18th Plan

45.1K 719 33
                                    

Napabitiw ako sa pagkakahawak niya sakin dahil sa sinabi niya. 

Tinulak ko siya ng marahan. "Anung kada lagi akong nahuhulog sa'yo? Asa ka no! Ang malas ko lang pag kasama kita."

Nagkibit balikat lang siya sa sinabi ko sa kanya at pinagpatuloy ang paglilinis ng tae ng mga piglets. Ang sunod naman naming nilinis ay yung mag isang baboy sa may gilid. Buntis pala yung baboy. Yung nanay naman nitong piglet sa kabila eh nabenta na. 

"Pahinga muna tayo ng konti. Mamaya mangunguha tayo ng mga prutas." Sabi ni Bryle.

Nagpunta kami dun sa may duyan at naupo ako dun, siya naman nakaupos sa putol na puno sa gilid ko.

"Sa inyo batong lupa?"

"Hindi... kaibigan ni Mama yung may ari ng lupa na to pati bahay, pinamahala lang samin dahil nagpunta ng Italy." 

"Ang swerte niyo pala. Eh saan kayo nakatira dati? Dito din ba?"

"Sa pagkakaalam ko... hindi. Hindi talaga kami dito nakatira. Sa Maynila talaga."

"Eh bakit kayo lumipat dito? Saan sa Manila?"

"Nakalimutan ko na kung saan eh. Ewan ko kay Mama kung anu ang dahilan niya kung bakit kami lumipat."

"Ganon ba? Nasan nga pala ang papa mo?" Malungkot akong tinignan ni Bryle pero hindi siya nagsalita. Hindi ko alam kung anu ang ibig sabihin ng pananahimik niya. Pero ang alam ko, hindi ko na dapat itanong yung tungkol sa papa niya. 

Nagduyan duyan na lang ako para medyo maalis yung awkward moment. "Ang hangin dito. Ang sarap!" 

Tinignan ko si Bryle pero sa malayo siya nakatingin. Ewan ko kung anung iniisip niya. Sana pala di ko na tinanong yung tungkol sa papa niya.

"Hindi ko naman nakilala ang ama ko eh. Pero dumating yung point na umuwi si Mama noon na umiiyak. Tapus isang araw may nagpunta dung isang mayamang babae. Kapatid daw siya ni Papa at pilit niya kong kinukuha sa Mama ko. Kaya din siguro kami lumipat dito."

"Wala bang kinukwento ang Mama mo sa'yo?"

"Wala... pagdating kay Papa hindi siya nagsasalita. Buti nga nakakabawi na kami. Buti may kaibigan si Mama na nagpatuloy samin dito. Noong nasa Maynila kami, napakahirap ng buhay namin. Naaalala ko si Mama dalawa ang trabaho niya. Sa umaga nangangatulong siya. Sa gabi naman mananahi. Nung bago pa lang kami dito, hindi rin naman agad naging magaan ang buhay namin. Kaya ipinangako ko sa sarili ko na iaahon ko sa ganitong buhay si Mama."

Nung mga oras na yun parang ibang Bryle ang kaharap ko. Hindi siya yung Bryle na suplado at masungit. Napahanga niya ko. Kasi kahit mahirap ang buhay nila nagsisipag siyang mag aral.

"Nagsubok ng kung anu anong business si Mama dito, at marami din siyang nautangan. At hanggang ngayon hindi pa niya tapus bayaran yung mga utang niya."

"Paano nababayaran ng Mama mo yung utang niya?"

"Sa pagbebenta ng gulay sa palengke. Pagbebenta ng mga prutas, manok, at baboy. Pero parang hindi pa sapat yun, eh dalawa lang kami." 

"Mukha namang malaki ang kinikita ng Mama mo ah!"

"Bukod sa pagbabayad ng utang niya, binabayaran niya din tong bahay pati lupa. Nung una kasi libre pa to. Kaso nahiya na si Mama, kaya nirerentaha na namin tong bahay at lupa."

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon