Chapter Twelve

26 1 0
                                                  

"I've heard about it."

Napatigil ako sa ginagawa kong pagpunas sa isang table. Nandito kasi ako ngayon sa KAISTAL. Paglingon ko sa likod ko, si Phoenix pala ang nandito.

"Phoenix."

Umupo siya sa upuan dito sa table na pinupunasan ko. "A-About you and Miggy."

"S-Sabi nga niya... sinabi niya na sayo," medyo naiilang pa na sabi ko. Ewan ko kung bakit ako naiilang. Siguro kasi parang nung isang linggo lang eh nag-date kami dahil brokenhearted ako tapos ngayon eto na, may boyfriend na ko at pinsan pa niya.

"Yeah. Last Friday. He was very happy," sabi niya habang nakapangalumbaba pa.

"T-Talaga?"

Tumango siya, expressionless lang siya. More like poker faced. "Yup."

Hindi ko tuloy alam kung anong mararamdaman ko ngayon? Para kasing may iba sa kanya eh. Hindi yung usual na cheerful na sarili niya.

"I just wanna congratulate you," sabi niya na parang biglang nag-mood swing kasi nakangiti na siya.

"Salamat.."

"I wanna ask you, EL," sabi niya na diretsang nakatingin sa mga mata ko. Gulp. Tagusan! O_O

"Ano yun?" napalunok ulit ako.

"Was it Miggy, the guy you like, who dumped you?"

Yumuko ako, tumingin sa baba. "Oo eh."

"I should have known!" biglang bulalas niya na nahampas pa ng mahina yung table na parang sinasabing 'Sabi na nga ba eh!'

Tapos sumandal siya sa upuan. "And I should have told you his secret if you had just told me. You said I don't know the guy. But hell, I have bloody known him better than you do!"

Napasimangot ako dahil sa sinabi niya. Nanisi pa kase? "Pag kasi sinabi ko sayo noon na siya nga yon, lalaki lang ang issue. Nakakapagod yon."

"Ah whatever. What's done is done. Shit."

"Anong sikreto ni Migs ang sinasabi mo?" curioused na tanong ko. Aba, may sinisikreto sakin si Migs?

Ngumisi siya, ang pilyo nga ng dating eh. "Realize it for yourself."

"Huh?" =_=

"HAHAHA. Come on, EL! Read between the lines, babe!"

"Ano ba kasi yon, Phoenix?" medyo napipikon na ko eh. "Nambibitin ka naman eh. Eto talaga.."

"Silly."

"Oo na, silly na ako kung silly. At least hot." :D

"Huh?"

"HAHAHAHA. NEVER MIND," sabi ko na lang. Di niya na-gets eh. Kayo ba na-gets niyo? Kung hindi, bugbugin niyo yung author. Siya ang nagsabi na magbato ako ng ganyan kakorning joke.

Tumaas ng bahagya yung isang kilay ni Phoenix, sign of irritation. Kaya naman inayos ko na ang sarili ko.

"Anong sikreto ni Migs nga yung pinagsasasabi mo ha?" tanong ko ulit.

"Fine," bumuga pa siya ng hangin. "He told you his secret obviously. And you're just so dense and stupid for not thinking deeper and reading between the lines, EL. I told you to do that."

"Tama na nga yan, Phoenix. May sinisikreto ba sakin si Migs?" kinakabahan na kasi ako. Loko kasi tong gwapong kulay mais ang buhok na to eh.

"HAHAHA. Look how nervous you are. You should have seen your face! So epic. Hahaha."

"Bwiset ka. Tigilan mo ko, nananakit ako." =_=*

Bigla nga siyang tumigil sa pagtawa saka bumuntong hininga. "His secret? He loves you. That's it. He told me that before."

The Past, The Love, The MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon