"Tunay na Kaibigan"

6.8K 5 3
                                    


Di ko man inaasahang maging magkaibigan tayo
Ngunit naging magaan na agad ang loob ko sa'yo
Kahit sa una'y hindi tayo nag-uusap masyado
Alam kong may nakatagong kakaiba sa 'yong puso.

Kahit sa unang araw palang ng pagkikita natin
Alam kong magka tunog ang pintig ng ating mga damdamin
Hindi na ako nagdalawang isip na ika'y kausapin
Sapagkat sigurado akong masaya kang kapiling.

Hindi nga ako nagkamali
Dahil ako'y napaibig sa simple mong mga ngiti
Mga masasayang ala-ala natin sa puso ko'y manatili
Isa kang tunay na kaibigan at hindi makasarili.

Sa tagal ng ating pinagsamahan
Maraming bagay ang hinding hindi ko malilimutan
Sabay man tayong tumawa't umiyak sa kalungkutan at kasiyahan
Sabay pa rin nating gunitain ang mga ala-ala ng nakaraan.

Biruin mo, sa daming nangyayari sa bawat isa sa atin
Ito tayo bumabangon at magkasama pa rin
Mas lumalim pa nga ang pagkakaibigan natin
Kasing lalim ng balon na di kayang sisirin.

Naalala mo noong pareho tayong nasaktan
Sa tabing dagat sabay tayong nag-iyakan
Kasabay ng hampas ng mga alon sa dalampasigan
Hiling natin na sana'y sakit sa ating mga puso'y mabawasan.

Kung saan ka man dalhin ng agos ng panahon
Alam kong hindi ka pababayaan ng ating mahal na Panginoon
Maging malakas ka at sarili mo'y iyong pagtibayin
Sa isang umaga may naghihintay sa iyong paggising.

Sister, maraming salamat sa pagkakaibigan
Isa ka sa mga dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban
Kahit sa hirap ng aking pinagdaanan
Nariyan ka pa rin patuloy na sumuporta at hindi ako iniwan kailanman.

Mahal kita, mahal ka namin
Ang iyong kabutihan ay manatiling nakaukit sa aming damdamin
Pintig ng iyong puso ay dapat mong sundin
Balang araw magtagpo muli ang mga landas natin at mga ala-ala'y muling sariwain.

- This Poem is dedicated to Ate Lizel, who is a dear friend to me. A loving friend, sister, mother and a wife. I am forever thankful and will always be for being part of her life. Best of luck to her new journey. :)

- October 11, 2017

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon