Chapter Fourteen

38 2 2
                                                  

Kasalanan ko ba? Kasalanan ko ba ang lahat? Ako ba? Ako..

Kung hindi ko lang sana siya dinala dun sa corner na yon, hindi sana siya magkakaroon ng crucial time sa pag-shoot nung bola..

'Kada shoot ko, isang kiss.'

Para lang mahalikan ako? He went that far just to kiss me? Migs, wag ka ngang imposible! Kapag talaga may nangyaring masama sayo, ako na talaga ang papatay sayo!

Migs.. Natatakot ako eh..

Napahawak ako sa noo ko. Nakakaramdam na ako ng hilo. Gusto ko tuloy masuka. Hindi na lang din ako nahihilo. Sumasakit na din kasi ang ulo ko. Para nang binibiyak.

Halos tatlong oras na din akong naghihintay dito. Ewan, estimation ko lang yon. Basta matagal na eh. At pakiramdam ko, parang habang buhay na akong naghihintay.

Sumandal ako at tumitig sa kisame.

'EL.. EL.. EL..'

Paulit ulit na nagfa-flashback sa isip ko ang mukha ni Migs kanina habang tinatawag ang pangalan ko bago siya nawalan ng malay.

'EL.. EL..'

Napa-straight ako bigla ng upo. Yung parang narinig ko kasing boses... boses naman ni EN nung huli ko siyang nakausap sa cellphone habang umiiyak. Biglang nag-echo sa ulo ko ang boses ni EN.

Napayuko ako. Bakit ba naaalala ko ngayon si EN at ang trahedyang nangyari sa kanya? Bakit? Anong koneksyon ng NOON sa NGAYON?

Bakit lagi kitang naaalala kay Migs, EN? At bakit lagi din kitang naaalala kay EN, Migs? Bakit?

Napahawak ulit ako sa noo ko.

Sila EN at Migs.. Lagi silang parang konektado sakin.

Hindi ko mapapatawad ang may kasalanan sa pagkawala ni EN.. At kung AKO ang may kasalanan sa nangyari kay Migs ngayon, hindi ko din ba mapapatawad ang sarili ko?

Ayoko nang mag-isip.. Parang sasabog na ang ulo ko..

Sumandal ulit ako at pumikit.

*RING. RING*

Napadilat ako dahil dun. Nanginginig ang mga kamay ko habang kinukuha sa bulsa ko ang cellphone ko. Si Blaire pala ang tumatawag.

Sinagot ko. "H-Hello..?" buti at may lumabas nang boses sa lalamunan ko.

"EL!" bulalas niya. "Asan ka? Hinahanap ka sakin ng mama mo. Hindi ka daw nagre-reply sa mga texts niya sayo."

Gusto kong magsalita dahil madami din akong sasabihin sa kanya. Kaso parang naumid bigla ang dila ko. Wala na namang boses ang lumalabas sakin.

"Hello? EL? Nandyan ka pa ba? EL?!" parang nagwawala na si Blaire sa kabilang linya. "EL!"

"B-Blaire.." parang bumulong na lang ako. "Blaire.." at nagsisimula na akong umiyak. Bakit ganon, umiiyak ako ngayon samantalang dati hindi?

"Hala, bakit ka umiiyak? Huy EL, bakit nga? Ano bang problema? UY! Sabihin mo! Nag-aalala na ko!"

"S-Si Migs.. Si Migs, Blaire.."

"Si sir? Oh, anong nangyari?"

"N-Naaksidente siya.. Natatakot ako.. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.. Hindi---"

"Nasaan kayo ngayon?"

Nanginginig pa yung boses ko nung sinabi ko kung saang hospital ba kami nandito ngayon.

"Okay," halata ko sa boses ni Blaire na nagpa-panic na din siya pero pinipilit lang kumalma. "Ako na ang magsasabi sa mama mo kung nasaan ka. Then pupunta ako sa KAISTAL. Baka nandun pa si sir Sanchez. Dapat malaman niya agad tong nangyari. Tapos pupuntahan na kita dyan, hintayin mo ko! Wag kang aalis! Okay?"

The Past, The Love, The MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon