Diyos

410 1 0
                                    

Salamat sa iyong paggabay, ikaw patuloy na nakikinig kahit ako'y paulit-ulit na lamang. Sana di magsawa sa tulad kong makasalanan.

Minsa'y nakaranas ako ng sakit at ikaw ang aking sinisi. Bakit ko kailangan maranasan ito, ngunit ika'y nanatiling tahimik at pinagmasdan lamang ang aking paghibinagpis. Sa sandali kong pananahimik naalala kong ika'y parati palang nariyan sa aking tabi sa oras ng aking paghihirap.  Sa aking pananahimik nanalangin ako at iyo'ng pinagtibay ang aking loob mula sa sakit na dinadala.
Ang Ama na mananatiling gabay sa hirap.
Ama, sino nga ba ako at ako'y patuloy mong tinatanggal sa bawat pagkakamali.

Tunay nga na ang pag ibig mo ay Dakila sa lahat. Ikaw Ama ang siyang nagbigay sakin ng lakas sa bawat takot na aking kinahaharap. Di man kita nakikita ngunit aking nararamdaman ang iyong basbas. Salamat sa Diyos nating lahat.

SanaysayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon