Chapter 51: Past

48.9K 410 33
                                    

Short update? Pasensya. Panget kasi ng episode ngayon eh. Kalerqui. 

Si Gino tumulong tas si Jao ung napasalamatan? LABO MEHN. >__<

 

Guys, favor. Bwahahaha.

Follow me on twitter:  http://twitter.com/#!/foreveeerbatman

Follow me on tumblr: http://foreveeerbatman.tumblr.com



---------------------------------

Gino's POV

RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING


Nagising ako dahil sa lakas ng tunog ng cellphone ni Mikay. May tumatawag sakanya. Kinuha ko at tinignan, 

Unknown.

Dahil unknown naman, sinagot ko na.

"Uhm. M? Ikaw ba yan? Sorry kung ang aga ko tumawag huh? Gusto ko lang sana makipagkita.. para makapag-usap naman tayo at catch up na din. Itetex na lang kita kung saan. Sana pumunta ka."

Nanahimik lang ako at maya-maya binaba ko na. Alam kong si Christian yun.  At pano naman nya nakuha ang number ng asawa ko? Psh. 

Seloso na kung seloso pero, tama bang utusan nya si Mikay na pumunta kung san man sila magkikita. Psh. Tsaka, may asawa na ung tao, ok fine, may fiancee na. AAH! SHIT! 

Dahil galit ako, naghilamos na ko at dumerecho sa baba. 

"Daddy.. good morning! Daddy, where's-- san si Mommy?" bungad agad sakin ni Mikki.

"Good morning baby.." sabi ko sabay kiss sakanya.

"Nasa taas mommy mo." cold kong sagot. 

"She's still tulog?" 

"Yes baby.." umupo si Mikki sa tabi ko.

"Manang, kape nga po tsaka ung gatas po ni Mikki. Paluto na din po ng pagkain." nagnod lang si Manang.

"Daddy, hindi ba natin hihintayin si Mommy?" sabi nya habang hinihila ung kamay ko.

Hala Ka!? (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon