Chapter Four

6.1K 171 3
                                    

CHAPTER FOUR
Soul mate Daw

"H-Hi Brian. Hehe." nakangiti kong sabi. Kumaway pa ako nang kaunti. Para ngang naging fail, eh. Nako!

"Manonood ka rin pala. Class requirement?"

"Ah, o-oo. Hehe. Sa inyo rin ba?" tanong ko nang medyo nahihiya.

Natawa siya nang mahina, "Yes. Ang tagal namang magsimula. Kanina pa ba kayo dito?"

Patago kong pinisil ang sarili ko. I just can't believe Brian Salazar is talking to me!

"Tell me about it. Halos isang oras na kaming naghihintay dito."

Unti unti ay nagiging kumportable na ako sa pakikipagusap sa kanya. Ang friendly kasi niya. Lalong nakaka-in love!

"Magsisimula na yata."

May umakyat sa professor sa stage at dumiretso sa Podium. Nag-Prayer at National Anthem muna bago nag-opening remarks ang vice president ng Arts and Cultural affairs ng university.

Nagsimula na ang performances. Sa kalagitnaan nito ay nakaramdam ako ng pag-ihi. Ang lamig lamig ba naman kasi! Napagkataunan pang medyo manipis ang tshirt na soot ko ngayon.

"Pare kailangan ko yatang mag-restroom." Narinig kong sabi ni Brian.

Kung wala lang si Ran sa tabi ko ay kanina pa ako naka-dreamily smile rito. Ano ba, meant to be ba talaga kami ni Brian, or what?

Kung si Ran siguro ang tatanungin ko ay or what ang isasagot nito. And Yas? Yeah, can't ask her that.

"Sa dami ng nakatayo sa left and right aisle tingin mo ba makakasingit ka?" Narinig kong tanong ni Jeremy.

Tinignan ko ang auditorium. Oo nga, ang daming estudyanteng nakaupo sa daanan. The way is basically clogged. Pero ihing ihi na kasi ako kanina pa!

Siniko ko si Ran, "Hindi ko na kaya, rest room lang ako."

Agad akong tumayo at nagsabi ng sandamakmak na Excuse Me Po, Sorry, Peace. Hay.

Sa wakas! My groin is at peace. Buti na lang at wala masyadong tao sa rest room. Pagkabalik ko sa may pintuan ng audi ay nagulantang ako.

"Hindi naman yata ganito karami ang tao kanina ah?" Bulong ko sa sarili.

Narinig kong may tumawa sa tabi ko, "Adrenaline rush lang siguro yung kanina kaya ka nakalabas kaagad."

Oo nga pala, naiihi rin siya kanina.

"B-Brian."

Umiling-iling siya habang natatawa, "Are you stalking me?"

Nanliit ang mata ko, "Stalking you?" Ngayon ay napataas naman ang kilay ko. Sorry, crush, pero kailangan ko munang magpakipot ngayon. Baka mahalata mo kasi ako. "Ako nga ang naunang lumabas para umihi tapos I am stalking you? Hah. You're wrong, Mr. Salazar. Very wrong."

Tumawa siya, "Oh easy ka lang, Natalie. I was just joking."

Napangiti ako nang pilit. Kahit kailan talaga eh nakakahiya ako sa harap niya.

Hindi ko alam kung paano na ako makakabalik sa kinauupuan ko kanina. Napabuntong hininga ako.

"Dito na lang tayo manood. There's no way for us. We don't really have a choice."

So, Brian, it's like a date?

I giggled at my own thought.

"Tama. We don't really have a choice."

The Exes Club (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon