-NOTICE-

This chapter is incomplete and has several cut scenes. Para mabasa ng buo, Wizard's Tale 2: Journey To A Happier Ending is still available at all leading bookstores nationwide (National Book Store, Pandayan, Fullybooked, Booksale, etc) . Kung wala kayong makitang naka-display sa bookstore na malapit sa inyo, pwede kayong magtanong sa customer service at magpa-reserve sa kanila. Kung walang perang pambili, kahit manghiram na lang kayo sa mga kakilala niyo.

* * *



(Alyanna POV)


Days, weeks, months passed.

Wala akong ginawa kundi sanayin ang emosyon, isip at katawan ko. Pinag-igihan ko talaga dahil gusto kong mabago na ang sarili ko. Ayoko nang maging duwag, iyakin at mahinang Alyanna.


-CUT SCENE-


Isa pa, hindi lang ito isang pangako na para sa sarili ko at sa mga nasasakupan ko. Pangako ko ito kay Brylle.

Malinaw pa sa alaala ko noong gabing dinalaw ako ng Luxurian Being. 'Yung panaginip kong iyon ay hindi pa agad natapos. May kasunod pang nangyari.

Napanaginipan ko uli si Brylle.

"Hoy Yana! Anong tinutunganga mo dyan?"

Si Brylle Zaffiro. Ang tunay na Brylle na nakikilala ng puso at isip ko. Narito siya ngayon sa panaginip ko kahit wala na ang spell ni Pince Rouel.

"Balita ko, wala ka na raw ginawa kundi pahirapan ang mga tao sa palasyo." Nakakunot ang noo niyang sinabi. "Nakakahiya ka!"

"Pasensya naman!" Naiinis ko namang sagot sa kanya. "Kasalanan ko bang nami-miss kita ng sobra!"

Natigilan siya bigla sa sinabi ko. Hindi ko alam kung na-touch ba siya kasi ang galing niyang magtago ng emosyon. "Tsk! Gumagawa ka lang ng dahilan."

"Totoo 'yung sinabi ko! Na-miss talaga kita." Medyo nahihiya at medyo naiiyak na sabi ko.

"Halika nga rito!" Bigla naman niya akong hinawakan sa balikat para palapitin sa kanya at yakapin niya ng mahigpit. "Sorry... sorry na."

Ramdam ko ang lungkot sa boses ni Brylle nang sabihin niya 'yun. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko ng oras na 'yun.

"Nagkakaganyan ka nang dahil sa akin. I'm so sorry."

Napailing naman ako. "Hindi. Ako ang dapat mag-sorry dahil nabitawan kita."

"Ako ang bumitaw."

"Kung hindi dahil sa akin, hindi ka mawawala."

"Ginusto ko 'yun para iligtas ka."

"I'm sorry I lost you."

"But you didn't." Unang bumitaw sa pagkakayakap si Brylle para harapin ako. "You have me, Yana. You still have me there." Saka niya itinuro ang puso ko.

"Pero bakit kasi kailangan mong mawala sa tabi ko?" Umiiyak akong nagmamakaawa sa kanya ng paliwanag. "Bakit? Bakit kailangan mo akong iwan?"

"Because I'm the one whose holding you back. Paano ka magiging malakas kung palagi kang aasa sa akin? Paano mo papatunayan sa iba na karapat-dapat ka kung palagi ka lang nakasandal sa akin?"


-CUT SCENE-


"Set yourself free, Yana. It's time for you to let go."

"But you promised!" Nahirapan akong magsalita habang umiiyak. Parang nakakaubos ng hininga. "You promised me a happier ending! Remember?"

"Yes." Dahan-dahan niyang iniangat ang kamay niya para hawakan ang pisngi ko. Nakita kong pumatak na rin ang luha sa mga mata niya ngunit nakangiti pa rin siya. "And you will still have a happier ending, Yana."


-CUT SCENE-


"Ikaw naman ang dapat na mangako sa akin. Ibalik mo ang masayahing Yana na nakilala at minahal ko. Pero gusto kong ilabas mo rin ang mas karapat-dapat na Prinsesa Yana na kikilalanin at mas mamahalin pa ng iba."

Kumapit ng mahigpit sa mga kamay ko si Brylle. Hinihintay na lang niya na ibigay ko ang hiling niya kung kaya't hindi ko ito ipinagkait sa kanya.

"Ipinapangako ko, Brylle. Magiging malakas ako..."

"At masaya?"

"At masaya."

Nakita ko nang sumilip ang maaliwalas na ngiti ni Brylle. Ngunit bago siya tuluyang umalis, tinanong ko muna siya.

"Magkikita pa rin ba tayo uli?"

"Oo. Sigurado 'yan."

Doon nagtapos ang panaginip ko.

At hindi ko man alam kung saan o kailan uli kami magkikita, aabangan ko pa rin ang pagdating ng pagkakataong iyon. He's gone now but I know he's coming back. We'll meet again for sure.

'Yun ay dahil alam ko na rin ang true meaning ng happier ending. It is knowing that it's not yet the end. May mas isasaya pa ako sa muli naming pagkikita ni Brylle. The journey continues.