S T A R T

8K 64 3
                                        

NO PROLOGUE!!!!!


Naglalakad lang ako dito sa gitna ng corridor ng old school ko. Grabe, ang laki na ng pinagbago ng eskwelahang ito. Nagtungo ako sa classroom ng anak ko upang sunduin ito. Naabutan ko naman siyang napaka-busy sa pagkain. Ang takaw-takaw talaga ng anak kong to.

"Xander!" pagtawag ko sa kanya. Agad-agad naman siyang tumakbo papunta saakin at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap. "So, how was your first day in school?" ngumiti naman ito ng sobrang laki. "Look mimi, I got two stars from my teacher!" pinakita niya naman saakin ang dalawang kamay niya. Ginulo ko lang ang buhok nito at hinalikan siya sa noo "Good job!"


Nasa sasakyan na kami ngayon at pupunta kami sa mall. Kakauwi ko lang din kasi galing Cebu. Sa Cebu muna ako kasi malapit na akong grumaduate sa med school. Nag-aaral ako sa isang sikat na med school doon. At umuwi lang ako dito sa Cagayan De Oro City para umattend ng reuinon namin. Namimiss ko na rin kasi ang mga takas sa mental kong mga kaklase.

"Hi ma." sabi ko pagkakita namin sa kanya. Agad naman niya binuhat si Xander. "Oh, kamusta naman ka ate? (Kamusta ka naman ate?)" ngumiti lang ako sabay upo sa upuang nasa harapan ko. "Okay ra ko ma. Same old story. (Okay lang ako ma)" tumango lang siya at kinuha ang menu na nasa harapan niya. "So, how was school?" pagtatanong niya habang nakatingin sa menu.

"Okay lang. Hapit nako mugraduate ma, unta maka-adto ka ha? (Malapit na ako grumaduate ma, sana makapunta ka ha?)" sabi ko. Tumingin naman siya saakin at ngumiti ng malaki. "Ofcourse, I'll be there. You're the first doctor in the family." napangiti naman ako sa sinabi niya. Konti nalang talaga, magiging pediatrician na ako.


Nandito ako ngayon sa forever 21 upang bumili ng damit na susuotin ko para sa reunion. Ang theme daw kasi is black and white. Hindi naman ako masyadong nahirapan kasi sobrang daming magagandang damit dito. Habang busy ako sa pamimili may biglang kumalabit saakin. "BABYLOOOOOOOOOOOOOOOOOVES!" nagulat ako at napalingon agad. Niyakap niya naman ako ng sobrang higpit na kulang nalang hindi ako makahinga. "GRABE! GIMINGAW KAAYO KO SAIMOHA! (Namiss kita ng sobra!)" tinitigan ko muna ang mukhang nagsasalita sa harapan ko. "OMG! JESSA?! HALA! IT'S GOOD TO SEE YOU!" Ako naman ngayon ang napayakap sa kanya.


"So kamusta?" pagtatanong ko sa kanya. Nasa food court kami ngayon at kumakain ng ice cream. "Heto, busy kaayo sa duty. (Sobrang busy sa duty.)" napangiti naman ako at tumitig sa uniform na suot niya. "Naks naman, nurse na oh! May pa-drama drama ka pang nalalaman noon na hindi mo kaya." napatawa naman siya sa sinabi ko. "Tagalog ka na pala babyloves? HAHAHA! Salamat kasi inencourage mo ko noon. At talagang nakapasa ako sa XU! Thank you ng sobra!" napangiti lang ako at kinain ang ice cream ko.

"Diba gragraduate ka na?" pagtatanong niya saakin. Tumango naman ako "Naks! So tatawagin na ba kitang Doctor Perez?" nagtawanan naman kaming dalawa. "Sira ka talaga." inubos na namin ang kinakain naming ice cream at pumunta na sa parking lot. "San ka? Hatid na kita." pag-aalok ko sa kanya. "Doon lang sa LDCU, may kukunin lang ako dun." tumango lang ako at sumakay na kami sa sasakyan ko.


Nasa LDCU na kami at wow! Sobrang ganda na nito ngayon. Naaalala ko pa nun nung nag-aaral ako dito kasama ang mga kaibigan ko. Kamusta na kaya sila ngayon? Pumasok kami at inilibot ko ang aking paningin. Konti lang pala ang binago nila dito. Nandito parin yung mga lugar na lagi naming kinakainan. At di rin nag bago ang uniform nila. Pumunta kami sa may riverside at umupo dun. May bigla naman akong naalala dito sa inuupuan namin.

"Okay ka lang?" biglang tanong ni Jessa. Ngumiti lang ako ng tipid. "Naalala mo nanaman siya?" napatawa naman ako. "Nakakatawa, nakaupo tayo ngayon sa inuupuan namin noon." ngumiti naman siya ng pilit. "Kamusta naman daw yun?" napabuntong-hininga naman ako. "Ewan, di ko alam. Wala na kasi akong balita sa kanya. Wala na kaming communication." 9 years na ang nakalipas pero sobrang linaw pa rin ng mga ala-ala namin dito. Napangiti nalang ako habang inaalala ang mga masasakit na alala na minsang nagpasaya saakin.

Muling Nagbabalik (JoshLia)Where stories live. Discover now