Chapter 8: Famous Four

2K 30 4

KATH

"Andyan na ata sila.." Ani Aria

"Sinong sila?" Tanong naman ni EJ

"Ang FF..." Nakatingin si Aria sa direksyon ng mga babaeng nagsisitakbuan kaya naman dito na din kami bumaling.

"Ang FF? Ano naman yun?" Rinig ko sabi ni kuya Neil. Hindi ko na sila tinignan pero naririnig ko parin ang usapan nila. Nakabaling lang ang aking mga mata sa isang direksyon kung san hinihintay ko lumabas ang kung sino man ang pinagkakaguluhan ng mga babaeng ito.

"Ang FF ay ang Famous Four. Sila ang pinakasikat dito sa University. Pinakamayaman at hearthrob dito kaya habulan sila ng mga babae..." Paliwanag ni Aria sa amin.

"Bakit mga pogi ba yan mga yan?" Tanong ulet ni kuya Neil at halata sa kanyang boses ang pagkairita. Napangiti ako sa sinabi ni insan. Ayaw niya talaga ang mga ganitong gulo lalo na pagdating sa mga kaartihan ng babae. Gusto lang niyan sa buhay ay tahimik at walang gulo.

"Yung totoo?" Napatingin si Aria kay insan. "Oo. Sobrang pogi."

Hindi parin namin makita mga mukha nila masyado kasi sila napaggigitnaan ng mga babae!

"Bakit Famous Four?" Si EJ naman ngayon ang nagtanong.

"Famous Four because they are the top famous in this school." Nagkapit balikat si Aria sa amin.

"Tss. Parang F4?" Bahagya napatawa si kuya Neil. "Kabaklaan naman yan!"

"Parang ganun na nga sila pero ayaw nila na F4 baka daw kasi masabihan pa sila ng gaya-gaya.." Natawa na rin si Aria. "Kaya FF nalang tawag sa kanila.." Natigil naman ito bigla sabay turo sa kung saan. Halata sa mukha niya ang pagkagulat. "Oh! Ayan na pala sila!"

Napatingin kami sa tinuro ni Aria. May tatlong lalaki na naglalakad ngayon. Masasabi mo talaga sikat sila o hindi naman mapagkakamalan na artista dahil may mga babaeng nakasunod parin sa kanila at mga nagsisitilian. Pero pinang walang bahala ko yun. Tumuon ang attensyon ko sa isa sa tatlong lalaki pinagkakaguluhan ngayon.

Nanglaki ang aking mga mata at napanganga. Totoo ba ito nakikita ko? Kahit na ba nakashades siya alam ko siya yan. Sa tangkad at hugis ng kanyang katawan, alam ko siya yan. Ang kanyang magulong buhok, matangos na ilong at mapupulang labi. Dagdagan pa ang black leather jacket niya na suot kahit ba may green na tshirt ito sa loob. Definitely, that's him. Bakit siya nandito?!

"Siya si Daniel Padilla." Ani Aria sabay turo dun sa lalaking nakagreen.

Nauuna siya maglakad. Nasa gitna siya nung dalawa na para bang siya yung leader? Pero bakit ganito? Don't tell me same school pa kami ngayon? Wala na ba talaga makakapaghiwalay sa amin? Napairap ako nang tinignan ko siya.

"Kilala din siya bilang DJ kaso ayaw niya tinatawag siya nun."

"Huh? Bakit ayaw niya?" Napatingin ako kay Aria. Kumusot ang kilay ko doon.

"Ayon sa sabi-sabi, yun daw kasi ang tawag sa kanya ng mommy niyang namatay na. Ayaw niya tinawag siya nun kasi naalala lang daw nito ang mommy niya." Nagkapit balikat si Aria.

Lalo naman ako nagulahan. Namatayan ng mommy? Eh anong tawag niya kay tita Karla? Gusto ko man siya tanungin ang gumugulo sa isip ko kaso bigla ulet siya nagsalita.

"Mayaman yan. Siya ata pinakamayaman sa kanilang lahat. Karamihan ng mga University dito sila may ari. Isa na din tong UPA. Sila may ari nito pero ang tawag sa kanya dito BadBoy Hearthrob. Siya ang pinakahearthrob sa kanila at the same time siya ang pinakabadboy sa kanila. Lagi yan may away dito sa school kung hindi nga lang sila may ari dito siguro matagal na yan nakick out. Kilala din yang Heartbreaker. Pasaway din kasi. Rebelde sa magulang. Nagkaproblema kasi sila simula nun nagbago na si Daniel at natuto na magrebelde."