Chapter 3: We Meet Again

4.6K 39 5
                                        

Georgina's POV...

“Oh my God, not again,” iritableng bulong ni George.  May flowers at chocolates na naman kasi sa table ng office niya. May note pa na:

To my love,

           I’ll do this every day to remind you how much you mean to me.

                                                                                                            Always,

                                                                                                               Angelo 

Si Angelo ang masugid niyang manliligaw at ang kulit nito.

Gwapo, mayaman at mabait naman ito pero sadyang walang pagtingin si George sa binata. 

“Uyy, from fafable Angelo again? Ang sweet talaga,” tukso ni Ira, officemate niya. 

“Yeah, another of many. I’ve already turned him down Ira, but he’s still persistent to pursue me,” malungkot niyang sagot. 

“Why don’t you give him a chance?

Why don’t you also give yourself a chance?

You deserve to be happy too George,” may simpatiyang tugon nito. 

“I know, but I really don’t feel anything for Angelo, you know that. I don’t want to give false hope to someone who loves me that much.

He deserves someone better, someone who loves him back. And it’s not me,” paliwanag niya.

Totoo nga naman, di naman talaga niya mahal si Angelo. Wala talaga siyang nararamdaman para sa binata at ayaw niya itong paasahin.

After work ay tumungo siya sa isang mall sa Makati para mag-grocery.

Sa kanyang paglalakad ay nagkabungguan sila ng isang matangkad at mabangong lalaki.

Pamilyar ang amoy na iyon sa kanya, kinabahan siya bigla. “Whoa, sorry miss. Ok ka lang?” tanong ng lalaki. “Yes,” sagot niya at nagtama ang kanilang mga mata.

Mga alaala ng mapait na kahapon ang biglang sumagi sa isip niya. 

“Are you sure? Long time no see Georgina,” ngiting sabi nito. 

“Yeah, I’m okay. Long time no see Jean,” sagot niya. 

“So, saan ang punta mo niyan?” tanong ulit nito. “Supermarket, groceries sana,” tipid niyang sagot.

“Would you mind if makisabay ako?

Doon din kasi ang tungo ko,” sabi nito. 

“Sure, I don’t mind.” 

Heto ngayon ang lalaking laman ng mga panaginip niya gabi-gabi.

Ang lalaking laman ng isip niya araw-araway narito ngayon at kasabay pa niyang namimili ng supplies.

Sinusulyapan niya ito sa gilid ng kanyang mga mata.

Wala pa rin itong pinagbago, gwapo pa rin at confident sa sarili.

Pero halatang nag-matured na ito, magiging daddy na kasi ito. Halatang Masaya ito. 

“So how’s Leila?” siya na ang pumutol sa katahimikan. 

“Ok lang, she gained weight from pregnancy and she doesn’t like it.” 

Just Love Me Again  ~HyunZy StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon