Chapter Seven

13K 411 11
                                        

TILA isang malakas na bagyo ang dumating sa Valencia Furnitures sa bilis ng mga sumunod na pangyayari. Halos hindi mapaniwalaan ni Jena ang mga rebelasyong nangyari. Ang kaibigan nilang si Lettie ay kumpirmadong buntis. Ngunit ang mas nakakakagulat ay ang nalaman nilang may asawa na pala ito sa katauhan nang walang iba kung hindi ang presidente ng kumpanya nila na si Damon Valencia! Hindi sila makapaniwalang nagawa iyong ilihim sa kanila nang kaibigan. Ngunit nang marinig naman nila ang panig nito ay nagawa naman nilang intindihin ito.

Naging malaking isyu iyon sa buong kumpanya at nagkaroon din nang hindi pagkakaunawaan si Lettie at ang presidente nila. At sa labis na pagkamangha ng buong Valencia Furnitures ay nagpatawag ng emergency conference si Damon. Sa harap nang lahat ng empleyado ay inamin nito ang tunay na sitwasyon nito at ni Lettie, maging ang tunay na nadarama nito para sa kaibigan nila. Parang pelikula ang naging kwento ng mga ito.

Not long after ay ikinasal ang mga ito sa simbahan. Siyempre imbitado sila ni Aya. Kitang-kita nila kung gaano kasaya ang kaibigan nila. Kahit tuloy alam niyang masama ay nakaramdam siya ng inggit dito. Buti pa ito, nahanap na ang significant other nito.

"Few months ago, maniniwala ka ba kapag may nagsabing mauunang mag-asawa sa atin si Lettie? At mauunang magkaanak?" tanong ni Aya habang kumakain sila ng dessert nila sa cafeteria.

Marahas siyang umiling. "Malamang tatawanan ko ng todo ang magsasabi niyon," sagot niya na tinawanan lang ng kaibigan nila na kahit maumbok na ang tiyan ay pinilit pa ring pumasok. Saka na daw ito mag mamaternity leave kapag talagang hindi na nito kaya.

"Makakapag-asawa rin kayo. Sigurado malapit na iyon," sabi nito sa kanila.

Naitirik ni Aya ang mga mata. "Hello, I don't even have a boyfriend."

Siya naman ay nagbuga ng hangin. "And I don't even have time to date anymore! Ang buwisit na boss ko lagi akong pinag-oovertime. Noong nagreklamo ako, sabi ba naman sa akin bakit daw ako nagmamadaling umuwi e wala naman daw naghihintay sa akin sa bahay. Kainis," reklamo niya.

Natigilan siya nang makita niyang naging mataman ang pagtingin sa kaniya ng mga kaibigan niya. Si Lettie ay ngumiti pero hindi nagsalita. Si Aya naman ay nangalumbaba habang nakatingin sa kaniya. "Hay Jena, you can be really, really dense sometimes," anitong ikinakunot ng noo niya.

Bago pa niya ito matanong ay nakarinig na siya ng tinig mula sa kung saan. "I knew you will be here." Mariin siyang napapikit nang makilala ang boses ni Woody. Pagkuwa'y huminga muna siya ng malalim bago ito nilingon. There he was, standing gorgeously at the cafeteria's entrance and oblivious of the admiring looks he gets from all the people there. Nang masalubong niya ang mga mata nito ay bahagyang umangat ang gilid ng mga labi nito. Bahagyang tumalon ang puso niya dahil doon ngunit agad din niya iyong inignora. "Tapos na ang break Jena. I have something to tell you. Follow me," sabi nito at tumalikod.

Napabuga siya ng hangin at tumayo. Bumaling siya sa mga kaibigan niya. "Mauna na ako. Baka magtantrums pa ang bata kapag di ko sinunod," aniyang ikinatawa ng mga kaibigan niya. Nang humarap siya ay nakita niyang biglang huminto si Woody sa paglalakad at humarap sa kaniya.

Napaatras siya nang makitang bahagyang naningkit ang mga mata nito. "I heard that," nagbabantang sabi nito at muli nang tumalikod. Napangiwi siya. Hindi niya gusto ang talas ng pagkakasabi nito niyon. Wala tuloy sa loob na napabilis ang pagsunod niya rito.

"MAG-A-OUT of town tayo. This weekend ang alis natin. May conference na gusto ni Damon na puntahan ko at siyempre isasama kita. Dahil nandoon ang isa sa pagawaan ng Valencia Furnitures, gusto rin ni Damon na i-check natin iyon. Isisingit ko na rin ang isang VIP Client na doon naka-base. We might stay there for two days kaya magempake ka ng gamit mo maliwanag ba?" mahabang paliwanag ni Woody kay Jena nang nasa loob na sila ng opisina nito.

KISSING A STRANGERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon