Chapter Thirteen

25 1 0
                                                  

Time check: 4 o'clock in the afternoon.

Naglalakad kami ngayon ni MIGS THE GREAT DAW sa ewan-kung-saang-lugar-to. Basta napadpad na lang kami dito. Kakagaling lang kasi namin sa university. Sinamahan niya akong magpasa ng ibang requirements na kulang ko. Simula pala first year college ni Migs eh dun na siya nag-aaral.

Buti na lang pala dun ako nag-aral. Dun kasi gusto mag-aral ni EN noon, pinipilit niya talaga. Eh gusto kong tuparin ang gusto niya kaya dun na ako nag-take ng entrance exam. Saka may instinct na din ako noon na mag-aral nga dun. Makakasama ko pala kasi si Migs kaya ganun. Tadhana pala. Cheesy!

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Ikaw bahala.. Kung saan mo gusto," tapos inakbayan niya ko.

Napadaan kami sa isang half court. Alam niyo yun? Yung isa lang ang ring tapos sa kalsada lang. Tapos sa di kalayuan, may nagtitinda ng buko juice.

"Nauuhaw ka na ba?" tanong niya.

"Hm.. Medyo."

"Wait lang. Bibili ako ng maiinom mo," paalam niya at lumakad na papunta sa nagtitinda.

Nagpalinga linga ako sa paligid. Walang masyadong tao at may nakita pa akong bola ng basketball. Pwede kaya makigamit nito at ng court? Sana.

Lumapit ako sa bola at dinampot yon. Pinaikot ko ang bola sa daliri ko. Ang boyish ba? Hehe. Sorry na. :D

Napangiti ako. Naalala ko kasi si EN. Madalas kaming maglaro noon ng basketball kaso lagi naman siyang talo sakin. Mas mahinhin at mas feminine kasi siya kesa sakin. Ako naman, eto nga, may pagka-boyish. Kahit kailan, hindi siya nanalo sakin sa basketball..

Hays. Nami-miss ko na si Ate.. ;(

Tumingala ako sa net. Inasinta ko ang basket gamit ang mga mata ko. Nung masiguro ko na, itinira ko na ang bola. Shoot. Oh yeah!

"Yes!" tuwang tuwang sambit ko. Napalingon agad ako sa likod ko kasi nakarinig ako ng pumapalakpak. Si Migs pala, dala na yung buko juice namin.

Nakangiti niyang inabot sakin ang isa. "Galing ha."

Ngumiti din ako at kinuha yun. "Sakto lang."

Naubos na niya ang iniinom niya at itinapon ang plastic dun sa malapit na basurahan. Tapos lumapit siya sakin at kinuha ang bola sa kamay ko. "Laro tayo?"

Nakatingin lang ako sa kanya habang humihigop ng buko juice. Nag-iisip ako. "Magaling ka yata eh."

Nagkibit balikat siya. "Sakto lang din."

Inubos ko na ang iniinom ko at itinapon din yon. Kinuha ko ulit ang bola sa kanya saka ishinoot yun. Pasok! Ako pa. "Di ako matatalo sayo."

Tumawa siya at ni-rebound ang bola. "We'll see about that, honey," ishinoot niya na din ang bola at shoot naman. Wow, kumbaga three points yun.

Nagsimula na kaming maglaro.

Na-managed ko namang maagaw ang bola sa kanya. Ishu-shoot ko na sana yon kaso binlock niya ako. Gulay, magaling siya. Takas, EL!

Idinribble ko palayo ang bola, papunta sa likod niya. Tumakbo ako, sinalo ang bola at shinoot. Pasok. Hohoho~

Ni-rebound niya ulit ang bola. "Aba.. Magaling ka. Sa liit at payat mong yan," sabi niya habang dini-dribble yun.

"Sinong maliit at payat?! Hoy, daig pa kita, may abs ako!" totoo naman. Feminine abs. :P

Bigla niyang tinaas ang T-shirt niya kaya namula yata ako. Tapos nagkibit balikat siya. "Sorry, meron din ako nun eh."

The Past, The Love, The MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon