Chapter-1 (BAR)

1.6K 65 9
                                    

"SAMANTHA LIM!!!!!!" hala naririnig ko na ang boses ni tita dito sa labas, kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ay agad ako tinanong ni tita.

"Oh bakit kananaman late ha?!!" pasigaw na tanong ni tita saakin.

Bago ako mag salita ay huminga muna ako ng malalim at saka ako nag umpisa mag salita at nag isip ng magandang dahilan kung bakit ako na late.

"Ah....eh ano po kasi may tinapos papo ako sa school"

Muntikan na ako mautal sa sasabihin ko buti nalang at na ituloy ko hay nako.

"Tsk may tinatapos!, Dahilan mo. Mag palit ka na nga ng uniform mo marami tayong customer sa taas at kanina panila hinahanap ikaw kaya yung iba mga waitress at waiters ginagawa yung kanilang makakaya para hindi mabarino ang mga customer" utos ni tita sa akin kaya agad ako nag palit ng damit.

hep. hep. saglit lang magpapakilala muna ako, ako nga pala si samantha lim namamasukan ako kay tita bilang isang singer oo singer ako at ang alam nila na ang pangalan ko ay Z dito sa bar ni tita at minsan isa ako waitress.

tapos na ako mag palit kaya lalabas na ako at pupunta sa taas ng bigla akong pigilan ni tita.

"hep... hep... hep..."

"Ano ho iyon tita?" Tanong ko kay tita.

"Yung maskara mo makakalimutan mo" sabi ni tita at inabot sa akin ang maskara ko.

"Ay buti tita pinaalala po ninyo"

"Oh sige tumaas kana ha at magpakasaya ka lang" Nakangiting sabi ni tita sa akin.

"Opo tita" pag kasabi ko ng opo ay saka ko sinuot ang maskara ko at tumaas na.

Pag kataas ko ay nasa back stage ako ah oo nga pala dalawa kasi yung hagdanan isa para sa costumer at isa para sa mga nag tratrabaho dito kaya eto yung sa mga nag tratrabaho.

"Oh Z buti nandiyan kana hinahanap ka ng mga costumer natin. ready kana ba?" Tanong ng isang magtratrabaho ni tita sa akin.

"Ah oo reading ready na ako" Sagot ko sa kanya.

pag kasabi ko noon ay ang pag akyat ko sa unahan mga tili ng tao ang sumalubong sa akin.

"WOOOOO Z......Z......Z.....Z.....Z.....Z!!!!!" sigaw ng mga tao sa akin.

Kay ganda pag masdan ang mga tao na nakangiti.

Hinintay ko na tumunog ang kakantahin ko at saka ako nag umpisa.

-----

Pag katapos ko kumanta ay bumaba na ako para mag paalam kay tita. gabi na din kasi 7:30 pm na paano naman kasi hirit kasi sila ng hirit ng isapa z isapa. So mabait ako kaya pinag bigyan ko sila.

"tita -" mag sasalita na sana ako ng bigla sumulpot si mika na kakababa lang galing sa back stage at nag salita siya.

"Tita bakit po hindi nag trabaho si sam?" tanong ni mika kay tita.

hala ko po buti hindi pa ako nag papalit.

"Ah may sakit daw kasi" mahinahong sabi ni tita.

iba talaga si tita hindi talaga ito na bubuking eh.

"Ah ganon po ba"

"Bakit mo naman na itanong mika?" tanong ni tita.

"Ah duon po kasi sa dressing room nakita ko po kasi yung mga gamit niya kaya nag taka po ako kung bakit wala po siya" Hala sh*t naka limutan ko sa kwarto dapat ni tita ako mag bibihis, putek talaga ano to mabubuking na ba ako?????.

Story ni Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon