Untitled Song

141 45 0
                                    

"Behind every favorite song, there is an untold story." – KUSHANDWIZDOM

Bawat buhay ng tao, may theme song. Bawat paglalakad, may patutunguhan. Bawat pagtakbo, may finish line na aabutin. At bawat sakit, bawat heartbreak, may katumbas na kasiyahan sa huli. Kung nasasaktan ka man ngayon, siguradong darating ang oras na magiging masaya ka rin. Sabi nga, "there's a rainbow after the rain."

Ilang beses ka mang masaktan ng taong mamahalin mo, 'wag ka sanang susuko sa pagmamahal. 'Wag kang bibitaw. Patuloy ka lang sanang kumapit at magtiwala sa Diyos. I assure you, may nakalaan para sa 'yo. Hindi pa lang ito ang tamang oras para magkakilala kayo. Maaaring nakilala mo na siya pero hindi pa ito ang tamang panahon para malaman n'yo na kayo ang para sa isa't isa.



"Where words fail, music speaks." – Hans Christian Andersen

Bawat kanta, may mensaheng ipinararating. May mga tao, mostly mga singer at composer, idinadaan nila sa pagkanta ang mensaheng gusto nilang iparating sa mga tao. Maaaring sa taong mahal nila o 'di kaya'y parasa mga tao sa buong mundo. Minsan kasi, may mga bagay na hindi nila masabi nang diretso. Parang pagmamahal mo minsan sa isang tao, idinadaan mo sa biro dahil hindi mo masabi nang diretso.

The Broken PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon