Chapter Ten

54 1 0
                                                  

(A/N: Ayun si Britt sa side.)

Almost nine o'clock na. Kulang na lang ay lumipad ako papunta sa KAISTAL. Late na late na talaga ako. Tinanghali kasi ako ng gising. Shet!

Papasok pa ba ako? O wag na? Pagkatapos kasi ng trabaho ko ay didiretso ako sa university na papasukan ko para mag-enroll naman. Settled na ako sa course na kukunin ko which is Psychology. Gusto ko kasing malaman ang behavior ng mga tao.

At kapag naka-graduate na ako at registered Psychologist na, ang una kong gagamutin ay si Migs. Pag-aaralan ko kung bakit abnormal siya na paiba iba ng mood lage. =_=

Kaso, tsk. Late na talaga ako. Pag nalaman nung Miguel Sanchez na yon na late ako, pagagalitan lang ako nun. Lalo lang madadagdagan yung sakit eh. Psh.

Ang busy busy ko ngayon, samantalang special na araw pa naman sakin 'to ngayon. Mamaya nga eh pupuntahan ko si EN pagkatapos ng lahat ng gagawin ko.

Napatigil ako sa pagtakbo nung nasa harap na ako ng KAISTAL. Hinihingal hingal pa ako habang pinagmamasdan ang establishimento mula sa labas.

Bigla na lang kasing pumasok sa isip ko ang pagkakakilala namin noon ni Migs dito mismo sa lugar na to. Nang dahil sa naiwan kong resumé..

'Kung humindi ako, pwede kang mawala sakin. Kung umoo ako, baka masaktan lang kita.'

For Pete's sake, ano ang ibig sabihin nung ugok na Migs na yon sa sinabi niyang yon? Wala na siyang ginawa kundi paisipin ako nang paisipin.. Galit ba siya sakin? Tinotorture niya na ako eh..

Napayuko ako.

At boom. Saka ko lang na-realized na late na talaga ako at kailangan ko nang pumasok.

Nagmadali na akong lumakad papasok. Pero bago pa ako makapasok sa pinto, naunahan na ako ng isang lalakeng may katangkaran, medyo maputi at naka-shades. In short, si Migs.

DUB DUB. DUB DUB.

Kaso dirediretso lang siya sa loob at parang hindi man lang yata ako nakita.

Eh bakit nga naman niya ako papansinin? Galit nga siya sakin eh.

Nubayan.. Nakakalungkot lang na ganito kami ngayon pang araw na 'to. Sa bagay, wala naman siyang alam. Saka kung alam niya, ano nga naman ba ang pake niya sakin di ba?

Pumasok na ako. Nakayuko ako habang naglalakad. Si Migs, dumiretso yata sa office ng tatay niya.

Papasok na ako sa staffs' room nung makita ko ulit si Migs. Mukhang nagmamadali naman siya palabas. Nag-iwas na lang ako ng tingin saka nagpatuloy sa pagpihit ng doorknob.

Kaso naramdaman ko na may tumigil sa likod ko. At naamoy ko agad yung pabango. Kilalang kilala ko tong amoy na to.. Siya to. DUB DUB. DUB DUB. Gulp.

Kulang na lang dumikit sa sahig ang mukha ko sa sobrang pagkakayuko ko. Eh bakit ba naman kasi ako kinakabahan eh! >.<

"Erin Loelle, late na late ka na," seryosong sabi niya.

"P-Pasensya na," sabi ko. Ay bakit ko kailangang mautal?!

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Bilisan mo na.."

Napatingin ako bigla sa kanya. Yung pagkakasabi niya kasi nun.. Parang ang sweet.. Ay ewan! >///<

At bago siya tuluyang lumakad palayo, nakita ko ang pagngiti niya sakin. Namamalikmata lang ba ko?

Nakaalis na si Migs pero naiwan pa din akong tulala. Yung ngiti niya kasing yon..

Yung ngiti niyang yon na inaakit ako lagi noon.. Ngayon, pinagaan nun ang lahat ng nasa dibdib ko.

-----

The Past, The Love, The MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon