CHAPTER 22: Dead

1.7K 33 0
                                    

Raine 's POV

Pagpasok namin sa school ay napansin naming lahat ng estudyante ay nakangiti at bumabati sa amin. Pero hindi mo maipag kakailang mas madami parin ang nakairap at pinagbubulong bulungan ako. Ano kayang nakain nila? Baka naman nabalitaan na nila ang pagkamatay ni Fiacre at naging good mood sila sa balitang iyon.



May mga pumuntang pulis at detective para mag embestiga kahapon.Gusto nilang kausapin si Sky pero ayaw niyang lumabas sa Head Quarters nila at ang sabi ni Xander ay dinadamdam niya parin lahat ng nangyari. May damdamin pala ang lalakeng iyon? Di halata ah!


Nagtungo muna kami sa library kasama ang mga kaibigan ko dahil mas tahimik doon at walang masyadong tao. Pagpasok namin, kumuha na agad sila ng mga librong babasahin nila at pumwesto sa pinaka likod dahil tapat daw iyon ng bintana at mas mahangin.


Naghanap muna ako ng librong babasahin ng biglang may maka kuha ng atensyon ko. Isang itim na libro na maalikabok. Kinuha ko ito at pinunasan bago basahin ang title nito. Well, it's not black book which contains spells and other fantasy stories. Isa itong libro na kung saan ay nakalagay dito ang history ng buong D.A.


Umupo ako sa gilid kung saan sila nakaupo at binuksan na ang libro. Sa unang pahina ay makikita mo ang isang picture ng Skull at Scorpion.
"Oreustan Otomay" basa ko dito. Binasa ko lahat ito pero wala namang bago dahil wala naman itong pinagkaiba sa lesson namin sa History at sa impormasyong nabasa ko sa laptop ni Sapphire.


Ang mga iba nang nakasulat ay tungkol sa mga dating estudyanteng nag aral dito sa D.A. Inilagay ko ito sa last page at napangiti sa nakita ko. Ito ay ang mga larawan ng mga dating estudyante lalong lalo na sa tatlong tao na minention ni sir sa History. Tinignan ko isa isa ang mga ito. Pag lipat ko ng sunod na page ay may biglang nagsalita sa harap namin.



"Nag papaka book worm ha!" Mataray na sabi nito at pinameywangan pa kami. Akala mo naman model. Isinara ko ang binabasa ko at linagay sa tabi ko bago tumingin ng diretso sa kanya. Makikita ko rin naman ang laman nun. Tinaasan niya ako ng kilay saka lumapit sa akin.


Sinakal niya ako gamit ang heel ng sandal niya at ngumisi pa sa akin. Hindi naman sa nasasaktan ako sa ginawa niya pero may naramdaman akong parang may manipis at matulis na bagay na tumutusok sa leeg ko. Malakas ko siyang itinulak pero hinawakan ko ang paa niya para matignan kung ano ito. Napahagik gik ako nang makitang may naapakan siyang thumb tacks. Naka bend naman siya sa ginawa ko. Nang makita ko na kung ano ito ay binitawan ko na ang paa niya kaya ang bagasak ay napa upo siya sa sahig.



"How dare you bitch?" Gigil na sabi nito at tinulungan naman siya ng mga alipores niya na tumayo. Napansin kong tumigil sa pagbabasa ang mga kasama ko at pinapanood kami na parang isang live action. May nakita si Mirana na juice at dali daling kinuha ito. Bawal kumain sa library eh ba't may nagpasok ng juice?Lumapit siya sa akin at ibinuhos lahat yon sa katawan ko. I was busy controlling myself when Ashley kick Mirana.


Sunod na sumugod ang mga alipores niya at pinagtulungan kami. Nag simula ng magkagulo ang library at naririndi na ako sa mga ingay nila. Kinuha ko ang baril na nasa hita ko at pinaputok ito sa taas. Napatigil silang lahat at tumingin sa akin. Lumapit ako kay Mirana at itinutok ang baril sa bunganga niya.

"I dont want to see your face again here so get out" malamig na utos ko  at kinaladkad paalis si Mirana. Sumunod naman ang mga alipores niya sakanya.

"You'll pay for what you did bitch"sigaw nito. Tss. As if you can beat me. Baka hindi niya alam kung sino ang mas bitch sa amin. And she's right! Im a bitch so get ready. Nakabusangot ang mga kasama ko habang nagbabasa dahil sa nangyari. Mirana disturbed them from reading lalo at nasa pinaka exciting part na daw sila ng story. Hay!!




Kinuha ko ang librong binabasa ko kanina at ilinagay sa bag. Tumayo na ako at nagsimulang maglakad palabas ng may humawak sa balikat ko. Liningon ko ito at tinignan. Si Blake lang pala. Akala ko kung sino na! Tinaasan ko siya ng kilay then he started speaking.




"San ka pupunta?"he asked like he is worried. Napabuntong hininga naman ako sa inasal niya. I dont like him acting like this. Nung naging Fake Girlfriend ako ni Sky ay hindi siya ganito pero nung malaman niyang wala na kami ay bumalik na naman siya sa dati. Yung palaging nag aalala, yung sinusunod lahat ng utos ko at caring. I dont want him to care about me dahil mismong sarili ko ay wala akong paki alam.






"I just want to be alone" i said at tumango naman siya. Tumalikod na ito sa akin at umupo sa puwesto niya kanina. Saglit siyang sumulyap sakin pero ibinaling niya ulit ang tingin niya sa librong hawak niya. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palabas ng library. Papunta ako ngayon sa gubat, hindi sa literal na gubat pero yung gubat na malapit sa HQ nila Sky.





Inakyat ko ang isang puno at humiga roon. Pinikit ko ang aking mga mata at dinama ang hangin na tumatama sa balat ko. Napamulat ako ng may maramdamang nakatitig sa akin. Nagpalinga linga ako sa paligid pero wala naman akong makita. Pinakinggan ko ang paligid at dinig na dinig ang mga huni ng ibon at mga kaluskos sa paligid. May narinig akong isang padyak kaya napatingin ako sa direksyon na iyon. May nakita akong isang lalake na may hawak na pana at naka handa na itong pakawalan papunta sa akin.






She let out the arrow towards me so I catch it using my mouth. Pinaglaruan ko muna ang arrow sa bibig ko bago ito kunin. Tinignan ko ito at nakitang may Snake Symbol. Hrpere comes the Mafia Snake again. Ano bang nagawa kong kasalanan sa kanila?
Why am i such a trouble maker?




Napangisi ako sa ginawa niya. Long ranger ha! Tumalon ako mula sa puno at hinarap kung sino ito. Teka! Parang may kamukha siya. Posible kayang nakita ko na siya noon o baka naman kamukha niya lang? Sabagay, magkaka mukha lang naman ang mga clown.




"What are you staring at bitch? Alam kong maganda ako "tanong nito. Fil-Am ba ito? Half Feelingera at half Ambisyosa. Saglit kong pinag aralan ang mga galaw niya at kinabisa ang mga ito. Sunod sunod niyang pinakawalan ang mga arrow papunta sakin kaya tumalon ako papunta sa taas ng puno."Are you scared? Jump down you coward and face me" mayabang na sigaw nito sakin. What the hell did she say? Did she call me Coward? Masyado na ata itong mayabang. Time to let her taste the heaven out of hell. No one ever dare to call me coward.





Tumalon ako sa baba at sinipa sa kamay dahilan para mahulog niya ang pana niya. Ngayon, pareho na kaming wakang armas. Tumingin siya sa akin at ngumisi. Now i know kung sino amg kamukha niya. Kamukha siya ni Fiacre. Posible kayang kapatid niya ang babaeng ito?




Malakas niya akong sinipa pero nahuli ko ang paa niya at pina ikot ito pero nakatalon siya. Sipa parin siya ng sipa at pansin kong hindi nag iiba ang tactics niya. Because of over observing, she suddenly kick my stomach and that made me step backward. Mas lumawak pa ang ngisi niya at parang mas ginanahan ito. Nagmamayabang ba siya dahil nasipa niya ako?You just got the chance bitch.





Mabilis akong tumakbo papunta sa kanya at pinag susuntok ito pero nasasangga niya ang mga ito. Dahil sa sobrang bilis ng galaw ko ay hindi na niya ito nasasabayan. Mabilis siyang napagod sa mga atake ko kay kinuha ko na ang pagkakataon na suntukin siya. Malakas ko siyang sinuntok sa panga at sunod sa sikmura. Kinuha ko ang dagger sa hita ko at isasak sak na sana pero nahawakan niya ang kamay ko. Pilit niyang itinututok ang dagger kaya malakas ko itong kinuha. Patuloy parin kami sa pag aagawan hanggang sa tumigil kaming bigla. Naramdaman kong parang may umaagos na dugo sa amin.Itinaas ko ang kamay ko at nakitang  may dugo ito. Nabitawan ko ang dagger at napahiga ako sa sahig.











Badass Gangster QueenWhere stories live. Discover now