Chapter 46: Christmas

892 19 3

Natatawa ako sa kayabangan ni Eron sa chapter 22 XD Hahaha. Kailangan ko kasing basahin ulit dahil nakalimutan ko na kung ano role nila XD Hahahahaha. Alam ko na kung bakit madami ding nagkakagusto kay Eron. Hahaha.

----

Chapter 46: Christmas

Kinabukaan nun, lumipad na si Tita Ina sa Korea. Kailangan na nya daw umuwi dahil may naiwan din siyang trabaho dun.

Gusto niya nga sanang isama si Monggi kaso bawal dahil pumapasok pa si Monggi. Matagal-tagal din kasi siyang uuwi sa Pilipinas. Dito sila magpapakasal nung Noah at Next year pa yun. Kaya malamang, next year pa siya makakabalik dito.

"Last day na ngayon!" tuwang-tuwa sabi ni Lenzie. "More shopping, oh yea!" napailing ako. Bukas kasi Christmas Vacation na namin.

Habang naglalakad kami ni Lenzie biglang may nagsalita sa stage.

"This is Mrs. Canberra" napatigil kami sa paglalakad. "Enjoy the Christmas Vacation! Early dismissal." Naghiyawan ang mga tao.

Sa wakas naman Christmas Vacation na!

Naging masaya ang Christmas Vacation kasama ang pamilya at kaibigan ko. Sadly, hindi ko kasama si Monggi dahil pumunta siyang Korea para doon magcelebrate ng Christmas.

Nalulungkot ako syempre, pero ok na din yun kasi kasama naman niya ang Mama niya. Ilang years silang hindi nagkita. Ipagkakait ko pa ba yun? Atleast ako, ilang months kong nakasama si Monggi.

Bukas na ang Christmas at naghahanda na sila Mommy at Ate Madison para sa Noche Beuna mamaya. Nagpagdesisyon kong magbukas ng facebook at icheck kung online si Monggi. Oo naguusap kami pero hindi yun sapat.

Sa news feed ko, post niya agad ang nakita ko. Picture nilang dalawa ni Tita Ina habang sa likod nila isang malaking puting chrismas tree.

"With my Mom. White Christmas is great." ayun yung linagay niyang description. 15 minutes ago pa lang kaso hindi na siya online. Ni-like yung post niya at tinignan ang notification ko.

Puro likes, comments at gift sa laro ang notification ko. Tinamad na kong tignan lahat dahil ang dami kaya pumunta na lang ako sa wall ko at nagulat ako dahil nagpost si Monggi sa wall ko.

"I miss you. Enjoy your Christmas." napangisi ako at nagcomment.

"Hahaha yea, you too. Miss you." pumunta ako sa wall ni Monggi.

As usual, puro mga babae ang nagpopost. May nabasa pa nga akong poser daw yung fb ni Monggi dahil kunti lang picture.

Kaya ang gnawa ko, inapload ko LAHAT ng picture namin ni Monggi at tinag ko saknaya lahat. Napangisi ako.

10AM na ako nagsing kinabukasan. 12MN kasi kami natulog dahil sinalubong namin ang Christmas.

Chineck ko ang cellphone ko at puro bati galing sa kaibigan ang nareceive ko.

Lenzie'ng Bruha:

Merry Christmas sissy! Grabe ang lamig dito sa japan. My jet lag pa ako. Hahaha. Anyway, enjoy the Christmas. I love you sissy! I want to bulid a snowman! Kkk~

Daniel:

Sister! Merry Christmas! Guess what, i'm here in Canada. Ang daming hot! Ayoko na ngang umuwi pero alam kong mamimiss nyo ko. Hahaha. May gwapo ditong sobrang galing gumawa ng snowman. Kinikilig ako!

Shane:

Yahnie, Merry Christmas! Sorry kung ngayon lang nagtext. Nasa Finland kasi ako kasama sila Papa. It's awkward pero hayaan na. Papa ko pa din siya. Tinitiis ko na lang ang matatalim na tingin sakin ni Veronica. Hahaha. Enjoy!

Nireplyan ko sila isa-isa at tinext na din si Monggi at binati. Edi sila nag White Christmas. Bawal kasi si Daddy umalis ng bansa dahil hanggang ngayon may inaasikaso pa din siya tungkol sa business niya. Tska hindi talaga kami pwedeng lumabas ng bansa dahil every Christmas nagrereunion ang Montezor Family.

Next Year daw sa Canada ang reunion dahil nandun sila Lola at Lolo at Tita Francey. Sa ngayon, sa resort nila Tito Troy ang punta namin. Si Tito Troy at kapatid ni Daddy. 8 silang magkakapatid, 7 na lalaki at 1 babae. Si Tita Francey yung babae na ngayon nasa Canada dahil bukod sa nandun sila Lola at Lolo nandun din nakatira ang asawa niya.

Habang papunta kami sa Resort nila Tito Troy nakatanggap ako ng message galing kay Eron.

Eron:

Merry Chrstmas! Enjoy ka ngayon? Ako din, e. PM 'to.

Natawa ako sa text niya. Kapag nagtetext talaga siya palagi may 'PM 'to' sa dulo kahit GM naman talaga. Tinext ko siya.

Ako:

Saan ka nagcecelebrate ng Christmas?

Napatingin ako sa labas, andito na kami sa Resort. Bumaba ako ng may natanggap akong message galing kay Eron.

Eron:

Sa bahay. Dapat sa London kaso tinamad akong bumiyahe. Hahaha. Ikaw saang bansa ka?

Ako:

Dito lang sa Pilipinas, e. Bawal kami mag out of town pag Christmas :(

Eron:

So parehas pala tayo ng inaamoy na hangin. Hahaha. Ang duga naman nila Min, e. Out of town. OP tayo!

Natawa ako. Nakita ko agad ang mga pinsan kong nagkukwentuhan na.

Ako:

Yea. Hahaha. Enjoy na lang natin 'to. Sige bye muna!

Binati ko ang mga Tita at Tito ko at tska pumunta sa mga pinsan ko. Nakipagkwentuhan at tawanan ako sa mga pinsan ko.

6PM na ng gabi ng dumating si Jervie. Pinsan kong lalaki na sobrang loko. Nagusap muna sila ni Tito Axel bago siya pumunta samin.

"Napagalitan na naman ni Daddy! Oh! Hello girls!" bati niya samin. Umirap si Henera, kapatid ni Jervie. "Wala man ni-hi sainyo? Come on girls! Minsan na nga lang tayo nagkikita-kita, e." napatingin siya sa isang table kung nasan naman yung mga pinsan naming lalaki."Si Yosef! My favorite cousin." luminga-linga siya at nakita niya ako. "Oh and Yahnie!" ngumiti ako sakanya

Habang nagkakasiyahan kami pumasok muna ako sa malaking bahay ng resort na 'to at  nagwash room.

Pagkalabas ko natigil ako sa paglalakad at tinitigan ang lalaking nakikipagkwentuhan sa mga Tita at Tito ko. Ang mga pinsan ko namang babae, kinikilig habang nakatitig sakanya. Yung mga pinsan ko namang lalaki nakipagkamayan sakanya.

"Finally, Yahnie is here." sabi ni Tita Lara na asawa ni Tito Kiel. Nagsitinginan sila sakin at ngumiti. "You're boyfriend is here." napatingin ako kay Monggi na nakatitig lang sakin.

"Welcome na ako sa family mo." at tska siya ngumisi. "Merry Christmas."

She's Accidentally Inlove With A HeartthrobBasahin ang storyang ito ng LIBRE!