Chapter 15

88 2 0
                                    

Althea's POV

Tahimik.

Pinalilibutan ng mga puno at damo.

Rinig na rinig ko ang bawat hikbi ng mga pamilyar na tao.

Pati rin pala ako umiiyak na.

Napatingin ako sa lapida na nasa harap ko.

"Girl! Anong nangyayari sayo?!"

Nagising ako sa pagsigaw ni michelle. Panaginip lang pala. Pero ano ibig sabihin nun? Natatakot ako.

"Bakit ka umiiyak?"

Napahawak ako sa pisngi ko. Oo nga, may luha.

"Bad dream lang chelle."

Sana talaga bad dream lang. Sana walang ibig sabihin yung panaginip na to.

"Bakit ano ba yung napaginipan mo?"

Natahimik ako sandali. Pero sinabi ko na rin sakanya.

"Hay nako, wala lang yan. Ay speaking of john, uuwi daw siya next month ah. Dito daw sila magcecelebrate ng christmas."

"May feeling talaga ako na may mali e. Bakit pa siya uuwi dito?"

"Na miss daw niya yung pinas e. Kung iniisip mo yang tungkol sa panaginip mo, malay mo kabaliktaran pala. Kung sa panaginip mo nang iwan siya, sa reality naman babalik siya."

Bakit iba dating sakin nung nalaman ko na babalik siya? Halos sabay kasi sila ng pag alis ni dave ng bansa. Yun nga lang, siya sa new york. Pagkatapos ng graduation namin, kinabukasan umalis na siya agad. Hindi ko alam kung magbabakasyon lang ba dito o dito na ulit sila titira. Ano ba tong naiisip ko. Matagal na yung samin ni john. Oo, pangalan ni john yung nakita ko sa lapida. Siguro nadadala lang ako ng panaginip ko. Kaya pati isip ko, nadadala na din.

"Hoy lalim ng iniisip mo ah. Don't tell me may something ka parin kay john? Nako kaka anniversary niyo lang ni dave last week."

Hindi ko na lang pinansin si chelle. Magulo talaga isip ko. Sobrang gulo. Ano nanaman kaya trip nung mga insekto sa tyan ko? Gumugulo nanaman.

"Baka gusto mo sagutin yung phone mo. Kanina ka pa nag oover think dyan."

Napatingin naman ako sa phone ko. Tumatawag si dave.

"Hello?"

("What time last class mo? Sunduin ko kayo ni chelle.")

"Mamayang 3pm. Hindi ka ba busy? Akala ko ba mag eenroll ka na dito?"

("May inaayos lang ako. Text na lang kita pag nandyan na ko.")

"Okay. Ingat."

("Bye. I love you.")

"I love you too."

Pagkababa ko ng phone, ang sama ng tingin sakin ni chelle. Problema naman ng isang to?

"Sana lang totoo pa din yang i love you too mo ha?"

"Sira ka ba? O talagang may sira ka?"

"Sabi ko nga meron e. Oh ano sabi ni papa dave?"

"Susunduin niya daw tayo."

"Bakit daw? Makikikain nanaman ba kami sainyo?"

"Whats new."

Pumunta na kami ni chelle sa next class namin. Halos parehas kasi kami ng schedule, yun nga lang magkalayo ng mga building. Pagkapasok ko sa room, halos lahat sila busy sa pagchichismisan.

Right Here WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon