39 | Panyo

1.8K 11 0
                                    

Panyo
By: Caitlin

Panyo
Para sa mga luha
Kelan nga ba maglalaho,
Mga sakit na naidulot mo?

Panyo
Panyo na ikaw mismo ang nagbigay
Sabi mo pa nga'y
"Pupunasan ko ang iyong mga luha."

Bakit mo sinabi iyon?

Alam mo bang ikaw din ang nagdulot ng luhang ito?
Buti pa ang panyo,
Inaalis ang kalungkutang tumutulo.

Panyo
Pang-punas ng pawis dulot ng pagkapagod
Pupunasan mo lang ang pawis
Pero wag kang tuluyang mapagod sa laban

Panyo
Pang alis ng dumi
Pangsukob sa ulan
Pang takip kapag ika'y naaarawan

Buti pa ang panyo
Tinatanggal ang lahat ng sakit
Buti pa ang panyo
Hindi katulad mo

Pinoprotektahan ang puso
Pinupunasan ang luha,
Sinasakloban ang galit
Tinatakpan ang hinanakit

Mapupunasan mo pa din ba?
Ang luha na ikaw ang nagdala?
Ang sakit na dahil sa iyong galit?
Ang mga malulungkot na mata ng dahil sa iyong pananalita?

-

SORRY MEDYO PANGIT 😓

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon