[3] ♕ 10 Rules

2.7K 75 6

Hana's POV

Nakauwi din kami pagkatapos namin manood. Hanggang ngayon kinikilig parin ako. Kasi naman! Kkkkyyyyaaaahhhhh. Basta...

“Hoy! Nasiraan kana ba? Bakit ka ba kasi naka-ngiti?

“Panira ka ng moment alam mo yun. Nakita mo nang kinikilig yung tao. Istorbo!”

Nag-walk out na ako. Kaasar siya. Panira siya ng moment. Papasok na sana ako ng banyo pero may kumatok.

*tok tok tok*

“Bakit?!” irita kong sabi. Malagkit kasi talaga balat ko. Kaya gusto ko nang maligo muna.

“Lumabas ka dyan may pag-uusapan tayo!” napailang nalang ako sa sinabi ng mahal kong asawa. Pambihira talaga! Parang di ako magtatagal na kasama siya.

“Lalabas ako, wag kang mag-alala!” sabi ko sakanya bago pumasok sa banyo.

Nagsuot lang ako ng damit ng pang-gabi alangan isuot ko yung pang swimming dba?

Nakita ko siyang nanonood ng basketball. Yan yung channel na pinaka-ayaw ko at ayoko rin mag-asawa ng basketball player pero mapaglaro ang tadhana kaya napunta ako sa tarantadong to. Peace.

“Bakit mo ako tinatawag?” sabi ko sakanya at umupo sa sala. Ang bango naman ng niluluto ni Manang. Ang bango talaga!

“Follow me” nagtaka ako sa sinabi niya. I-fo-follow ko siya?

“Ayoko nga! Gusto mo lang siguro dumami Followers mo no?” sabi ko sakanya.

“Ginagago mo ba ako?”

“Matagal ka ng gago”

Tiningnan niya lang ako ng masama. Nag-peace sign nalang ako at ngumiti ng bongga pero syempre fake lang.

Sumunod ako sakanya papuntang garden. Ang ganda pala dito. Di ko kasi malibot ang buong bahay kasi malaki kaya minsan mas ginugusto ko nalang mag-shopping.

“Ano ang gagawin natin dito?” tanong ko sakanya. Pinaupo niya lang ako at binigyan ng papel tsaka ballpen. At umupo na siya, bali kaharap ko siya ngayon.

“So.... Gagawa tayong 10 rules na dapat natin susundin. Kapag may lumabag sa rules nating dalawa may parusa siyang makukuha. Deal?” paliwanag niya.

“Deal”

“Good. Kapag naisulat mo na ang first rule mo dapat may signature ako sa gilid, maliwanag?” tumango nalang ako.

1. No GIRLFRIEND

Pinakita ko sakanya at pinakita niya yung sakanya saakin. Pareho pala kami. Teka! May girlfriend pala to ee!

“Ano okay ba sayo yung first rules ko, kasi yung sayo okay saakin” pang aasar ko sakanya.

“Ibahin mo yung sayo at iibahin ko rin yung saakin para fair”

Ano kaya ang magandang rule?

Isip.

Isip.

Isip.

Alam ko na!

1. Bawal magdala ng babae sa loob ng bahay.

Hanniel pwede bang mamaya na natin ipakita mga rules natin kung tapos na?” tanong ko sakanya.

“Okay para mas maganda” saad nito.

Casanova's  WifeRead this story for FREE!