TEASER

12.5K 212 10
                                                  


Diskarte queen, street thug, palaban at mapagmahal sa pamilya. Ilan lamang iyan sa katangian ni Ysabela Manayon o mas kilala sa bansag na Esang ng Tondo. Lahat ay nakahanda niyang gawin para sa ina at dalawang kapatid. Bunsod ng kahirapan, pangarap ni Esang na maiaahon niya ang pamilya sa hirap at maibigay sa mga ito ang maginhawang buhay.

Hanggang sa makilala niya si David Ferrer: gwapo, refined, simpatiko at mayaman. Hindi lang iyon, ito rin ang binatilyong iniligtas ni Esang siyam na taon na ang nakararaan nang kamuntikan na itong mapatay sa Tondo. Sa muling pagku-krus ng kanilang mga landas, inalok siya ng binata ng isang special mission kapalit ng tulong nito sa kanyang ina na kailangang sumailalim sa isang operasyon.

Well, simple lang naman ang task na pinapagawa ni David-samahan itong umuwi ng Vigan at magpanggap na girlfriend nito dahil naghahabol pa rin ang lalaki sa ex-girlfriend nitong ikakasal na. Ngunit paano niya magagawa iyon gayong siya man ay umiibig na sa binata? 

Hay, may pag-asa pa kayang mahalin ng isang lalaking mula New York ang babaeng laking Tondo?

David of New York Meets Esang ng TondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon