[6] ♕ LQ?!

2.6K 64 0

Hana's POV

Hana? Umiyak ka?”

“Napuwing lang po ako, Mom." palusot ko habang hinihimas yung mga mata ko.

“Bakit pala parang kakaiba ang mode ng asawa mo?" tanong ni Mom saakin.

“Di ko po alam, Mom. Aakyat na po ako. Pagod po kasi ako." paalam ko kay Mom.

Pagbukas ko ng pinto nakita ko siyang naka-upo parang may ginagawa.

Pumasok na ako ng banyo para maligo ang lagkit ko na kasi. Natapos akong maligo wala paring pinag-kaiba.

AWKWARD. Yan ang masasabi ko. Humiga na ako pero di ko parin siya pinapansin.

“Alam kong hindi ka pa natutulog” sabi niya.

Pero di ko parin siya pinansin.

“Pasensya na sa nangyari kanina. I'm sorry Hana. Goodnight.” sabi niya at tumalikod na rin.

Ilang oras na ang lumipas pero di parin ako makatulog. Anong gagawin ko?

Siguro ipikit ko nalang ang mga mata ko.

Naramdaman kong may yumakap saakin mula sa likod. Ang higpit di ako makahinga. Gusto kong kumawala pero ayaw talaga tapos yung paa niya ang bigat. Yung kamay niya din nasa bewang ko.

What the hell?!

Naramdaman ko nalang inaantok na ako, hindi na ako nagpilit na kumalas sa yakap niya. Hinawakan ko nalang yung kamay niya para namang ma-feel ko na asawa ko talaga siya, besides natutulog naman siya.

Di nagtagal dinalaw na rin ako ng antok.

~

Nagising ako dahil sa sinag ng araw.

"Gising ka na pala” nagulat ako ng makita ko siyang nakabihis na.

Naalala kong may pasok na pala kami.

“Pinaghanda na kita ng pagkain mo.” sabi niya at inilapag ang tray ng pagkain. “Ako na din ang maghahanda ng mga gamit mo." dagdag pa niya pero di ko parin siya pinapansin.

Mabilis akong natapos. Di kasi ako mapakali. Naalala ko kasi yung posisyon namin kagabi.

“Maliligo lang ako.” paalam ko sakanya.

Natapos akong magbihis kaya bumaba na kaming dalawa. Medyo maluwag pa ang traffic kaya mabilis kamin nakarating.

Maaga pa naman kami. Pero mula ng umalis kami di ko siya pinapansin.

Halos lahat ng babaeng nakakasalubong namin ay ngini-ngitian siya. Ako? Tinatarayan ko lang silang lahat.

“Hanniel!”

“Bro!”

Tawag ng mga lakaki mula sa likod. Tumakbo silamg laht papunta sa kinatatayuan naming dalawa.

“Hana Fernandez - Curtis, right?” tanong ng isang kaibigan niya.

“Your right” sabi ko sakanya.

“Di mo ba kami ipapakilala sakanya” sabi ng isang lalaki at tinuro ako.

“Kayo nalang. Sayang laway ko sainyo.”

“Hi I'm Harley Theo Garcia.”

“Van Dylan Salvador”

“Yuan Yul Stanford”

“Axel Louis Lopez”

“Zayde Evan Zapanta”

“Khian Blake Garcia ”

Casanova's  WifeRead this story for FREE!