Chapter 45: Birthday Party

930 19 3

Chapter 45: Birthday Party

"Friday ngayon diba? Sa sunday na birthday ni Tita Ina. Ano plano mo?" tanong ko kay Monggi habang nagdadrive siya.

"I'll greet her." napanguso ako.

"Ayun lang? Ni-hindi ka man gagawa ng party or suprise? Ilang taon kaya kayong hindi nagsama, dapat memorable ang birthday niya kasama ka." napatingin sakin si Monggi habang nakatigil ang kotse. Trafic pa ata.

"I don't know how to make a party or suprise a person" nagkibit-balikat ako.

"Well, I'll help you to know." Tinitigan niya muna ako tska pinaandar ang kotse.

Nag-iisip na ako ng mga pagkain na pwedeng ihanda sa saturday ng napatingin ako sa babaeng naghihintay sa labas ng pinto ng condo ni Monggi. Naaninag kong si Shane pala yun.

"Shane? Bakit ka nandito?" nagulat siya na nakita ako. Ako din naman nagulat. Hindi ko inaasahang nandito din pala siya.

"Yahnie, kasama ka pala niya." ngumiti siya at tumingin kay Monggi. "Here." may inabot siyang papel kay Monggi. "Gotta go. Bye!" nagwave ako kay Shane habang si Monggii nakangiting sinusundan ng tingin si Shane.

"Ano laman niyan? Para saan yan?" tanong ko ng makapasok kami. Aambang kukunin ko na sana yung papel sa kamay ni Monggi kaso nataas niya.

"None of your business. Hindi naman masyadong mahalaga 'to." linagay niya yung papel sa table at pumasok sa kwarto niya.

"Anyway, may plano ka na ba for the party?" tanong niya habang nasa loob ng kwarto niya.

"Yes." sabi ko naman. Hindi ko inaalis ang titig ko sa papel. Ano ba laman nun? At bakit parang kilalang kilala ni Monggi si Shane. May hindi ba ako alam?

Kinabukasan naghahanda kaming dalawa ni Eron sa gaganaping party bukas ng tumawag si Shane.

("Yahnie, pwede mo ba akong samahan? Ngayon? Pwede ba?") napatingin ako kay Eron na busy sa pagsusulat ng mga kakailangan pa namin.

"Sure. Give me 15 minutes. Saan tayo magkikita?"

Pumayag si Eron na umalis ako. Kaya naman niya yun dahil gawain naman talaga niya yun. Sabagay, president council siya kaya siya din yung nagoorganize ng mga event sa school minsan.

Nakapunta kami sa sementeryo at sinabi niyang dadalawin niya daw ang Mama niya dito.

Nang makapunta kami sa puntod ng Mama niya tahimik siyang naglagay ng flower at nagsindi ng kandila.

"Ma, hello! Sorry kung matagal akong hindi dumalaw, busy lang ako. Oo nga pala. Ma si Yahnie kasama ko. Siya yung kinukweto ko sayo. Siya yung tinuring akong kapatid." tumingin si Shane sakin at ngumiti.

"Hello po. Ako po si Yahnie." biglang humangin.

Nalulungkot ako para kay Shane pero alam ko namang pagsubok yun.

Asahan mo Shane na lahat ng gusto mong hilingin sakin gagawin ko maging masaya ka lang. Para kahit papano ramdam mo na may nagmamahal pa sayo.

Ngayon na ang birthday ni Tita Ina. Bumukas ang pinto ng elevator kaya lumabas na ako at pumunta sa room kung saan nakacheck-in si Tita Ina.

"Happy Birthday Tita Ina!" nagulat siya at tska ngumiti.

"Wow thank you Yahnie. Nakakagulat ka naman." ngumiti ako at inabot ko sakanya ang regalo ko. "Thank you dear" at hinalikan niya ako sa cheek.

"Welcome tita. Anyway, i'm on the way to Zuriel's condo" Ngumiti siya at pinapasok ako.

"Ok lang ba kay Min?" natawa ako.

"Ofcourse tita." ngumiti siya at pinaupo muna ako.

"Natutuwa ako na ikaw ang girlfriend ng anak. Ang swerte niya sayo, Anyway gusto ko sanang pumunta ka sa kasal ko next year. Punta ka ha? Aasahan ko ang nag-iisa kong daugther-in-law." ngumiti ako. Ang sarap sa pakiramdam na gusto ako ng mga parents niya.

Habang papapunta kami sa condo ni Monggi nagtext siya.

Monggoloid:

Is she with you? Pwede na kayong pumunta dito.

Ako:

Yea. Papunta na kami.

Pagpasok namin sa Condo ni Monggi nakita namin yung dalawa na nanunuod ng TV. Boring silang tumingin samin. It's just a act anyway, kasama sa plano yun.

"Tita nabisita ka. Nagkakasundo na kayo ni Yahnie, a." ngiting bati samin ni Eron. Tumingin ako kay Tita Ina nakatingin lang kay Monggi.

"Hello 'Ma." sabi ni Monggi at pinagpatuloy ang panunuod. Wow. Galing umarte ng monggoloid na 'to, a. Tumayo si Eron at Monggi at pumasok sa kwarto.

Narinig kong bumuntong-hininga si Tita Ina at umupo. "Hindi niya naalala."

Lumabas yung dalawa na may birthday hat na kasama sila Tito Ariel, Lenzie at Daniel.

"Happy Birthday!" sigaw nila. Napatakip sa bibig si Tita Ina. "Saseungki habnida!" sigaw ni Tito Ariel. Nagtawanan kami.

"Tito Saengel humnida!" pagcocorrect ni Eron. Tawa naman ng tawa si Tita.

"It's Sang il chakaheyo." natatawang sabi ni Tita Ina. Nakangisi ako ng lumapit sakin si Monggi at linagyan ako ng birthday hat.

Tawa kami ng tawa habang pinapanuod namin si Eron na kumakanta ng Korean Song. Regalo niya daw kay Tita Ina.

"Tama na yan!" sigaw ni Daniel na katabi ko lang. Sila Tita Ina, Tito Ariel at Monggi kasi nagusap. "Wala na si Tita Ina, linayasan ka." tawa naman kami ng tawa dahil hindi pa din paawat sa pagkanta si Eron.

"Naiinlove ako sakanya sister." bulong sakin ni Daniel. Napatingin ako sakanya at binulungan din siya.

"Back off meron na yan." ngumisi ako sakanya. Nakatingin lang siya sa harap ko kaya napatingin din ako at si Monggi pala yung tinitignan niya.

Hinila niya ako palayo kay Daniel at pumasok kami sa kwarto niya. Nakita ko pang naguusap pa din sila Tita Ina at Tito Ariel.

"Uy! Mga bata pa kayo!" rinig ko pang sabi ni Eron bago tuluyang nasara ang pinto.

Tahimik siyang umupo sa kama niya at bumuntong-hininga.

"Can you stop flirting that guy?" napatingin ako kay Monggi na nakatungo lang.

"We're friends." Mahinahong sabi ko.

"I can't help it. Nagseselos ako." Hindi ako makahinga, kinikilig ako. Bakit ka ba ganito Monggi?

Tumayo siya at kinuha ang kamay ko. "Let's go. Sisiguraduhin kong hindi na siya makakalapit sayo." at tinaas niya ang kamay naming magkaholding hands.

She's Accidentally Inlove With A HeartthrobBasahin ang storyang ito ng LIBRE!