In Love With Numbers Part 2

1.4K 69 19

****

"nakita nyo ba yung news kagabi bigatin yung kadate ni sir Edward no, International  model!" employee one.

"Oo nga sino nga ba yun, yung maganda ang mukha?" Employee two.

"Si Mariah Marquez ,  grabe ang ganda nun super crush ko nga yun e!"

Hindi mapigilan ni Maymay ngumiti sa mga narinig. Nasa loob sila ni Viv ng elevator papunta sa kanilang opisina. Palibhasa maraming kompanya merun sa building na yun kaya malaki ang capacity na pwedeng isakay ng elevator. Kagaya na lang ngayon nasa dulo sila kaya hindi aware ang mga nagtsitsismisan na nandun sila sabandang dulo.

"Kaya yung mangkukulam wala na yung pag-asa!" sabi ng employee one.

"Kawawa naman yung Maymay asang-asa pa naman siya ang magiging date ni Sir!" employee three.

"muka nga talaga ginayuma na niya si Sir!"

"Hingi kaya ako dun ng gayuma para sa crush ko!" sabi naman nung isa.

"Sira ka ba mukang peke mangkukulam yun tingnan mo nga hindi naman siya ang napiling ka date!" at nagtawanan na ang lahat.

"Aba't ----"

"Viv, okay lang yan!" saway ni Maymay sa kaibigan.

Kanina pa gustong magsalita nito pero dahil  medyo madaming tao hindi naman makaporma.

"Kung sayo okay lang nilalait ka nila, sa akin hindi!" naiinis na sabi nito.

"Ano ka ba nakakahiya o may iba pang emplayado dito oh!" sabi na lang niya.

Iiling-iling na lang si Viv halatang nagtitimpi lang ito ng sa mga kasama sa elevator.

Dahil ang kompaniya nila ang nasa pinakamataas na parte ng gusali kaya unti-unti nabawasan ng mga tao pero ang tsismisan sa loob wala atang katapusan. Hanggang sa matira na lang sila magkakatrabaho.

Ting!....

Nagsilabasan ang kaopisina nila Maymay at Viv.

"Not so Fast!" malakas na sabi ni Viv.

Lahat ng nanggaling sa loob ng elevator napatingin sa kanila.

"Viv, ano ba don't make a scene. Hayaan mo na lang!" saway ni Maymay sa kaibigan.

"Lahat ng nagsalita against kay Maymay pumunta HR office. Lahat ng nakitawa this is served as a warning. Natatandaan ko kayong lahat I'll watch you guys!" galit na galit nasabi ni Viv.

"O ke aga-aga pinapainit nyo na naman ang ulo ng misis ko. Baka mapaanak yan ng wala sa oras!" sabi ni Marco kasunod nito si Edward.

"At isa ka pang basher ni Maymay, isa pang pangit na salita against sa kanya mag-IR ka rin!" saka umalis.

"Siguro naman ayaw nyong umabot ito sa may-ari ng kompanya at sila mismo gumawa ng action tungkol dito!"

"Vivoree stop it, stop making scene!"

"Im not making a scene here, I just stated the fact. Na kung alam lang nila kung sino ka sa kompanyang ito I doubt na kahit tingin hindi nila magagawa dahil mahihiya sila sa mga pinagsasabi nila sayo!"

"Viv please...!"

"Sorry Ms. Entrata hindi ko
magagawa yan. I'm doing my job as a head of HR  merun silang na violate sa rule which is manira ng kapwa emplayado nila. At ito ang product ng lagi mong pagsalo at pagpasensya sa kanila. Now I think this served as lesson na hindi lahat ng tao kasing haba ng pasensya mo!" tumalikod na si Viv sa  kanya at ang mga ka-officemate naman ang pinagdiskitahan.

MayWard Short StoriesRead this story for FREE!