Chapter 19: Ariela Against Hades

Pinagmasdan ko ang paglayo ni Snow, nang masigurado kong tuluyan na siyang nakalayo, humarap ako kay Hades.

                            

“Aaah, drama.”

Nakangisi ito, aliw na aliw sa sitwasyon. Dahan dahan siyang lumapit sa akin. He glides across the air with such ease and accuracy that it terrifies me.

Pero hindi ako pwedeng magpadala sa takot ko. Hindi ko alam kung matutupad ko ang ipinangako ko kay Snow ngayong mag isa nalang ako sa gubat kasama si Hades. Pero higit pa sa takot na nararamdaman ko may gusto akong malaman.

“Yung sinabi mo kanina.” nagawa kong humakbang palapit sa kanya. “Totoo ba yun? Ako ang dahilan ng pagkasira ng lahat ng society?”

Natigilan siya at naging mas malapad ang kanyang ngiti. “Tama ka, Miss Davis. Ikaw at wala ng iba ang nakatakdang sumira sa balanse ng apat na society.

Para akong sinaksak sa dibdib dahil sa sinabi niya. Totoo pala. Totoo ang kinatatakutan ko. Napalunok ako. Ako ang maaring makasira ng lahat. Ako at ang kapangyarihan ko.

“Sa tingin ko dapat kang katakutan. Dahil kaya mong pumatay ng charm. Kamatayan ang katumbas ng pag kawala ng charm para sa isang charmer.”

My mouth went dry. Suddenly ayoko ng marinig kung ano man ang mga sasabihin niya. I want to shut his voice out.

“Hindi ka ba natatakot na magawa mo ang bagay na yun sa mga kasama mo? Ni minsan hindi mo ba naisip yun?”

Isang imahe ang sumagi sa isip ko. Ang huling training ko kasama si Jett. Naalala ko ang pagmamakaawa ko na hwag ituloy yun, ang takot ko na baka masaktan ko siya. A painful feeling washed over me. Hindi ako nakapag salita. Biglang nag init ang sulok ng mga mata ko and for the first time I was truly scared of my power.

“H-Hindi ko yun magagawa.” I choke out.

“Paano ka nakakasigurado? You can’t even control your charm. Ikaw at ang mga kasama mo pati na ang special charm na hindi mo macontrol. Imagine what would happen.”

I shake my head to clear away the horrible images that’s suddenly flashing in my head. My hands started to tremble.

“Ipapahamak mo sila, Ariela. Ang bagay na katulad ng special charm ay pinaghahandaan mula pagkabata. Hwag mong asahan na maccontrol mo ito sa loob lamang ng ilang buwan. That’s impossible. Kapag huli na ang lahat malalaman mo na tama ako.”

“STOP.”

“Ikaw ang dahilan ng pagkawasak ng Academy. Ang mga kaibigan mo papatayin mo sila. Sadyain mo man ito o hindi wala kang magagawa. Ang charm mo ang kumo-control sa iyo.”

Gusto kong takpan ang tenga ko para hindi na siya marinig. Pero pakiramdam ko wala na akong lakas. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ayoko na siyang marinig pa.

“Tama na, nakikiusap ako.”

“Nagpapagod lang sila sayo. Nagsasayang sila ng panahon para tulungan ka. Sumama ka sa amin, Ariela. Kaya naming alisin ang sumpa na kasama ng pagiging special charm.”

“Hindi.”

Unti unting nagbago ang ihip ng hangin sa loob ng gubat. Nagsimulang magwala ang mga puno, nagliparan ang mga tuyong dahon sa lupa. Marahas ang naging pag ihip ng hangin habang pinalilibutan ako.

“Hindi ito matatapos, Ariela. Mauulit ang mga ganitong sitwasyon hangang sa maubos ang mga kasamahan mo at makuha ka namin. Kaya sumama ka nalang, Ariela. Spare them their lives.”

Charm Academy: School of Magic (Published Under Cloak Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!