Chapter Ten

22.6K 620 72
                                        

HINIHINGAL pa si Woody nang sa wakas ay makarating siya sa coffee shop kung nasaan si Jena. Agad na inilibot niya ang paningin sa paligid. Huminto yata ang tibok ng puso niya nang makita sa bandang dulong bahagi ng shop si Jena kasama ang isang lalaki at masayang nagtatawanan. Pagkuwa'y nakita niyang sumimsim ng kape si Jena. Napakuyom ang kamao niya nang dumukwang ang kamay ng lalaki sa mukha nito at punasan ang kung anong nasa gilid ng labi ni Jena. Nang ngumiti na tila nahihiya ito sa lalaki ay nagdilim ang paningin niya.

Malalaki ang hakbang na lumapit siya sa mga ito. Kung kailan nakatayo na siya sa tapat ng mga ito ay noon lang siya tila nakita ng mga ito. Bumakas ang pagkagulat sa mukha ni Jena nang makita siya. "Anong ginagawa mo rito sa oras ng trabaho?" malamig na tanong niya rito.

Napaawang ang mga labi nito. Bumakas ang guilt sa mukha nito habang nakatingin sa kaniya. Tinitigan niya ito. Alam niya na sa totoo lang ay wala siyang karapatang magpakita ng ganoong emosyon sa harap nito. Nangako siya na hindi niya ito mamadaliin. Pero akala niya okay na sila. He thought she already loves him as much as he loves her. Akala niya sapat nang naging honest siya at ipinakita rito kung gaano ito kaimportante sa kaniya para matutunan din siya nitong mahalin. Ni kahit kailan nga ay hindi niya ginawa ang mga bagay na ginawa niya para dito sa kahit kanino noon. But here she was happily dating another man. Para siya nitong sinaksak sa dibdib.

Bago pa ito makahuma ay nauna nang magsalita ang lalaking kasama nito. "Pare, sino ka ba? W –

"Shut up!" malakas na asik niya rito. Nakita niyang natilihan ito pero muli niyang binaling ang tingin kay Jena. "Let's go," utos niya rito. Nang hindi ito humuma ay hinawakan na niya ito sa braso at pinilit itinayo.

"Teka ano bang nangyayari sa iyo?" sa wakas ay usal nito.

Hindi siya nagsalita at magsisimula nang lumakad nang marahas na hatakin ng lalaki si Jena palayo sa kaniya. "Saan mo siya dadalhin? I am her date," madilim na rin ang mukhang sabi nito.

Sa sinabi nito ay lalo siyang nagngitngit. Tingnan pa lang niya ang mukha nito na alam niyang walang kapintas pintas ay nanginginig na ang kalamnan niya sa panibugho. Bago pa niya napigilan ay kusa nang umunday ang kamay niya sa mukha nito. Bumalandra ito sa sahig.

NAPATILI si Jena nang biglang suntukin ni Woody si Michael. Marahas niya itong nilingon. "What are you doing?!" manghang asik niya rito. Pinagtitinginan na sila ng mga tao roon. Bigla na lamang itong sumulpot doon na tila handang pumatay ng tao. Oo at guilty siya na wala siya sa opisina sa oras ng trabaho pero sana man lang ay nagtanong ito ng maayos at hindi ganoong gumagawa ito ng eskandalo.

Hindi ito nagsalita at tumitig lamang sa kaniya na may kislap ng hinanakit sa mga mata. For a moment ay nakaramdam siya ng kirot sa dibdib niya at parang nais niyang haplusin ang mukha nito upang mawala ang sakit na iyon sa mga mata nito. Ngunit mali pa rin ang ginawa nito at gusto niyang malaman nito iyon.

Inalis niya ang tingin dito at bumaling kay Michael. Agad na dinaluhan niya ito. "Michael ayos ka lang?" nag-aalalang tanong niya. Napasinghap siya nang makitang may bahid ng dugo ang gilid ng labi nito.

"Just who is he? Ang sakit ah," galit na ring sabi nito.

"I'm sorry. Mahirap i-explain. I'm really sorry," hinging paumanhin niya rito.

"Get up Jena," untag ni Woody sa malamig pa ring tinig. Ni walang bahid ng pagsisisi sa tinig nito. Huminga siya ng malalim at inalalayang tumayo si Michael. "Michael, sorry talaga. We'll talk again when you come back okay? Kakausapin ko muna itong lalaking ito," aniya kay Michael. Kahit bakas ang inis sa mukha nito ay marahan itong tumango.

Bahagya niya itong nginitian bago muling huminga ng malalim at hinarap si Woody. Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Halika nga," malamig na sabi niya rito at nagpatiunang lumabas ng coffee shop. Nararamdaman niya ang pagsunod nito sa kaniya.

KISSING A STRANGERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon