Chapter Five

13.7K 380 10
                                        

HINDI pa man nagsisimula ang araw ay parang pagod na pagod na si Jena. Hindi siya masyadong nakatulog kinagabihan. Hindi rin siya excited pumasok sa araw na iyon dahil iyon ang araw na ma-aasign siya kay Woody.

"Jena!" napalingon siya nang marinig niya ang pagtawag sa kaniya ni Aya. Base sa ekspresyong sa mukha nito ay may importante itong sasabihin sa kaniya. "Ang bruhang si Lettie magle-leave hindi sinasabi sa atin," sabi nito.

Bahagya siyang napaderetso ng upo sa sinabi nito. "Ha? Bakit daw siya magle-leave?" takang tanong niya.

"Ewan ko nga eh," sagot ni Aya.

Noon naman lumabas sa opisina ni Mrs. Ramos si Lettie. "Huy bakit ka magle-leave na babae ka?" magkapanabay pang tanong nila ni Aya dito. Himbis na sumagot ay ngumiti lang ito at lumakad patungo sa cubicle nito. Nagkatinginan sila ni Aya at magkasabay na sinundan ito.

"At bakit ganiyan ka makangisi ha? May inililihim ka sa amin ano? Napapansin ko na na parang may iba sa iyo Lettie. Umamin ka nga, may boyfriend ka na no? Ang aura mo lately ay kulay pink e," sabi ni Aya rito.

Nanlaki ang mga mata ni Lettie at namula pa ang mukha. Patunay na tama ang hinala nilang magkaibigan. "P-paano mo napansin?" tanong pa nito.

Napasinghap siya sa sinabi nito. "So totoo!" malakas na sabi ni Aya.

Sa pagkataranta nito ay natakpan nito ng kamay ang bibig ni Aya. "Aya ang ingay mo!" saway nito. Muntik na siyang matawa sa reaksyon nito.

Inalis ni Aya ang kamay ni Lettie sa bibig nito at muling nagtanong. "So, hanggang kailan mo balak ilihim sa amin ang love life mo? Magkaibigan ba tayo ha?"

Ngumiwi si Lettie. "H-hindi naman sa inililihim ko. Hindi lang ako makakuha ng tiyempong sabihin," paliwanag nito.

Siya naman sana ang magtatanong nang biglang lumabas ng opisina nito si Mrs. Ramos. "Ms. De Guzman, halika sandali. Pupunta tayo sa Design Department para sa sinasabi ko sa iyong magiging trabaho mo temporarily," tawag nito sa kaniya.

Napatayo siya. Gusto niyang pagalitan ang sarili niya na bigla siyang kinabahang makaharap muli si Woody. Pero hindi niya iyon maaring ipahalata sa amo niya at sa mga kaibigan niya dahil hindi naman alam ng mga ito na magkakilala na sila ni Woody bago pa ito maging head ng Design Department. Kaya tumingin siya sa mga kaibigan niya at pilit na ngumiti. "Sige, maiwan ko na kayo ha," aniya sa mga ito at sumunod kay Mrs. Ramos.

Habang tinatahak nila ang daan patungo sa opisina ni Woody ay paulit-ulit siyang humihinga ng malalim. Nang huminto si Mrs. Ramos sa harap ng pinto sa pinakaloob ng departamentong iyon at kumatok ay nahigit niya ang hininga.

"Come in," narinig niyang sabi ni Woody sa loob ng silid.

Binuksan ni Mrs. Ramos ang pinto pero hindi ito pumasok. "Mr. Sandejas, sinamahan ko lang dito si Miss De Guzman," sabi nito at nilingon siya. Sinenyasan siya nitong pumasok sa loob.

Muli siyang huminga ng malalim at pumasok na nga. Nakita niya si Woody na nakatayo at bahagyang nakasandal sa lamesa nito. Nakatingin ito sa panig nila kaya nang mapatingin siya rito ay agad na nagtama ang mga mata nila. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang bahagyang pag-angat ng gilid ng mga labi nito bago inalis ang tingin sa kaniya. "Thank you Mrs. Ramos. I'll take it from here," sabi nito sa boss niya na nagpaalam na at isinara ang pinto sa likuran niya. Naiwan silang dalawa doon.

Tumikhim siya. "Well, Sir, I am Jena De Guzman. I will be your temporary secretary until you find one," pormal na pakilala niya rito upang iparating dito na purely professional na dapat ang maging relasyon nilang dalawa.

KISSING A STRANGERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon