Chapter 5: The Heartbreaking Flashbacks

3.9K 26 4
                                        

Georgina's POV..

Hindi ako dapat maapektuhan ng ganito.

Bakit ba lagi na lang akong nasasaktan?

Akala ko nakpagmove on na aka okay Jean, hindi pa pala.

Tapos ngayon kay Ken naman, parang bumabalik na naman ang mga mapapait na alaala ng kahapon.

Yung panahong hindi niya ako magawang ipaglaban at basta na lang iwan.

To think nah also wala pa mang isang buwan ang nakalilipas ay may kapalit na ako.

And her thoughts brought her back in the time when she thought her life would end….

Flashback..

“George, we have to end this..” sabi ni Ken sa kabilang linya.

“Huh? End? End what?” naguguluhang tanong ni George.

“We have to end this kind of relationship we have George, di ko talaga kaya.

Sorry,” sagot nito. “Why Ken?  

Am I suffocating you?

Ken, please, don’t give up too soon. Please, don’t,” pagmamakaawa niya.

“George, ayaw na rin kitang saktan.

Na-realize kong hindi pa talaga ako handing makipag-commit sa isang relasyon.

Naaawa na rin ako sayo.

You deserve someone better.

Someone who could commit his self to you, ” paliwanag nito.

“Tell me, ano pa bang kailangan kong gawin?

Pumayag na ako sa ganitong klaseng relasyong meron tayo.

Kahit masakit sa part ko, tinanggap ko pa rin. Ano pa bang kulang?

Ano ba kasing problema?

Bakit ba takot na takot ka sa commitment Ken?!” hagulgol niya.

“George, ayokong masaktan ulit.

You know why, right? It has something to do with my childhood years,” sabi nito.

“Ako ba Ken, ano ba sa tingin mo ang nararamdaman ko ngayon?

Hindi ba ako nasasaktan ha?!

Masakit na nga yung katotohanang ayaw mo ng commitment pero mas masakit yung ginagawa mo ngayon!” galit na niyang sagot.

“George, I’m really sorry.

We have to end this habang maaga pa.

Lalo lang nating masasaktan ang isa’t-isa kung patatagalin pa natin ito.

I love you George, but I can’t give what you want.

Sorry,” sabi nito.

“You know what, I don’t think that you really love me.

Kasi kung mahal mo talaga ako, kaya mong labanan kung anuman ang pumipigil sa ‘yo para makipag-commit sa akin!

But I think you’re right, we have to end this.

Salamat na lang Ken, salamat sa halong dalawang taong no-strings-attached na relasyon,” sabi niya.

“George…” putol na sabi nito.

“Don’t apologize again.

Enough, okay?

You said your line, I got the message.

What we have right now just ended. I give up Ken, ginawa ko na lahat para maging official tayo pero wala talaga.

Bye,” pamamaalam niya.

Halos isang taon din siyang nagluluksa este di makapagmo-move on sa hiwalayan nila ni Ken. Hiwalayan nga ba yun, e hindi naman sila official e.

Dalawang taon silang ganoon, walang commitment pero they don’t date someone else.

Kumbaga, exclusive lang sila sa isa’t-isa.

Sila na parang hindi, pero hindi sila pero parang sila.

Ang gulo. M.U.MAGULONG USAPAN, MALANDING USAPAN, MUTUAL UNDERSTANDING.

Basta, yun ang right term para sa kung anong meron sila, M.U.

Halos isang buwan pa lamang ang nakakalipas ay nabalitaan na lamang ni George na may girlfriend na si Ken.

Ka-batch lang nila, Fine Arts major.

Maganda, sexy at talented daw.

Balita pa nga niya ay contestant din daw ito sa pageant this year.

Kasali din siya, siya ang candidate ng department nila.

Architecture student si George, scholar at president’s lister pa.

Takang-takang siya kung bakit agad nakapag move on si Ken, samantalang siya ay inabot ng isang taon upang makalimot at makapagpatawad.

Ganun ba kadali para sa isang lalaki na magmove on?

At bakit parang napaka-walang halaga naman niya sa buhay ni Ken para malimot siya nito ng ganun kabilis.

Ang bilis pa ng pagpapalit, halos isang buwan after na tawagan siya nito para makapaghiwalay. Yet there she was, trying to cope with the loss even though a year had past.

END OF CHAPTER FIVE.

*Guys, nagustuhan niyo ba? So, ano masasabi niyo kay Ken? Good boy pa ba impression niya sa inyo?

Just Love Me Again  ~HyunZy StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon