Chapter Eight

12.9K 370 13
                                        

NAGISING si Jena sa masarap na pakiramdam ng pagkakasubsob sa mainit na bagay. Napabuntong hininga siya at wala pa sanang balak bumangon nang maramdaman niya ang banayad na paghinga at pagtibok ng puso ng kinasusubsuban niya. Napadilat siya at napaangat ng tingin. Tuluyan na siyang nagising nang makita ang natutulog na mukha ni Woody.

Ilang pulgada lamang ang layo ng mukha nito sa kaniya. Sa distansyang iyon ay lalo niyang napagtanto kung gaano kaamo ang mukha nito. Ang pilik mata nito ay mas mahaba pa sa pilikmata niya, matangos ang ilong nito at makurba ang mga labi na mamula-mula pa. Malambot ang features ng mukha nito na pinagaspang ng four o'clock shadow sa panga nito.

Ang init ng hininga nito ay tumatama sa mukha niya at nagdudulot ng kakaibang init sa dibdib niya. Mukha itong mabait kapag tulog ito at wala ang mapangasar na kislap sa mga mata nito. Parang natutukso siyang haplusin iyon at pupugin ng halik.

Napaigtad siya mula sa pagtitig sa mukha nito nang bigla itong kumilos. Akala niya ay gising na ito pero himbis na dumilat ay humigpit pa ang yakap nito sa kaniya at isinubsob ang mukha sa leeg niya, pagkuwa'y naramdaman niya ang pagbuntong hininga nito.

Nahigit niya ang paghinga. Pinilit niyang huminga ng malalim upang pawiin ang pagwawala ng puso niya. Pagkuwa'y maingat siyang kumalas dito dahil baka atakehin siya sa puso kapag nanatili pa siya sa mga bisig nito.

Nang sa wakas ay nakawala siya rito at bumangon na siya. Nakahinga siya ng maluwag at muling sumulyap rito. Masarap pa rin ang tulog nito. Matakaw talaga sa tulog ang lalaking ito. Hindi niya napigilang mapangiti. Kahit noong una silang matulog sa isang silid ay hirap na hirap siyang gisingin ito. Bigla ay sumagi sa isip niya ang nangyari sa hotel room nito. Agad na iniwas niya ang tingin dito dahil biglang nag-init ang mukha niya.

Naiiling na tumingin siya sa wristwatch niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang alas otso na ng umaga! Alas nuwebe ang umpisa ng conference na pupuntahan nila sa araw na iyon!

Mabilis siyang bumaling kay Woody at niyugyog ito. "Woody, gising na malelate tayo sa conference!" malakas na gising niya rito. Nang hindi ito dumilat ay lalo pa siyang lumapit dito at nilakasan ang pagyugyog dito. "Huy, Woody!"

Umungol ito at bahagyang dumilat. Nakahinga siya ng maluwag at akmang lalayo na rito nang bigla nitong hawakan ang braso niya. Kumabog ang dibdib niya. "Jena," tawag nito sa kaniya.

"B-bakit?" alanganing tanong niya.

Kumurap ito at nagbuga ng hangin na tila narelieve. "It was dream," usal nito na tila sarili lamang ang kausap.

Napakunot ang noo niya. "Ang alin?"

Bahagya itong ngumiti at umangat ang kamay sa pisngi niya. Nahigit niya ang hininga sa kakaibang pakiramdam na dinudulot ng magaan na haplos nito. "Naririnig kong ginigising mo ako, pero nang magising ako wala ka na. Mabuti na lang panaginip lang. I thought I will lose sight of you again like the first time we met," sabi nito. Napamaang siya rito. "Ikaw kasi, bigla kang nawala noon. Hindi mo alam kung gaano ako hindi natahimik tuwing naiisip ko na iyon na ang huling pagkikita natin," sabi nitong may bahid ng panunumbat.

Hindi pa rin siya makapagsalita sa sinasabi nito. Inaantok pa ba ito at bigla bigla itong nagsasalita ng ganoon? Imposible namang gaya niya ay nakaramdam din ito ng panghihinayang noong mga panahong akala niya ay hindi na sila magkikita. Malamang isa na naman iyon sa mga jokes nito.

Pilit siyang tumawa. "Okay, tigilan na natin ang joke malelate na tayo. Bumangon ka na diyan," aniya rito at binawi ang braso niya rito pero hindi siya nito binitawan.

"I'm not joking Jena," seryosong sabi nito.

Muli ay napatitig siya rito. Her heart starts to beat rapidly again. "Woody, if this is one of your childish games again I'm not buying it okay? Malelate na nga tayo," aniya rito.

KISSING A STRANGERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon