EEIRE'S POV
Umalis si Terrence at iniwan niya akong mag-isa sa bench. May punto siya... Ako ang dahilan kung bakit siya nagkakaroon ng mga kaaway. Tapos basta basta ko lang siya iiwan? AISH. Hindi ko alam kung anong gagawin ko...
Nakatambay lang ako sa school park nang narinig ko 'yung dalawang babaeng nag-uusap...
"Grabe 'yung vandalism sa CR ng girls tungkol kay Anja 'no?"
"Totoo kaya 'yun?"
Nacurious ako kaya nilapitan ko 'yung dalawang babaeng magkausap.
"Excuse me. Anong meron sa girls' washroom?"
"Ah... Eh kasi..." sabi noong isang babae "may vandalism doon. Ang sabi, mang-aagaw daw si Anja ng boyfriend. Pagkatapos niyang mang-agaw, sasabayan pa niya ng isa. Kumakalat na 'yung balitang 'yun."
Napaisip ako... Mang-aagaw ng boyfriend? Hindi kaya si Iela ang nag-umpisa ng issue na 'yun? Nagtext sa'kin si Louie na sinasabing bumalik daw agad ako sa room dahil may emergency. Pagdating ko sa room, nagkakagulo sila. Nakita kong nakaupo sa platform ng room si Iela habang umiiyak at si Anja at Rein naman eh nakatayo sa harap niya. Nagpunta ako sa harap at napansin ko na nagdudugo 'yung binti ni Iela.
"Anong nangyari dito?"
Napatingin si Iela sa'kin pero hindi siya nagsalita. Nilapitan ko siya at kinuha ko 'yung panyo sa bulsa ko. Habang tinatalian ko 'yung sugat ni Iela, nagsalita si Anja.
"Eerie... Hindi ko naman sinasadya eh..."
Tinulungan kong tumayo si Iela.
"Mamaya na tayo mag-usap." sabi ko kay Anja.
Lalabas na sana kami ng room ni Iela papuntang clinic nang pumasok si Mr. Ocampo.
"Oh, anong nangyari dito? Mr. Kim, saan kayo pupunta?"
"Sir dadalhin ko lang po si Iela sa clinic. Aksidente lang naman po."
"Ah ganun ba. Sige. Bumalik ka kaagad ha."
"Yes sir."
Nakalabas na kami ng pinto at naglalakad sa corridors when she started the conversation.
"Bakit ganito ka na naman sa akin?"
"Ha? Anong ganito?"
"Sa pagkakaalam ko kasi dapat galit ka sa'kin ngayon eh. By the way, sorry sa nangyari last time... Naging possessive ako masyado sa'yo. Kaya siguro hindi ko kinaya na makita na maraming nagkakagusto sa'yo kaya ako nakipagbreak noon. Basta, sorry."
"Okay na 'yun. 'Wag mo nang alalahanin..."
"Pwede ba akong humingi ng favor sa'yo?"
"Sige, kahit ano."
"Gusto ko sanang ituloy na lang natin 'yung friendship natin. 'Yung tayo noon bago pa tayo pumasok sa relationship. Sabihin mo lang sa'kin ngayon na magmove on na ako... Kasi hanggang ngayon... Iniisip ko na sana ikaw pa rin..."
"Magmove on ka na... You deserve someone better than me. Someone na mammeet lahat ng expectations mo... Someone na mamahalin ka the way you wanted to be loved. Let's just stay as friends. Siguro nga mas mabuti 'yun... No emotional attachments, pero nandiyan pa rin tayo sa isa't isa..."
"Thank you... Mas magaan na 'yung loob ko ngayon. By the way, may isa pa akong ipagsosorry... Ako rin naman kasi 'yung may kasalanan kung bakit ako nagkaganito eh."
"Ano bang nangyari?"
"Napagsabihan ko si Anja ng masama. Na 'wag ka na lang niyang guluhin... Ayun, nagalit si Rein. Sorry. 'Wag kang magagalit sa kanila ha. Sa'kin na lang kung gusto mo."
VOCÊ ESTÁ LENDO
Captivated
Ficção AdolescenteAre you willing to take the risk kung ang lahat ng nasa paligid mo sinasabing hindi, masama, at bawal ang gusto mong gawin? Hindi sa lahat ng pagkakataon puro utak ang pinapagana. Hindi sa lahat ng pagkakataon puso ang pinapairal. Pero kapag dumatin...
