Chapter Eleven

35 1 0
                                                  

Sunday ngayon at kakagaling lang namin ni Migs sa simbahan. First date namin yon kaya ang saya ko kasi sa simbahan pa. :)

Hanggang ngayon, ang hirap pa din paniwalaan na kami na. Ni hindi na ako nag-demand na magpaligaw kase ano pa ang sense nun kung ang bagsak din naman namin eh sasagutin ko siya? Pinatagal ko lang imbis na mas maaga akong sasaya.

Pero kahit hindi kapani-paniwala, hindi kami yung type na nagkakailangan. In fact, walang nagbago saming dalawa. Bangayan pa din pero syempre, may kasama nang sweetness. Siya yon! Siya lang ang sweet. Kala niyo ha. :P

Nung Friday kasi naging kame at sabi niya, si Phoenix pa lang daw ang napagsasabihan niya about saming dalawa. Nako, nahihiya ako kay Phoenix pag nagkita kami kase wala siya sa KAISTAL kahapon. Hindi ko alam kung bakit. >_<

Di ko pa din nasasabihan si Blaire. Bukas na lang pag nagkita kami sa trabaho para mas madali magkwento kase personal. Di ko naikwento sa kanya kahapon kasi Sabado ang day off niya.

"Uy Migs, sabi ko maglilinis tayo dun sa lake di ba? Pumayag ka na," sabi ko sa kanya kasi ang sinakyan naming jeep eh hindi madadaanan yung lake.

"Kaya nga. Daan muna tayong palengke para mamili ng mga panglinis. Baket, may dala ka ba?"

"Kakagaling mo lang ng simbahan, nangwawalangya ka na agad." =_=

"Hahaha. Sorry na, mapapatawad mo pa ba ko?"

"Gago."

"Ikaw nga nagmumura pa!"

"Hahaha. Sorry na, mapapatawad mo pa ba ko?"

"Hahahaha."

Pinagtitinginan na nga kami ng ibang sakay dito sa jeep dahil sa nonsense na usapan namin at sa lakas ng tawanan namin eh.

Pagkadating namin sa palengke, bumili kami ng mga basahan, timba, walis tingting, pandakot at sako. Bumili din kami sa malapit na 7/11 ng mga chichirya at soft drinks para kakainin namin mamaya pagkatapos maglinis dun. Pagkabili namin, sumakay na ulit kami papunta sa lake.

Habang naglalakad na kami papunta doon, naisipan kong magtanong sa kanya. Siya ang may bitbit nung mga panglinis at ako ang may dala nung mga pagkain.

"Paano mo nalamang nandun ako sa lake nung isang araw ha?" tanong ko at napansin ko na natigilan siya saglit. "Sinusundan mo ko no? Stalker talaga kita!" >:D

"Asa ka. Napadaan lang ako."

Napasimangot ako.

"Tapos narinig ko na may sumigaw ng pangalan ko at kung gaano ako kagwapo kaya tiningnan ko. Ikaw pala kaya lumapit na ko at pinakinggan ang mga drama mo."

Siniko ko nga sa tyan kaya napa-curl siya sa sakit. "Kapal mo talaga."

"Grabe ka, brutal kung brutal. Walang sakitan, mahal pa naman kita."

Natigilan ako dun. Paaak, namumula yata ako. JongIna. O///O

"18th birthday mo nung nakaraan, bakit hindi ka nag-celebrate?" tanong niya.

Nag-iwas ako ng tingin bago pa niya makita ang paglungkot ng mukha ko. "Ano pang sense? Wala na si EN.."

Hindi siya kumibo.

"Nag-promise kami noon sa isa't isa na parehas pa kami ng susuoting gown sa debut namin kahit hindi naman ako mahilig magsuot ng ganon. Ayoko kasi siyang i-disappoint. Tapos usapan din namin, tig-9 dances lang kame. Pag-iisahin na namin yung 18 dances."

Wala pa ding reaksyon mula sa kanya.

"Ngayong wala na siya, paano pa magagawa ang mga plano namin? Yun lang ang gusto kong way ng pagce-celebrate ng debut ko, wala nang iba. Alam yon nila Mama kaya pumayag na sila kahit simpleng handa na lang ang meron sa bahay."

The Past, The Love, The MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon