chapter 35 Sorry -version 1.2

36 0 0
                                    

ah, kenshin. KENSHIN!?!

"ah-eh opo bababa na po ako." sabi ko sa maid namin.

humarap ako kay ate na kanina hindi ko maintindihan ang itsura, na ngayon ay nagni-ningning ang mata -_-

"thea, nanliligaw ba sayo si dragon?!" Pambihira.

"ate. hindi nanliligaw sakin si kenshin ok. ok." sabi ko. naging serious naman sya kasi kapag pangalan na ni dragon ang binaggit ko, alam nyang seryoso nako.

"eh bakit sya nasa baba?" tanong nya. hindi nya pa pala alam yung version 1.2 kong pagsosorry!

"ammm, ate mamaya ko na lang ikukwento sayo yung version 1.2 ha! ayy! hindi ko pa pala kinukwento yung version 1.1, di bale mamaya na lang ha! pagkapanik ko. hintayin mo na lang ako ha!" sabi ko sabay labas ng kwarto. ayt! nakalimutan ko pala! binuksan ko ulit yung pinto ng kwarto.

"ate! mamaya mo na lang kwento yung gusto mong ikwento ha!" sabi ko sabay sara ng pinto at baba.

pagkababa ko tinanong ko yung maid kung asan si kenshin.

"nasa garden po." sabi nya. shempre kailangan sabihin ko yung pangalan na kenshin para alam nya kung sino hinahanap ko.

pagdating ko sa garden, nakita ko sya NAKAHIGA! na nakapatong yung ulo sa dalawang kamay na para bang inuunan. Aba! Feel at home!

nilapitan ko agad sya. pero hindi nya ako nakikita kasi nakapikit sya. umupo na lang ako at humarap sa kanya. magsasalita na sana ako ng hilahin nya ako papahiga. kaya napahiga na rin ako! letche! babalian ata ako ng buto nito.

Dugdug Dugdug..

ambilis ng tibok ng puso ko. bakit ganun?

nagulat ako ng humarap sya sakin. pero nakahiga parin.

"su-stupid?" hindi ako makatingin! hindi ako makatingiiin!

"hmm?"

"g-galit ka pa ba?" agad akong napatingin sa kanya? seryoso?

"b-bakit mo naman natanong yan?" na-nakatingin lang sya sakin. As in Titig! may pa baba-baba pa, patingin sa labi! balik sa mata! at magkaharap pa kami!! ANO BA?!! NAKAKAINIS TONG DRAGON NATO!

Dugdug Dugdug..

"ka-kasi ga-galit ka sakin diba?"

Dugdug Dugdug..

"bakit naman ako magagalit sayo?" tanga! tanga ako!

"Aish! Stupid ka talaga kahit kailan! hindi mo ba ako nage-gets?"

"Nage-gets!" sabi ko. sasabihin ko na ba yung version 1.2 say sorry?

"may sasabihin ako sayo." sabi ko. nakatingin talaga syaaaa!! ayt! hindi pala! Nakatitig talaga syaaa!!

1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 9, 9, 9, ---

"Sorry." Sabay pa kami! nakakahiya! teka bakit ako mahihiya? eh nagsorry nako. nag sorry din sya! waaaaah!

"bakit ka nagsosorry?" tanong ko. sana huwag naman syang mamilosopo! one time lang.

"k-kasi sa- sa ano, nangyari kahapon."

Dugdug Dugdug..

"ok lang, sorry din." waaaah! nag-iinit na ba yung pisnge ko?! paki-frozen nga! para maging manhid!

"b-bakit?" tanong nya! kinakabahan akoooo! ngayong magkaharap pa kami! hindi ko maalis yung titig ko kasi hindi ako makagalaw -_- :(

"k-kasi p-pinagsalitaan kita ng m-masama! sa totoo lang hindi naman talaga yun yung gusto kong mangyari! hinhila nyo lang yung kamay ko at nag-aaway pa kayo sa magkabilang tenga ko eh. pero sor--" nagulat ako ng bigla nya akong hilahin at--

Ha-HALIKAN!

----------

Kenshin P.O.V

Nandito ako sa garden ni stupid nakahiga!

Aaminin ko! KI.NA.KA.BA.HAN AKO!

letche naman kasi! letche talaga! first time! first time akong magso-sorry! isang kenshin anderson! magsosorry!

Dugdug Dugdug..

bumilis na naman yung tibok ng puso ko ng maramdaman kong umupo sya sa tabi ko. eto naaa! eto na ata yuuun!

sh*t! sh*t talagaaa!

hinila ko sya papahiga sa TABI KO! walang nagsasalita samin!

nakakabakla man yung salita, pero- eto ba yung sinasabi nilang AWKWARD?! tss. kabaklaan!

humarap ako sa kanya. nakatitig lang ako.

"su-stupid?" takte! kinakabahan talaga ako!

"hmm?"

"g-galit ka pa ba?" bobo ka kenshin?! alangan galit pa yan! hindi ka pa nga nagsosorry eh!

"b-bakit mo naman natanong yan?" tinititigan ko parin sya. maganda nga naman sya. menopause nga lang minsan. ayy! lagi pala. tinignan ko sya mulo mata hanggang labi. pssh! kala nya naaakit ako sa labi nya? letche talaga! teka? bakit nga ba ako nagagalit?

"ka-kasi ga-galit ka sakin diba?"  nauutal na naman ako! nakabuhol ba yung dila ko? takte!

"bakit naman ako magagalit sayo?" maypagka-tanga din to minsan! minsan ansarap batukan nito eh. pwede ba? one time lang.

"Aish! Stupid ka talaga kahit kailan! hindi mo ba ako nage-gets?"

"Nage-gets!" eh yun naman pala eh!!

"may sasabihin ako sayo." nakatitig lang ako sa kanya. natural ba tong labi nito? ampula! parang naglipstick. sa bagay hindi nga marunong magmake-up to eh! simple.. hinihintay ko lang ang susunod nyang sasabihin. pero magsosorry nako.

"Sorry." nagulat naman ako kasi sabay kaming nagsalita. amp! ang init ng pisnge ko! aaminin ko!

"bakit ka nagsosorry?" tanong nya.

"k-kasi sa- sa ano, nangyari kahapon." hindi na tuloy ako makapgsalita ng maayos.

Dugdug Dugdug..

isama mo pa tong abnormal na puso!

"ok lang, sorry din." sabi nya.

"b-bakit?" tanong ko.

"k-kasi p-pinagsalitaan kita ng m-masama! sa totoo lang hindi naman talaga yun yung gusto kong mangyari! hinhila nyo lang yung kamay ko at nag-aaway pa kayo sa magkabilang tenga ko eh. pero sor--" hindi ko pinapansin lahat ng sinabi nya.

pero nagulat nalang din ako ng magawa kong hilahin at,

halikan ang stupid nato..

Dugdug Dugdug Dugdug...

This time, hindi ko muna ipagkakailang tumitibok ang puso ko sa babaeng hinahalikan ko..

itutuloy!

--------------

A/N:

Hello silent readers! kung may readers pa ba ako! ang sipag ko ng gumawa! joke :D wala eh! eto na lang nagagawa ko! namimiss ko na nga pala yung mga kaibigan ko! kumakaway ako pag nabasa nyo to! yung mga Reverof dyan! ahaha! yun lang! thank you nga po pala sa pagbabasa! bigyan ng pangalan ang couple na kenshin and althea! Isip naman po kayo! comment comment din :)) that's all, thank you ;)

~asha<3

When i met this bad boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon