Chapter Six

13.6K 371 26
                                        

KATULAD noong huling inihatid si Jena ni Woody sa bahay niya ay hindi ito pumayag na hindi siya nito samahan hanggang sa tapat ng pintuan niya. Gusto daw nitong masiguro na nasa loob na siya ng apartment niya bago siya mawala sa paningin nito.

Nabuksan na niya ang pinto nang muli niya itong lingunin upang sana ay magpaalam. Ngunit nang mapatingin siya sa mukha nito ay parang ayaw pa niya itong umalis. "Ahm, gusto mong magkape muna?" naitanong niya bago pa niya napigilan ang sarili.

Matagal itong napatitig sa kaniya na halos lukuban na siya ng hiya bago ito ngumiti. "Sure. Pwede mo na rin bang samahan ng makakain? Ayaw mo kasing mag dinner tayo sa labas eh. Nagugutom na talaga ako," anito sa magaang na tinig.

Napangiti na rin siya. "Okay. Pero sandwich lang ang kaya kong ipakain sa iyo ha?" aniya rito at tuluyan nang pumasok sa loob ng apartment niya. Nilawakan niya ang pagkakabukas ng pinto upang makapasok ito. Binuksan niya ang ilaw at inilapag ang bag niya sa sofa. "Sandali lang at gagawa ako ng sandwich at magtitimpla ng kape," aniya rito. Dumeretso siya sa kusina.

"You have a nice place. Very homey at halatang babae ang nakatira," komento ni Woody na hindi niya namalayang nakasunod pala sa kaniya.

Nilingon niya ito pagkatimpla niya ng kape. Inilapag niya sa lamesa ang tasa. "Siguradong kumpara sa kinalakihan mo at tinitirhan mo ngayon, napakasimple lang nitong bahay ko," aniya rito.

Tumawa ito at umupo sa isang silya doon. "Yes, it is very different. Dahil nasa interior designing ang linya ng mga magulang ko ay mas mukhang show room ang bahay na kinalakihan ko kaysa tirahan. Dapat maingat sa kilos dahil baka may masirang display at furnitures na daang libo at minsan ay milyon pa ang halaga. So, I never felt at home. Hindi gaya dito sa bahay mo na isang tingin pa lang alam ko ng personal na ikaw ang nag-ayos. Halata ring ginagamit ang lahat ng kasangkapan. It has a warm feeling to it," sabi nito.

Tiningala siya nito at ngumiti. "I'm sure you will be a very warm homemaker," dagdag nitong ikinainit ng mukha niya. Alam niya kasing katumbas ng sinabi nito ay magiging mabuti siyang asawa at sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay bigla siyang nahiya.

Tumikhim siya. "I hope so. Ah, ang sandwich mo pala," nasabi niya at mabilis na kumilos upang gawan ito ng makakain.

"Lagi bang sandwich lang ang kinakain mo sa gabi? O nagluluto ka pa pag-uwi mo?" tanong nito nang inihain na niya rito ang gawa niyang sandwich.

Nagkibit balikat siya at umupo sa katapat nitong silya. Nagtimpla na rin siya ng sarili niyang kape. "Kapag maaga akong umuuwi oo. Pero dahil madalas naman akong nasa date after work kaya nakakakain ako sa labas kaya pag-uwi ko matutulog na lang ako," aniya rito sabay higop ng kape.

Nakita niyang natigilan ito at napatitig ito sa kaniya. "You always go on a date?" tanong nito.

"Yes. Blind dates actually. Hindi naman na ako bumabata kaya tingin ko hindi masama kung magbakasakali akong makita ko ang lalaking hinahanap ko ng ganoong paraan. Hindi rin naman ako heroine sa romance novels na kahit hindi naghahanap ay bigla na lamang nakikilala ang lalaking para sa kaniya in the most extraordinary way. Kaya ako na ang humahanap sa kaniya," aniya rito.Naging kumportable na siya magsalita sa harap nito. Bigla pakiramdam niya ay bumalik sila sa panahong nag-uusap sila sa loob ng hotel room nito.

Hindi nito inalis ang tingin sa kaniya. "So, nahanap mo na ba siya?" maingat na tanong nito.

Muli ay nagkibit balikat na lamang siya. "Sa ngayon wala pa akong nakikilalang pumasa sa mga ideals ko."

"Bakit ano bang ideals mo?"

Napatitig siya rito. Bahagya siyang nailang nang makita ang kislap ng kaseryosohan sa mga mata nito na agad ding nawala. "What's with the questions?" tanong niya rito na bahagyang tumawa upang palisin ang pagkailang na iyon.

KISSING A STRANGERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon