Chapter 5

7.6K 191 4
                                    


Nakangiting sumandal si Dana sa isa sa mga puno malapit sa pamosong Ilog Fria. Mahigit apat na oras na silang naglilibot ni Flynn sa farm ngunit ayon dito wala pa sa ikatlong bahagi niyon ang nalilibot nila.

At iyon ay kahit nakasakay na sila sa dinala nitong ATV.

Pupwede nga din sana ang Hummer na sinakyan nila ni Irvine patungo sa kwadra pero sabi ni Flynn, hindi nila mapapasok ang mga makikipot na daanan sa ibang parte ng farm kung iyon ang

gagamitin nila.

"Wow! This must be what paradise looks like!" sambit niya habang inililibot ang paningin sa paligid.

Her artist's heart was brimming with delight at everything she had seen.

Binusog niya ang mga mata niya sa laksa-laksang bakang nanginginain sa grazing area, mga baboy sa piggery, mga tandang, inahin at sisiw sa poultry farm pati na sa hile-hilera ng mga puno ng mangga, saging, durian, calamansi, rambutan, niyog, langka, bayabas, santol at iba pang prutas.

Mayroon pa daw taniman ng kape sa silangang bahagi ng farm at mga puno ng kawayan at mahogany sa timog na parte. Mayroon din daw lagoon at ilang creeks doon. Pero ang gusto niyang makita ay ang Ilog Fria na ayon kay Shebbah ay siyang kilalang tagpuan ng mga magsing-irog sa buong isla.

Nakangiting ibinaba ni Flynn mula sa ATV ang basket na pinaglagyan nila ng mga pinitas nilang hinog na mangga at kaimito kaninang dumaan sila sa plantasyon.

"You're the easiest person to please. Kahit sa piraso lang ng kawayan, natutuwa ka na. You're like a child who has not yet been disillusioned by life. Kaya lahat ng nakikita mo parang bago at nakakatuwa lagi,'' komento nito na bahagyang napailing-iling pa.

Inilapag nito sa tabi niya ang basket saka naupo sa

malaking ugat ng punong sinasandalan niya. Naupo din siya sa tabi nito. Ikinawit niya sa pinagdikit na tuhod ang mga kamay at

minasdan ito. Kakaiba ang tono nito. Tila ba hati ang kalooban

nito sa pagitan ng pagkamangha at pagka-dismaya sa natuklasan sa kanya. There was such a deep cynicism in his dark gray eyes that should not even be there yet.

Dahil sa kwento nito mismo ay treinta y uno pa lang ito. Masyado pang bata para mawalan ng tiwala sa mundo. But then again, he used to be a cop. Kaya marahil isa iyon sa mga dahilan kung bakit ganito na ito ka-jaded.

''Is it a bad thing?" untag niya dito.

Kumuha ito ng isang mangga mula sa basket, inilabas ang maliit na balisong mula sa bulsa nito at sinimulang hiwain ang prutas.

"For other people who wants to use and abuse you? No. Dahil madali para sa kanilang samantalahin ka. But for you? Yes. Because you're bound to get hurt one of these days. I just hope nothing bad ever happens to make you lose that idealism. There's way too much cynical bastards like me roaming this earth," anito.

Iniabot nito sa kanya ang hiniwang pisngi ng mangga.

"Oh! Thank you!" aniya.

Bahagyang napayuko siya habang kinakain ang matamis na prutas. Nagtatalo ang kalooban niya kung dapat ba niyang sabihin dito kung paano namatay ang mga magulang niya. Masyado nang huli para matupad pa ang kahilingan nitong walang masamang bagay na mangyari sa buhay niya.

Dahil nanngyari na iyon nang paslangin sa mismong harapan niya ang mga magulang niya ng mga taong kinupkop at

itinuring ng pamilya niyang mga kapamilya din. But though she

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ASERON LOVERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon