

"Pasensya na kayo ha, ngayon lang nagpakita, busy kasi sa business ni dad." [rose]
"okay lang yun!andito ka na naman e."[ako]

Tapos umupo kami sa may balcony.

"so kumusta na." [ian]
"di ka parin nagbabago ian." [rose]
"haha. may tampo yan sayo" [jrew]
"oo nga. Ahhaha" [me]

S.2 My Moviestar Prince [for revision]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!